7

15 2 0
                                    

"Happy New Year!" bati sa akin ni Jessi habang nakangiti. Niyakap niya agad ako nang makita niya ako sa entrance pa lamang. "Musta ang New Year's eve?"


"It would be better with you," sagot ko. I pecked her nose and she crunched it. We both smiled at each other and then hugged each other tightly. "Saan mo gustong kumain? Nandito na ba sina Cleo?"


Umiling siya habang hindi pa rin pinakakawalan ang yakap sa akin. We haven't seen each other since Christmas break. Napag-usapan naming we will have one more Christmas and New Year to focus with our families.


Binati naman namin ang isa't isa and we call each other pero we tried bonding with our families on holidays. We said that aside from growing as ourselves and as partners, we should try growing our relationships with our families as well.


We saw the opportunities to do it on this holiday break. Total, ito pa naman ang unang holidays namin, officially. We're confident that this won't be the last.


"Libot muna tayo," pagyayaya niya. Hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan niya na agad ang kamay ko at tsaka ako hinila sa kung saan-saan sa department store habang hinihintay namin sina Cleo.


She enjoys looking for clothes, so what we both did is that I'd pick out outfits for her to try on and buy what I think looks best on her and vice versa. "Dapat may range ang price. Iniipon ko ang pinamaskuhan ko," seryoso niyang sinabi na s'yang nagpatawa sa akin.


Jessi looks cute. I started picking several outfits for her and she tried them on. "So? Alin dito?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang mga damit na pinili ko. I had to narrow it down to what made her features stand out, 'yung damit na hindi magtataas ng insecurities niya, tapos 'yung outfit that she felt great wearing.


I had to be careful in choosing, pero kita ko naman ang gusto niyang piliin ko so I chose it for her. She smiled at me. "Sure ka na d'yan, ha?" sinabi niya habang nakangiti. It made my heart beat faster.


I love seeing her smile.


Pumunta naman kami sa men's section at siya naman 'tong pipili ng para sa akin. I don't really mind what kind of outfit she makes me wear. Masmaganda nga kung piliin niya 'yung outfit na type niya sa isang lalaki.


One of them looked silly, though. Lumabas ako at pagkatingin na pagkatingin niya sa akin ay tumawa siya nang napakalakas. Halos hawak niya na nga ang t'yan niya kakatawa. I looked like a freaking clown.


Nakatingin na rin ang ibang tao sa amin pero hindi pa rin tumitigil si Jessi sa kakatawa. Though I felt embarrassed, natawa na rin ako. Nakakahawa ang tawa ni Jessi. And I always love it when I hear her laugh.


"Pwedeng 'yan ang bilhin natin? Please, please. I'll buy two of them na lang pala pero suotin mo 'yan sa Valentines day, ha?" pinupunasan niya ang kanyang luha na nanggaling sa katatawa niya nang makita ako.


Nakangiti akong tumango kaya naman tawang tawa niyang kinuha 'yung mga damit. Dumiretso kami sa counter para magbayad nang saktong dumating sina Cleo. "Sorry, biglang bumuhos ang ulan. Natraffic," paliwanag nito.


Halata sa mga buhok nila na medyo nabasa ng ulan. "What a bummer. Bagong taong bagong taon, tss," reklamo ni Natalie. "Hala, 'di man lang kami hinintay ng magjowa."


Nakita niyang nagbabayad itong si Jessi ng mga damit. Hinintay namin matapos 'yon at tsaka ko kinuha ang mga bag at hinawakan ang kamay ni Jessi. "Movies tayo. May maganda bang palabas ngayon?" panimula ng usapan ni Jessi kaya silang apat na ang nagsimulang mag-usap.


Sunod-sunod lamang kaming dalawa ni Gino sa kanila. Saktong palabas na kaming lahat sa department store nang napatigil ako. Napatigil din sila kasi huminto bigla sa paglalakad si Jessi.


"Mauna na kayo. May bibilhin lang ako," sinabi ko. Binitawan ko ang kamay ni Jessi na halos ayaw niya pang pakawalan. She's extra clingy today. It's cute.


"Tara na, jusko. Parang 'di na magkikita, ano?" reklamo ni Maris before starting to pull Jessi away. Kaming dalawa ang naiwan ni Gino.


Dumiretso ako sa tindahan ng mga jewelries na katapat lang ng department store. I made sure na hindi nakasilip sina Jessi. "Hala, magpropropose ka?" pabirong tanong ni Gino nang makitang naghahanap ako ng singsing. I gave him a serious face and he started to laugh.


Jessi didn't like huge jewelries so I bought the simplest one, pero 'yung kakaiba. I tried designing a ring on my own para ipagagawa ko na lang pero kakailanganin ko 'yon sa future pa.


For now, ito muna. "Sana all," bulong ni Gino habang nagtitingin din sa gilid ng mga singsing. I chose a ring because it seems to be the only jewelry that Jessi won't lose. She keeps telling me that necklaces bugs her neck


Kinuha ko 'yon at inilagay sa paper bag na nilalagyan ng mga papel. Nagkita kaming lahat sa isang fast food at mamaya pa naman ang start ng movie.


Jessi wrapped her arms around my torso. "Ipaalala mong bibilhan ko ng birthday at New Year's eve gift ang mommy mo, ha?" she gently said while looking up to me.


I nodded as I gave her a kiss on her forehead.

The Rain Says It's Okay To Not Be OkayWhere stories live. Discover now