Chapter 32: Operation

744 21 15
                                    

Napapadalas na yung pag-uusap namin sa phone ni Lenard at ganoon din naman kabihira ang pag-uusap namin ni Eroll. Naiintindihan ko naman kasi nakikita ko namang napaka busy niya. Isang linggo nalang at maooperahan na si Lenard. 

"Kinakabahan na ako. May nabasa akong isang account na pagkatapos ng heart transplant eh nabuhay lang yung patient ng 2 days, tapos na dedo na siya." kwento ni Lenard. 

"Ano ka ba, chill lang, hindi ka matutulad doon. Gagaling ka at hahaba pa buhay mo, dasal lang tsaka sundin ang sinasabi ng mga doctor."

"Opo inay." sabi niya na pabiro. "Ikaw? Kamusta ka naman na? Balita ko nag ECG ka ulit, ano nakita?"

"Di ko pa alam eh, si mama naman yung tumitingin ng mga resulta ng kung ano mang pinagdadaanan kong test. "

"Hindi mo ba inaalam?" tanong niya. 

"Ayoko na alamin kasi hindi ko rin naman naiintindihan, tsaka ayoko na mag-isip pa, basta gagawin ko nalang kung ano ang dapat kong gawin. "

"Nakakainspire ka alam mo ba yon? Ako kasi simula nung nalaman kong may sakit ako na ganto eh wala na akong ginawa kundi isearch sa internet kung anong kahihinatnan ng sakit nato, mamatay ba ako kaagad, o kung mamamatay akong virgin."

"WHAT?" Hindi ko kinakaya ang mga lumalabas sa bibig ng lalaking to. 

"Oh Bakit? Masyado ka namang conservative." Tumawa siya sa kabilang phone. "Ayokong mamatay na virgin." Napaka uncomfortable na nitong topc na'to. 

"You know what, if your aim in life before dying is to get laid, I think you're not using your remaining time on Earth wisely." sabi ko, napatahimik siya sandali.

"Napakaseryoso mo naman." sabi niya na may kasamang tawa. "Joke lang 'yon!"

"Okay." sabi ko at medyo ngumisi nalang ako. "Sige ha, mamaya uli, may gagawin lang ako."

"Okay okay. Bye." Binaba ko ang phone at tumayo ng dahan dahan at naglakad papuntang bintana. Umupo ako sa upuan doon at binuksan ang glass. Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko na nagtuloy tuloy sa buhok ko na parang hinahawi niya ito. 

Pumikit ako at parang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari mula dun sa pagiging plain ko hanggang sa binago ng Diyos ang buhay ko. Simula nung nakilala ko si bonnet singer, hinanap ko kung sino ba talaga siya sa buhay ko at nalamang isa siyang nakatagong bahagi ng pagkatao ko na sa wakas ay nakalabas narin. Gone is the plain, introvert 16 year-old girl whose main goal in life is to just live in the world peacefully. Ang laki na ng pinagbago ko, ang dami nang nangyari sa buhay ko na naging rason para maging ganto ako kalakas, ganto katindi ang pananalig ko sa Diyos. 

The Search for the Bonnet Singer, silly title but it has a deep meaning for me, a really really deep one. The people wanted to know who she is, and so was I. The only difference now is I finally found her and got to know her more than anyone else. 

Ilang araw na ang nagdaan at dumating na ang panahon ng operasyon, hindi ako pupwedeng lumuwas ng Maynila kasi risky na raw sabi sa akin ni mama at hindi rin daw ako makakatulong doon at mas mabuti na dito nalang ako sa Baguio at maghintay ng balita. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now