6

15 2 0
                                    

"Matutunaw na ako sa titig mo," sinabi ni Jessi habang nakain ng spaghetti. She looks cute eating that way. She looks like a baby. "May sasabihin ka ba?"


Umiling agad ako at nginitian siya sabay higop sa kanina ko pang hinahalong coke. Halos yelo na nga ang tira. We just finished talking about their defense and what happened in my class. May nagkabangayan na teacher at kaklase namin.


I didn't intentionally look at outside but it looked like it was about to rain earlier. It seems like the sky's getting brighter with a little drizzle.


Inilapag ko ang basong ininuman ko at pinanood na ubusin ni Jessi ang spaghetti niya. She looks so happy having a meal like this after having her hard work done. Pagkainom niya ng coke ay dinali niya naman ang french fries.


"Wala ka bang naaalala ngayon?" tanong nito sa akin.


I suddenly felt panicked. Ito ba 'yung kinakatakutang tanong ng ilang lalake? I hurriedly looked for what to answer. "Um, may dapat ba akong maalala?" nangangamba kong tanong.


She genuinely just looked at me. "Hindi naman importante. Two years ago nang magkita tayo sa 7/11." Lumingon siya sa labas para tingnan ang langit. "Maayos ang panahon. Gusto mong maglakad-lakad muna tayo bago umuwi? May gagawin ka pa ba?"


A lot, but I'd have the energy to do it kapag nakasama ko muna siya. I smiled at her, "Wala naman. Tapusin mo muna 'yan."


Nakangiti siyang tumango-tango sa akin at nagpatuloy na kumain. Nang matapos siya ay lumabas agad kami at silaw na silaw kaming dalawa sa araw pero pag-apak namin sa labas ay nakaramdam ako ng maliliit na pagpatak ng ulan.


"Hala, may tikbalang na kinakasal," bulong sa akin ni Jessi. Instead of holding my hand, she wrapped her arms around mine. I found myself staring at her because she's the cutest creature I've ever seen.


Napansin niya naman ang titig ko sa kanya. "Tingin sa dinadaanan, aba. Masasagasaan tayo nang wala sa oras," tumawa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. I had my serious face on. "Joke lang. Tara na."


Alam niyang ayaw ko sa mga gano'ng biro kaya agad niyo 'tong binawi. Hila-hila niya ako hanggang sa naglakad-lakad kami at dahil bayan naman 'to ay napunta kami sa simbahan na malapit.


Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. Nakaupo kami sa harap ng simbahan, at the bench under a shade of a tree. "Ang weird," sambit nito habang nakatitig lamang sa simbahan.


"What?" tugon ko.


"It's a place you can be both happy and sad at the same time." Tumingin siya sa akin. "But it's always a home for those who look at it as a home. Baka nga gano'n talaga? Home is somewhere you can be both happy and sad, pero nando'n pa rin ang pagmamahal because you were never alone?"


Ibinalik niya ang tingin niya sa simbahan, as she slid her hand to wrap her fingers around mine. "It kinda hurts a little knowing how too much happiness is too sad, right? Like happy endings," she continues.


I only looked at her, listening. She then looked down to our intertwined hands. She started playing with it. Ilang saglit pa ay tumingin siya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko.


"You're overthinking and tired. You need to rest," sinabi ko. I kissed her forehead and she rested it on me for a few moments before I let go. "Let's not overthink, okay?"


She smiled at me. "Ikaw lang naman ang iniisip ko. Asa'n ang overthinking do'n?"


I let out a small laugh, "That's my girl."


Tumayo kaming dalawa at tsaka kami naglakad sa sasakyan namin. The sky started to darken once more. I checked my bag if there's an umbrella. Napanatag ako nang natapik ko 'yung payong.


"Alam mo," sinabi ni Jessi kaya tumingin ako sa kanya, "Uwi ka na lang din. Hindi mo na ako kailangang ihatid. Baka abutan ka ng ulan."


"It's okay. May payong naman."


"It's okay rin kasi mabilis lang din ang makauwi sa bahay, okay? Uwi ka na." Bago pa ako makaangal ay hinalikan niya na ako sa pisngi. "Huwag mo akong masyadong isipin at tumingin ka sa dinadaanan mo nang maayos, ha?"


She smiled at me before a jeep parked in front of us to let her in. "Bye. See you tomorrow. I love you," sinabi niya ulit bago bumitaw sa akin. She waved at me as she entered the jeep.


I didn't even get to say that I loved her more.


Huminga ako nang malalim. Lumabas na ulit ang sikat ng araw mula sa pagkakatago nito sa madidilim na ulap. Hindi pa rin tumitila ang mahinang ambon.

The Rain Says It's Okay To Not Be OkayWhere stories live. Discover now