"Hindi na po, nandyan na sya eh." sabi ko habang pasimpleng tumitingin-tingin sa paligid, naghahanap ng mukhang mabait at hindi ako ipapahamak kahit pa mukhang malabo yun.

I was hoping to find a woman, any age as long as she can help me pretend that she's the one I'm waiting for, but I found no one, kung meron, may kasamang iba at yung huling babae na nakita ko, papaalis na at nakasakay na sa vehicle ng sundo nito.

"Miss, mukhang wala ka namang hinihintay eh. Tara na, sama ka muna sa akin---"

"Ayun po sya oh! Sige po manong, bye!" sabi ko sabay tayo at takbo sa isang lalaki na natanaw kong pamilyar.

Yung nakatabi ko sa bus kanina, tumayo na sya sa kinauupuan na gawa sa semento at naglalakad papunta sa isang direksyon. Hindi sa judgemental ako based on looks, pero mas magtitiwala ako ng slight doon sa guy na yon kasi, kasi, bakit nga ba?

Kasi tinuruan nya akong magbasa ng bus ticket? 

Pero ah basta! Nakatabi ko na sya sa bus kanina, I'll just ask for his help one last time.

Dali-dali akong naglakad papunta sa direksyon nya at humawak sa braso nya, tinignan ko pa yung manong na tumabi sa akin kanina at nakita kong nakasunod pa rin sya pero may distansya na.

Parang tinitignan lang nya kung talagang kasama ko nga itong biglaan ko na lang na hinawakan.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng lalaki habang nakataas ang isang kilay na pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kamay kong nakahawak sa braso nya.

Great Aurora! So much for being brave to travel alone! Buti na lang mahina ang pagkakatanong nya sa akin at mukhang hindi din naman narinig ni Manong.

"Uhm..hindi ka pa bayad dun sa pamasahe sa bus." sabi ko kasi wala akong maisip na dahilan. Kahit wala naman talaga akong balak ipabayad sa kanya yun, yun lang ang naisip kong connection sa amin.

Lalo akong nataranta nang makita ko si manong na akmang lalapit sa aming dalawa kaya pinalo ko sa braso si Mr. Cap.

"Ahahahahaha! Ikaw talaga! Anong libre? May bayad yun no! Ang hirap kayang kumita ng pera ngayon! Ha ha ha ha! You're so funny talaga!" I tried to act and I know I look weird because he's  so confuse.

Halata naman kasing labas sa ilong yung sinabi kong mahirap kumita ng pera ngayon kasi malay ko ba sa pagtatrabaho? I'm a fresh graduate trying to explore the world.

But I don't want to be on the news for an unfortunate event and I need help because I'm sensing some danger.

I don't know if I'm that obvious, or what but the old man went near us. I don't even know why he had the audacity to even ask us.

"Kasama mo ba yang si Miss Beautiful?" tanong ni manong na ikinahigpit ng kapit ko sa braso ng katabi ko.

Please, please please. Sana maalam kang makiramdam. I just need to find a safe place for me, away from that man.

Nakayuko ako at mas itinago ang mukha ko gamit ang sumbrero nang magulat ako't inakbayan ako ng katabi ko.

"Oho manong, bakit po?" tanong nito sa matanda. Nang mag-angat ako ng kaunti at silipin ang mukha nito, mukhang hindi ito naniniwala.

"Bakit magkahiwalay pa kayo kanina?" tanong ulit nito kaya napatingin sa akin yung katabi ko bago hinarap ulit si manong.

Usisero din pala talaga by nature ang mga tao? Akala ko yung ibang kilala kong mayayaman lang kapag gusto nilang huwag malamangan sa mga latest trends.

"Naghahanap kasi sya ng CR kanina manong, hinintay ko na lang. Alis na po kami, nandito na sundo namin." sabi nito saka ito tumalikod. Humawak sya sa siko ko dahilan para tumalikod na din ako at naglakad papunta sa direksyon ng isang nakaparadang lumang pick-up truck.

Something NewWhere stories live. Discover now