Chapter 23: Changes

1K 27 6
                                    

Saturday uli at programa uli, nagtrending worldwide uli ang first hour namin. 

"Wow! DJ Bonnie! Ang daming sumusubayay sa kani-kanilang mga radyo ngayon at halos lahat eh hinihintay ang boses mo! Gora na! Anong message mo girl!" 

"Wow naman, thank you naman jan. "sabi ko na may pekeng tawa. "Gusto niyo bang marinig akong kumanta? Sige, mag request kayo ng song, then pabati nadin, game? Hihintayin namin yan!"

"Susunod na at marami pang iba sa pagbabalik ng tambalang kantahan! Heto muna ang kanta mula kay Ronnie Liang." At nagplay ang kantang ngiti. 

"Wow, ang daming texts at comments! Anong gusto mong kantahin beb?" Beb ang tawag sa akin ni ate Dina. "Heto, Invisible, maganda to." Pinakinggan ko ang kanta ni Hunter Hayes at ngayong pinapakinggan ko uli ito, mas naintindihan ko ang mensahe ng kanta, hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako .

"Okay ka lang?" Tumango ako at ngumiti, lumipas ang ilang minuto ang balik ere uli kami.

"Heto na heto heto na! Nakapili na ako ng kanta! Pero bago yan eh pabati muna! Sabi ni ateng makulit, hello po sa tropang kulits na nakatambay sa tindahan ni aleng Patty, kaway kaway. Galing naman kay superhaggard, kamusta raw sa mga kaibigan niyang busy sa kanilang mga readings sa school? Kain muna."

"Sa facebook naman, sabi ni Alexis Tera, Hello raw sa boyfriend niyang may klase ngayon. At galing naman kay Kimberly Ramos, binabati ko po ang mga blocmates ko na nagliliwaliw ngayon, bwisit kayo, iniwan ninyo ako!" pagdadagdag ni ate Dina.

"Salamat sa mga bumati, itutuloy po natin yan maya-maya, ang napili ko palang kanta ay Invisible na alam ko namang pamilyar na sainyong lahat dahil karamihan ay iyon ang request. Bago yan, naisipan kong mas magandang magkwento nadin ako para naman mas ma appreciate ninyo ang kanta katulad ng nagawa ko." Pinatugtog ang instrumental ng invisible habang nagsasalita ako.

"Para eto sa lahat ng mga taong sa tingin eh plain lang sila, yung mga taong sa tingin eh nababagay lang sila sa sulok at nakatahimik lang. Sa mga taong akala nila eh walang nakakakita sakanila dahil wala silang talent o ano. Ako din man mas pinili kong mabuhay ng tahimik, wala akong kaibigan at ayokong nakikipag-usap sa mga tao. Pero naisip ko na sinasayang ko lahat ng kung anong meron ako kung magtatago nalang ako o tatahimik sa isang sulok na wala man lang nagagawang kahit ano para sa iba. Sana ay pakinggan ninyo ng mabuti ang kanta at sana maapektuhan din kayo. You are not invisible." ngumiti ako, kahit na si ate Dina lang ang nakakita, okay na ako.

 "Crowded hallways are the loneliest places for outcasts and rebels or anyone who just dares to be different. And you've been trying for so long to find out where your place is but in their narrow minds, there's no room for anyone who dares to be different. Oh, but listen for a minute." Hindi ko mapigilang ang luhang pumatak dahil sa gravity. "Trust the one who's been where you are wishing all it was, was sticks and stones. Those words cut deep but they don't mean you're all alone and you're not invisible. Hear me out, there's so much more to life than what you're feeling now. Someday you'll look back on all these days and all this pain is gonna be invisible oh, invisible" Maya maya eh pati si ate Dina eh naiyak narin, napapangiti nalang ako kasi ang cute niyang umiyak, hindi katulad o na kapag umiiyak ako eh may sipon sipon pa. 

"These labels that they give you just 'cause they don't understand. If you look past this moment. You'll see you've got a friend waving a flag for who you are. And all you're gonna do. Yeah, so here's to you and here's to anyone who's ever felt invisible." Lahat tayo, minsan sa buhat natin nabigyan na tayo ng label, 'taba', 'payat', 'panget', 'bobo', 'tanga' at kung anu-ano pa, pero dapat hindi iyon ang magiging permanente nating label, dapat baguhin natin yon. Tinapos ko ang kanta at nagpupunas si ate Dina ng ilong. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now