Chapter 18: Family

935 27 6
                                    

Maswerte ka na kung may pamilya ka, dahil kahit ano mang mangyari sa'yo alam mong may mga taong tatanggapin ka, yayakapin ka at susuportahan ka. 

Tumambay pa kami sa mall ni kuya, hinila ako ni kuya sa isang jewelry shop. 

"Anong ginagawa natin dito? Bibilhan mo si Ate Carrie ng necklace?" umiling siya. 

"Para 'to sa isa sa mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko." ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Mamili ka diyan." 

 

"Para kanino?"

 

"Slow, sa'yo. Mamili ka na dali." Inalala ko ang cheezy line ni kuya, grabe, nagiging sweet pala ang mga tao sa paligid mo kapag may sakit ka. Kumikinang ang mga kwintas, lahat magaganda pero wala akong mapili.

"Ikaw nalang kuya." Tumingin siya sa glass at ilang sandali pa ay may nakita na ata siya. 

"Miss, eto nga." Itinuro ni kuya ang isang kwintas na may puso na binalutan ng eternity symbol. "Gusto mo?" Tumango ako at ngumiti. "Kukunin ko na 'yan, diyan ka lang." Alam ko kung bakit niya ako pinapaiwan dito, para hindi ko marinig ang presyo. Dalawa kami ni kuyang kuripot kaya naiintindihan niya ako, pero ngayon, iba siya eh.

 Ilang sandali pa ay bumalik na siya na may hawak na maliit na paperbag. "Oh." Iniabot niya 'yon sa akin. 

"Thank you kuya." 

 

"Hindi mo ba bubuksan?" 

 

"Doon nalang sa labas." Ngumiti siya at pumunta kami sa veranda ng SM doon ko binuksan ang box sa loob ng paperbag. "Wow, ang kinang ha." sabi ko habang nakangiti ng malaki. 

"Akin na, isuot ko sa'yo." Isinuot ni kuya 'yong kwintas sa akin. Madalas, sa mga scene na ganito sa TV eh, yung boyfriend o lover ng babae ang nagsusuot ng kwintas. Pero, mas sweet pala at mas heartwarming at mas espesyal kapag kapamilya mo, kapag kuya mo o tatay mo ang magsusuot sa'yo. 

"Thank you."

 

"Nakakailang thank you ka na. " ngumiti uli siya. "Nung nakita ko 'yan kanina, alam kong yan na ang bagay sa'yo. Nakikita mo? Puso diba na may nakabalot na eternity sign?" tumango ako "Kahit na ano pang mangyari diyan sa puso mo, habang buhay 'yang magiging buhay at masigla para sa amin." Gusto kong maiyak pero hindi ito ang tipo namin ni kuya, hindi kami umiiyak sa isa't isa.

"Kung pwede lang, hindi na ako aalis papuntang Manila." Nagulat ako, umiiyak na si kuya, may luha na sa gilid ng mata niya. "Nakakagago naman 'yang sakit na yan, sayo pa dumapo."

 

"Nasa dugo natin 'tong sakit na'to kuya." Nagpatingin na sila mama para makita kung may posibilidad din bang magkaroon sila ng sakit gaya ng akin, gayon din sa side nila tita. Pero buti nalang dahil negative naman silang lahat, 'yon nga lang, ako lang.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora