Jessi

35 4 0
                                    

PROLOGUE

Biglang umulan nang papasok na ako sa building namin kaya bago pa man din ako nakatungtong sa loob ay napalingon agad ang ulo ko. Nagsimulang lumagpas ang lamig ng simoy ng hangin sa blazers na aking suot.


Hindi ko inaasahang uulan ngayon. Maliwanag naman kanina pero siguro'y dahil tag-ulan na rin naman dito. Dumiretso ako sa pagpasok sa building at kaysa mag-elevator ay ginamit ko ang hagdan.


At least do'n, makakapag-isip-isip ako. Paano ba naman kasi, uuwi na ulit ako sa Pilipinas. Kaya nga rito ako nagtrabaho, para makaalis do'n tapos pababalikin din naman pala ako ng kompanyang aking pinagtratrabahuhan. Ano pa ang kwenta ng pag-alis ko?


Inabot ako ng 20 minutong paglalakad papunta sa ikalimang palapag. Minsan, naiirita ako sa bilis kong maglakad kasi kaya ko nga ginamit ang hagdan ay para makapag-isip tapos hindi pa ako tapos mag-isip ay nasa pupuntahan na ako. Maayos na rin naman 'yon, 'di ba? Ang sabi nila, kapag mabilis kang maglakad, masmahaba ang buhay.


Pumasok ako sa condo ko at ang bumungad sa akin ay ang tanawin sa labas. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong napasandal dito. Ni hindi ako nagkaroon ng lakas para buhayin ang ilaw. Nagandahan lang ako sa tanawin ng s'yudad tuwing gabi tapos umuulan pa.


Umuulan pa.


Nakakatuwa. Iba't ibang alaala ang dala ng ulan.


Saktong kumulog nang may tumawag sa akin sa cellphone ko. Nawala ako sa pagkatunganga at sinagot 'yon nang makita kong si Maris ang tumatawag. Pagkalagay ko nito sa may tainga ko ay iba't ibang boses ang naririnig ko.


Magkakasama na naman 'tong tatlo.


[Nasaan ka na?]


Unang nagtanong si Cleo na halatang excited na may sasabihin sa akin. Wala namang maingay sa kabilang linya. Sila lang talaga 'tong maingay. "Nasa condo na. Kararating ko lang," sagot ko tsaka itinapon ang bag sa sofa.


Itinapon ko na rin ang katawan ko, lalo na 'yung heels. Sino ba naman ang hindi maeexcite itapon ang heels nila matapos maglakad ng hagdan papunta sa ikalimang palapag?


[How's work? Ginabi ka na, ah? Gusto mong magpahinga muna? Bukas na lang kami tatawag. Wala ka namang pasok bukas sa trabaho.]


It's Natalie. Nagtataka tuloy ako kung nasaan ang may ari ng cellophone at nauna pa akong kausapin ng iba kaysa ni Maris mismo. "No, it's fine. Why are you guys together, anyway? May nakaligdaan ba ako?" tanong ko habang minamasahe ang aking paa.


Nagsabay-sabay silang magsalita kaya naman nilayo ko ang cellphone sa aking tainga nang ilang saglit. Nang ibalik ko ulit 'yon ay si Maris na ang nasa kabilang linya.


[Nagpacelebrate lang 'tong si Cleo at napromote. Ayan kasi, paalis-alis pa ng bansa eh pwede namang dito magtrabaho? Wala ka talagang balak umuwi rito? Kahit bakasyon?]


Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang offer sa akin ng boss namin kanina. Hindi ko rin alam kung matutuwa ako o hindi, pero naisip kong wala rin naman akong tinatakbuhan sa Pilipinas.


Bakit ba ako atat na atat lumayo?


[Jessi? Ano, buhay ka pa?]


Natawa ako sa sinabi ni Maris. Inayos ko ang higa ko para matanaw ko ang labas. "May balak akong umuwi d'yan," sambit ko pero kahit nakangiti akong sinabi 'yon, halatang pilit at nagpapanggap akong katuwa-tuwang balita ang sinabi ko.


[Weh? Shit, are you serious? You're coming? When? Why? How?]


[Uuwi ang babaeng 'yan? Uto-uto ka naman? Papaniwala ka d'yan?]


Tinawanan lamang ni Natalie ang tugon ni Cleo kay Maris. Nakikita ko na sa utak ko ang mga reaksyon nila. I somehow feel like going back in the Philippines won't be bad.


I miss them.


"Kailangan. Ililipat ako ng boss sa branch namin d'yan," sagot ko. I heard them react in unison.


[Wow, balikan ang mag-ex. May balikan kayang magaganap sa kanila?]


Napaupo ako sa narinig kong sinabi ni Cleo sa kabilang linya habang umapaw ang tawa nila sa speaker ng aking cellphone. Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako?


Tama ba ang narinig ko o pinaglalaruan lang ako ng mga 'to?


[Baka naman babalik ka kasi babalik din ang ex-jowa mo rito?]


Lalong pumintig ang tainga ko sa tanong ni Natalie. Naramdaman kong kusang gumalaw ang mga daliri ko. Nagsisimula ko na ring marinig ang aking paghinga kaya alam kong kinakabahan ako.


Bumalik din siyang Pilipinas?


"May girlfriend na 'yung tao. Nakamove on na kaming dalawa, stuck pa rin kayo?" sinamahan ko ng tawa ang aking sinabi para hindi mahalata ang pagkakabado ko sa aking nalaman.


I mean, mawalak naman ang Pilipinas. It's somehow impossible for us to meet, right?


Who am I kidding? 'Yan din ang sinabi ko noon nang unang beses kaming magkita at ito ang kinahantungan namin.


[Wow, 'di marupok si girl. We were just kidding, though I heard na bumalik na nga siya rito. For good, I think? At tsaka huli ka na sa balita, hindi naman sila mag-on at matagal nang hindi natuloy ang engagement. One year na 'ata?]


Maris explained behind the phone. I can visualize her asking the rest of the girls for confirmation.


[Anyway, late na 'ata d'yan. We'll just call you tomorrow. Pahinga ka. I can't wait to see you, kung totoo mang uuwi ka rito.]


I smiled behind my phone. Nagpaalam na rin hanggang sa tinapos na nila 'yung tawag. Ibinaba ko ang kamay ko kasama ang cellphone tsaka tinapon ito sa sulok ng sofa.


Napatingin ako sa labas. Lalong lumalakas ang ulan. Humiga ulit ako mula sa pagkakaupo at pumwesto na parang bata. Kahit hindi bukas ang aircon ay ramdam ko ang lamig na dala ng ulan.


Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko tuwing umuulan. Mahirap pumili kapag nangingibabaw ang masasakit na alaala pero dahil ayaw masaktan, pipiliin na lang ang maliligayang memorya, 'di ba?


Sa huli, walang kwenta ang pumili. Masasaktan at masasaktan din naman kahit 'yon ang pinakamasayang alaala mo. Paano ba naman hindi 'yon magiging masakit kung 'yung taong kasama mo sa alaalang 'yon, hanggang alaala na lang talaga?

The Rain Says It's Okay To Not Be OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon