Chapter 17: Agreement

943 24 2
                                    

Nakaharap padin ako sa mensahe niya, nanginginig ang kamay ko at halos isang oras na akong bura ng bura sa kung ano mang naitype ko, ano bang sasabihin ko? Niresearch ko na ang profile ni Ms. Lily Ann at totoong sa ZRE station nga siya nag t-trabaho, at totoo si Mr. Arjo Reyes.

'Hello, thank you and I am willing to take your offer but I have my own conditions.' Ilang sandali pa ay nagreply na siya. 

'Wow, thank you, my boss is here with me and he is more than happy to attend to your conditions. Anu-ano po ba ang mga iyon?'

 

'Gusto ko po sana na maging anonymous parin ang pagkatao ko.' reply ko naman, mga limang minuto ang lumipas at nagreply din sila. 

'Pwede ka ba naming ma-meet personally para mapag-usapan namin ang mga kundisyon?'

 

'I'm here in Baguio and I believe that your station is in Quezon City?'

 

'Baguio City? Tamang tama, may meeting ako diyan sa weekend. Maybe we could meet? And I believe that you're still a minor so please bring with you a guardian. This is Arjo Reyes, head station manager.'

 

'What for sir?'

 

'For formality purposes at para alam din nila ang mga bagay na ipapaliwanag ko sa'yo.'

 

'Okay po, thank you.'

 

'Is-send nalang namin sa'yo ang lugar at oras at doon tayo magkikita, thank you for cooperating.'

 

'Thank you rin po.' reply ko, hindi na sila nagreply. Wew, okay, heto na'yon.

Pumasok ako sa school at parang iang normal lang naman na araw maliban sa mga teachers na ang akala eh bubulagta ako sa hallway isang araw na wala nang buhay kapag napagod ako, tinakot ata sila ni mama at papa ng husto.

"Hello, I'm Eroll." tumingin ako sa lalaking naka tayo sa harapan ko, anong kakornihan nanaman eto?

"Ano 'yan?"

 

"Gusto ko lang magpakita ng bagong imahe sa'yo, gusto ko talagang makipagkaibigan kasi hindi ko matagalan ang ugali ng mga tao dito maliban sa'yo. Okay lang ba? Pangako, hindi ako manggugulo sa'yo." Ngumiti ako.

"Okay,watever."

 

"Talaga? Okay lang na friends tayo?"

 

"Oo na." ngumiti ulit ako. "Basta huwag kang masyadong makulit. Act like any other guy." tumango siya.

"Okay sige, sure."  Hinihintay namin ang teacher namin a first subject nang dumating si Eser na may hawak na malaking teddy bear at papunta siya sa direksyon ko. "Uy, si crush mo oh." Tumayo si Sheen na nasa direksyon ko din, asa pa ako. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now