Chapter 24: Thoughts

999 29 6
                                    

Hello, pasensya na po talaga sa mga naghihintay ng u[date na nabibigo, nakakastress po talaga ang buhay ko ngayon. Hahaha! So yeah, sana po ay basahin niyo padin po ang storyang to. :)

-----

Hindi padin bumabalik sa dati si Eroll, tulala padin siya tuwing nakikita ko siya, though twice a week lang kaming nagkikita. 

"Pumapanget ka na." Bigla niyang sabi, bwisit to. Pero hindi nalang ako masyadong nagpakita ng inis kasi alam kong ginagawa niya 'yon para maging masaya. 

"Wow ha, thank you, pinalakas mo loob ko don." ngumiti siya at bumalik uli sa pagkakatulala. "Dadalawin mo lang ba ako para titigan kitang maging tulala? Dude, mas lalo akong na dedepress sayo eh." It's been a week since nailibig yung papa niya. 

"Anong gagawin ko panda girl?" tumingin siya sa akin. "I feel empty." Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom. 

"What do you have in mind?" nagkibit balikat siya. "Hindi ko pwedeng sabihing move on kasi di naman ganun kadali yun, pero in time, sana matanggap mo na wala na ang papa mo." Tinakpan niya lang yung mukha niya at sumisinghot singhot. 

"May pagkain ba kayo diyan." Ngumiti ako at tinawag si manang para ilabas ang cookies na ginawa ni mama kagabi. 

"Oh ayan, sabi ni mama, ibigay ko na raw sayo yan." Tinitigan niya yung box at tumulo yung luha niya. "Baliw, bakit mo iniiyakan yung cookies? Sige ka, aalat yan." 

"Mas baliw ka, oh sige na, mauna na ako, take care." Kinuha niya kaagad ang box at umalis at di man lang lumingon, grabe, sa tingin ko talaga kaya siya nagpupunta dito eh para sa cookies talaga. 

Heto ako ngayon, mag-isa uli, tinitigan ko ang kisame at dinama ang katahimikan ng bahay, ilang araw nadin akong taong bahay, nakakabaliw, para akong nasa ospital. Dumating si mama na may dala dalang box ng cake, dama kong lumiwanag ang box kasi yun lang ang tanging nakita ko hanggat sa inilapag na ni mama iyon sa mesa. 

"Favorite mo, caramel cake, konti lang ha." Ngumiti ako at binigyan niya ako ng kalahating slice ng cake. 

"Ma, pwede ba akong lumabas? "

"Oo naman, dun sa garden."

"Ma naman, I mean, labas like, park, mall, beach."

"Bakit ka pa namin pinatigil sa school kung papayagan ka namin diyan? Tsaka tama na yung Saturdays na lumalabas ka."

"Eh ma naman, bahay at radio station lang kaya ako, nakakaumay na."

"Magtiis ka, may sakit ka kaya." Tumahimik nalang ako. "Pero sige, tatanungin ko yung doktor mo kung pwede kang mag beach."

"Beach? As in beach?! Yung may buhangin? Yung may tubig-alat? Yung may shells? Yung may mga isda?!" 

"Oo, dahil uuwi din in two weeks ang kuya mo dito, siguro para may bonding nadin tayo. " Niyakap ko si mama, she's so cool!

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now