Chapter 33: More Trials

636 21 4
                                    

"Ma'am, sinasabi ko naman po kasi na simulan na natin ang tests para makita natin kung ano ang kakailanganing puso, para atleast may idea kung anong fit na kukunin na donor." sabi ng isang boses.

"Pero alam ko may iba pang paraan maliban doon! Ayokong i-risk ang buhay niya. Pinayagan ko kayong iconsider ang transplant pero sabi ko iconsider niyo muna ang iba!" sabi din ng isang boses na parang si mama. 

"Eto nalang po ang last resort natin. Sinabi ko po a month ago na maaaring tumuloy sa heart transplant ang lagay niya pero ngayon po eh iyon nalang talaga ang tanging paraan. Lalong mar-risk ang buhay niya kung hindi natin itutuloy ang surgery. Ma'am magtiwala po kayo." Umiiyak na si mama sa pagkakarinig ko. 

"Ma, tama siya, we have to take the risk. Mas maraming nabubuhay ng matagal kaysa namamatay." sabi naman ng lalakeng boses na hawig kay kuya. Dahan dahan kong iminulat yung mata ko at nakita ko na nakatayo sa kuya sa bandang dulo ng room habang pinapainom ng tubig si mama. 

"M-ma?" Mahina kong sabi. Nakita ako kaagad ni Kuya at pinuntahan. 

"Jane, anong nararamdaman mo? May masakit ba?" Subukan kong pakiramdaman ang katawan ko pero wala dahil andaming naksaksak sa katawan ko na kung anu-ano. 

"Wala naman kuya." sabi ko na may pilit na ngiti. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Daddy at si Ayls. 

"Jane! What do you feel? Anong sabi ng doktor? Anong nangyari?" Nakatitig lang sa floor si mama at si kuya naman eh naiiyak na. 


"Anak, sabihin mo na." ang mahinang sabi ni mama. 

"D-dad, sabi ng doktor, hindi na raw tinatanggap ng katawan at puso ni Jane 'yong mga treatments and drugs na ipinapasok sa katawan niya, at kung ipipilit pa eh magkakaroon ng maraming side effects na maaari niyang ikamatay." Napaupo si dad at napahawak sa ulo habang naririnig ko ang mga hikbi nila, hindi ko magawang umiyak. Does this mean, I have to take the final resort? The heart transplant? "And the only and last way to make her well is through heart transplant. "

"Yes, okay! Then let's do it! We will do everything to make her well." Ngayon ko lang nakita si Dad na ganoon, hindi ko na kinaya at umiyak narin ako. "Jane, shh- I'm sorry, we shoudn't talk about this topic in front of you."

"Mas maganda na alam ko rin kahit ideya lang kung ano ang mangyayari sa akin." sabi ko ng mahina. "Bakit hindi niyo sinabi pa noon na may chance na i heart transplant ako ma?" tanong ko.

"Kasi alam ko na ganoon din ang lagay ni Lenard at baka mastress ka lang lalo o lalo ka pang mag-isip." Hindi nalang ako nagsalita. Hanggang ngayon eh takot na takot parin sila kahit na ilang beses ko na sinabi na kaya kong i handle kung ano man ang mangyayari sa akin. 

"Ano na pong gagawin?"

"Maghahanap yung doktor ng taong brain-dead at may kaparehas na tissue sayo para less na chance na ireject mo yung heart, marami pang kailangang tests na pagdaanan anak para ampunta ka sa waiting list. "

"Waiting List?! Bakit waiting list pa? Hindi ba pwedeng gawin na yung surgery agad agad? Magbabayad tayo." sabi ni dad.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Where stories live. Discover now