Chapter 26: The search

1K 29 0
                                    

Ule, sorry na umaabot ng napakatagal bago ma-update ito, sana lang din ay huwag kayong bumitaw. (HAHAHA, Ang drama) Pero kung natatagalan naman na kayo, keri lang din. Hihi. :) Pero sorry po sa mga naghihintay ;)

-----

"Anong intensyon mo sa kapatid ko?" Ang unang tanong ni kuya Adam kay Eroll nang tabihan niya kami sa tabing dagat habang kumakain ng spaghetti, sabay namin iyong nailuwa. 

"Kuya!" sigaw ko.

"Oh bakit? May masama ba doon?"

"Walang something samin, friends lang kami! Ano ka ba naman?!"

"Oh eh bakit ang defensive mo?" tanong naman ni kuya habang tumatawa, umupo siya sa pagitan namin ni Eroll at ngumiti. "Hai brad, ako si Adam, kuya ni Jane." 

"H-hello po." umubo si Eroll, para siyang natatakot o ano. 

"So alam mo naman na siguro ang lagay nito diba? Gusto ko lang magpasalamat dahil sabi ni bunso eh inaalagaan mo raw naman siya."

"Opo, sa makakaya ko po."

"Oh good. 'Wag mo lang liligawan." Tumahimik at nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi ni kuya.

"Wag kang mag-alala kuya-"

"Adam nalang, 'wag ng kuya."

"Oh sige Adam- hindi ko liligawan kapatid mo, noon siguro noong wala pa siyang sakit." nakita ko ang pagtaas ng kilay ni kuya.

"Hindi mo siya liligawan kasi may sakit siya? Loko ka pala eh, porke may sakit?"

"Kuya OA! Napagusapan na namin ang rason tungkol diyan, wag ka nang mangialam."

"Hindi, gusto kong malaman."

"Ayoko siyang ligawan kasi hindi ko alam ang mangyayari. Kung ano man sa dalawang 'yon eh handa ako." nakangangang nalilito ayung mukha ni kuya.

"Ang labo niyo. Basta wag mong liligawan, tapos!" Tinapik niya si Eroll sa balikat atsaka tumayo at lumayo sa amin. 

"Sa tingin niya siguro ayaw kitang ligawan kasi sa tingin ko mamamatay ka na." tumango ako. "Alam mo naman to eh, kaya hindi kita liligawan para kung ano man ang mangyari eh malaya ka. Kung sakaling pagod ka na sana hinding hindi mangyayari, magpapahinga ka ng matiwasay kasi wala kang maiiwang gusto ring magpakamatay kasi wala ka na. Para naman sa parte ko sa sitwasyong 'yon, hindi ako masyadong maaapektuhan at hindi ako aabot sa magpapakamatay kasi wala ka na. Although malulungkot parin ako ng todo."

"Sunga! Hindi naman sagot ang pagpapakamatay!"

"Alam ko naman, basta. Sa kabilang sitwasyon naman, kapag gumaling ka. Makakapagsimula ka ng bago, makakahanap ka ng totoong kaligayahan mo ganoon. Para sa akin naman eh masaya kasi pwede na siguro." Hindi ako nagsalita at nagtitigan lang kami, at maya-maya eh sabay kaming humagalpak sa tawa. "Taena ang corny!"

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now