3

19 2 0
                                    

"O, share share ng payong. Sino ang mga magkakapair?" sinabi nitong si Natalie habang hinahanda ang payong niya.


Kinuha ko na rin ang payong na s'yang galing pa kay Clifford at binuksan 'to. "Kaming dalawa ni Clifford," tugon ko at inaayos ang pagkakabukas ng payong. Naramdaman ko ang mag titig nila kaya napatingala ako. "Kanyang payong 'to, 'wag kayo," paliwanag ko sa tanong na hindi pa nila tinatanong.


"Ah, 'yan ba 'yung sa 7/11?" tanong ni Cleo sa akin. Sasagot pa sana kao nang magtanong na itong sina Natalie at Maris kung ano ang nangyari at itong si Cleo na nga ang nagkwento.


At nagsimula na naman ang panunukso. Hindi ko sila pinansin at kapag binigyan ko pa ng reaksyon ay baka lalo silang magwala.


Medyo matangkad itong si Clifford kaya taas na taas ang braso ko nang hinawakan niya 'yung payong at ibinaba ang aking kamay. "Ako na," sinabi nito.


"Sensya naman at pandak ako."


Natawa siya sa sinabi ko. Nauna kaming lumabas sa school ground at nag-aayos pa ang apat do'n ng mga payong nila. Ilang buwan na rin kaming anim ang nagkakayayaan sa tuwing kakain sa labas kaya hindi na ako medyo naiilang pagdating kay Clifford.


Hinintay namin ang apat na 'yon na ang bagal-bagal maglakad dahil nakikipagdaldalan pa sa isa't isa. Tahimik lang kaming dalawa ni Clifford na naghihintay ng jeep.


Napansin kong nababasa nang kaunti ang kanyang balikat sa kabila kaya inalis ko ang bag ko at isinabit ito sa aking harapan. Umipod na rin ako malapit kay Clifford. "Iadjust mo ang payong para 'di mabasa ang jacket mo," sinabi ko.


Sinunod niya naman ako. Naramdaman kong umipod din siya para parehas kaming magkasya mismo sa payong nang walang nababasa.


Hindi ko mapigilang mapansin ang amoy niya. Pambatang cologne. Napansin ko ngang masmaalaga pa 'tong si Clifford sa sarili kaysa akin. Masmadalas siyang magpulbo, at kahit lip balm ay gumagamit 'to.


Nahiya tuloy ang dry lips ko.


Mabuti na lang at may jeep na huminto agad sa harapan namin. Dahil nga kaming dalawa ni Clifford ang magkasama sa iisang payong ay kami na rin ang magkatabi sa jeep. Dahil siksikan ay nag-adjust itong si Clifford na s'ya 'yung uupo sa gilid ng upuan para makasandal ako.


Nagkaroon ako ng urge na hawakan ang uniform niya para in case na mahulog, at least masasabing sinubukan ko siyang isalba, 'di ba?


"Makukusot," sinabi niya sa gitna ng b'yahe nang mapansin ang mahigpit kong hawak sa kanyang uniform.


Sningkitan ko siya ng tingin. "Okay, fine. Bahala kang magdigasa d'yan kapag pumreno ang jeep," pasungit kong isinaad sa kanya at inirapan pa siya. Binitawan ko ang kanyang uniform at umupo lamang nang tuwid para masiksik niya pa ang sarili niya nang maayos.


Narinig ko pa siyang tinawanan lamang ako. Syempre, may hiya rin ako kaya iniipod ko ang bag ko para magkaroon ng espasyo sa may tuhod ko at maipatong niya roon ang kanyang siko. Nakapantalon naman ako.

The Rain Says It's Okay To Not Be OkayWhere stories live. Discover now