2

19 3 0
                                    

"O, pauwi na rin kayo?" tanong ng kasama kong si Cleo sa dumating na mga schoolmates namin. Naghihintay kami ng jeep ngayon at total halfday, plano naming gumala nina Cleo kaya nagtaka rin ako kung bakit niya sinabi kung pauwi na rin 'tong mga nakasalubong namin.


Napatingin kaming tatlong kasama ni Cleo sa mga kinausap niya. Dalawang lalake 'to at hindi na bago ang mga mukha nila, lalo na no'ng isa.


S'ya 'yung nagbigay ng payong sa akin. Isang buwan na rin 'ata ang nakalilipas? Umiwas agad ako ng tingin bago pa niya ako mahuling nakatitig sa kanya. Nakikita ko siya sa school pero hindi ko sigurado kung nakikita niya ako.


Panay iwas ko rin sa kanya kasi nakalimutan ko ang payong. Hindi ko pa nasasauli.


"Pupunta kaming Rob," sagot ng isa sa kanila kay Cleo.


"Sakto, pupunta rin kami do'n. Sabay na tayo."


Hindi niya na kami ipinakilala dahil hindi rin naman ito ang una naming pagtatagpo. Minsan ay binabati 'yan ni Cleo sa hallway. Bumaling sa amin ang atensyon ni Cleo at napatahimik na lamang ako.


Nakaramdam ako ng hiya. Gusto kong i-bring up ang payong do'n sa lalake pero nahihiya naman ako. Hindi niya rin naman kinukuha sa akin, ah? Hiniram ko ba ang payong niya? Siya dapat ang kumukuha.


May jeep na huminto sa harap namin at nagsipasukan kaming anim. Nagtaka ako kung paano humantong sa sitwasyong kaming dalawa nung lalake ang nagkatabi? Hindi ba dapat silang dalawa ng kaibigan niya?


Lalo tuloy akong hindi makagalaw nang maayos. Halos mangalay nga ang spine ko kakaupo nang straight. Akala'y may posture ako, ano?


"Mukhang uulan na naman mamaya," komento ng isang kakilala ni Cleo na katapat lamang nitong katabi ko. "Nagdala ka ba ng payong?" tanong nito sa aking katabi.


Naramdaman kong ngumisi 'tong katabi ko kaya parang dumaloy lahat ng dugo ko sa lupa. Napaklaro ako ng lalamunan nang wala sa oras. Iniwas ko na nang todo ang direksyon ng mukha ko sa kanya.


"Nakalimutan ko na nga kung saan ko nilagay ang payong ko. Sana naman ay ginagamit pa 'yon ng nakakita."


Halata sa tono niya na nakangiti siya habang sinasabi 'yon. Napapikit lamang ako kasi unti-unti akong nilalamon ng hiya dahil baka mamaya ay singilin niya ako sa payong. Halata namang pinariringgan niya ako.


Pagkarating namin sa mall ay sila ang mga naunang bumaba. Nagpahuli na rin ako sa paglalakad para hindi ko sila makasabay pero naiinis ako nang mapansin kong ang bagal nilang maglakad para makisabay lang sa bagal din namin paglalakad.


"Hoy, Jessi, ayos ka lang?" tanong ni Natalie na nakapansin sa paglalakad ko sa likuran nila.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo naman," ngiti ko pero hindi siya nakumbinse kaya naman tinabihan niya ako.


Nagitla ako nang inilapit niya ang mukha niya sa may tainga ko. "Sino ang type mo sa dalawang 'yan?" bulong nito.


The Rain Says It's Okay To Not Be OkayWhere stories live. Discover now