Sweet Thing #5 - Lunch

Magsimula sa umpisa
                                    

“Whoa!” pagre-react ni Tao at pati yung iba na kaninang busy sa kanya-kanya nilang ginagawa ay napatingin sa kanya.

Nakita ko ang muling pagngisi ni Kai. “This girl is something.”

“Kai!” panunuway ko sa kanya kasabay ng pagturo ko.

“Haha! Don’t worry, hyung. Hindi ako uubra sa isang ‘to,” sagot sakin ni Kai.

Bumalik na sila sa kani-kanilang business. Nagkekwentuhan na sina Baek, Chen, at Lillian. Nagsama-sama na nga po ang maiingay. Ang HunHan naman, umalis para maglandian. Este! Para pala bumili ng bubble tea. Si Kai, naghahanap na naman ng next target niya. Tss. Playboy as always. Nanatili namang tahimik yung iba at nakikinig ng music.

“Anong order mo, Lillian? Ako na ang bibili.” Bakit pag babae ang kausap nitong si Rey, ang lambing at hinahon ng boses? Teka, baka tomboy ‘to. Haha! Joke lang. Sayang naman kung tomboy ‘to. Ganda pa naman!

Sasabihin ko na sana sa kanilang wag nang bumili pero inunahan ako ni Baek. “Wag na. Sagot na ni D.O. ang lunch. Masarap magluto yan.”

Tiningnan kami ni D.O. ng usual na malalaking mata niya. “Teka hyung, para sa 12 lang yung naluto ko. Hindi ko naman kasi alam. Mianhe!”

Tumayo si Rey at nagsalita. “Okay la – “

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng paghila sa kanya paupo uli. “Okay lang, D.O. Kay Lillian na lang yung para sakin. Nagbaon naman ako.”

“Eh pano si Freya?” tanong ni Baek.

“Syempre pinagbaon ko rin siya,” sagot ko nang nakangiti at tiningnan ko si Rey. Nanlalaki ang mga mata niya at medyo namumula. Haha! Kinikilig. Aminin mo lang sakin, Rey. Hindi kita aasarin. Kikiligin pa ko. Haha!

“Ikaw Yeol ha. Dati, ako ang pinagbabaon mo. Ngayon, si Freya na. Nagseselos ako,” pagbibiro ni Baek kaya tumawa kaming mga nakarinig. Busy kasi yung iba sa paglalandian. Este! Sa pagkekwentuhan pala.

“Don’t worry, Kuya Baek! Ipagluluto na lang kita ng lunch next time.” Kinantsawan sila ng tropa sa sinabing yun ni Lillian.

Isa-isa na silang nagsimulang kumain. Inilabas ko na rin yung dala kong lunch para samin ni Rey.

“Sana magustuhan mo. Ako ang nagluto niyan,” pagmamalaki ko. Ha! Magaling kaya ako magluto. Gusto niyong proof? Sige, ipagluluto ko kayo mamaya. Kaso baka magselos si Rey kaya wag na lang pala. Haha!

Pinanlakihan niya uli ako ng mga mata. Haha! Ang cute niya talaga pag ganyan. “Marunong kang magluto?” tanong niya habang binubuksan yung bigay ko sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot.

“Tonkatsu?!” Hulaan ko, paborito niya rin ‘to. Nagniningning yung mga mata niya eh.

“Oo, yan ang favorite kong Japanese food.”

“Ako rin! Waaaah! Thank you! Matagal na nung huli akong nakakain nito. Waaaah! Thank you talaga!” Haha! Grabe! Ganun ba niya kamahal ang tonkatsu? Nakakapagselos ah. Pero at least, nagustuhan niya yung bigay ko. *insert happy virus’ widest smile here* Dagdag pogi points yun diba? Diba? Diba? Haha!

Lillian’s P.O.V.

Wow! Mabuti naman at naisipan ni author na bigyan ng P.O.V. ang pinakamagandang character ng kwentong ‘to. Haha! Anyway, bago pa mabwisit ang author sakin at paltan ako dito, magkekwento na ko. Ehem! Sana makatuluyan ko si Kuya Baekhyun. Special request yun, Ms. Author ha. Haha! Kamsa~

Sweet YeollipopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon