Chapter 22

1.6K 52 17
                                    

Chapter 22

Napatakip si Amber sa gulat, nakita na lamang niya ang panlilisik ng mga mata ni Kairos kay Aero na siyang kinatatakot niya na baka may gawin itong kakaiba dahil hindi ordinary si Kairos, agad siyang kumilos sa kinatatayuan niya para pigilan ngunit nang tatayo na si Kairos bigla na lang pumaibabaw si Aero at pinagsusuntok si Kairos.

Pilit naman na iniilag ni Kairos ang sarili niya sa pamamagitan ng pagharang ng mga braso sa mukha at hindi lumalaban pabalik kay Aero. Lumitaw na lang sa kong saan si Sebastian at hinatak palayo si Aero kay Kairos. Agad na lumapit si Amber kay Kairos para tulungan itong makatayo.

Kapwa nanlilisik ang mga mata ng binata sa isa't isa. Susugod pa sana si Aero nang si Amber na mismo ang pumagitna sa kanilang dalawa at nanatili namang nakahawak si Sebastian kay Aero na gulat na gulat ding nakatitig sa kanya. Para bang bumangon siya sa hukay ngunit gano'n nga ang nangyari hindi lang niya pwedeng ipagsigawan.

Lumipat naman ang tingin niya kay Aero, nangungusap ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Gulo-gulo ang buhok nito lalo na ang kasuotan dahil sa nangyari.

"May isang kondisyon na kailangan mong tandaan, hindi ka pwedeng makipag-usap sa mga taong nakakakilala sa 'yo at hindi ka pwedeng lumapit sa kanila."

Muli na naman may sumaging boses sa kanyang isipan.

"Paumahin po sa nangyari, aalis na po kami," naikagat niya ang kanyang ibabang labi. Bago niya hinatak paalis sa kumpulan ang binatang si Kairos. Narinig pa niya ang sunod-sunod na tawag sa kanya ni Aero ngunit hindi siya nagpapigil o nagpahabol pa. Tanging nasa isip niya ay makaalis muna sa gulong 'yon.

Hindi alam ni Amber kong saan siya dadalhin si Kairos hanggang sa huminto mismo sila sa ilalim ng puno malapit sa gate ng palasyo ngunit malayo na kila Aero. Humarap siya kay Kairos na para bang wala lang sa binata ang nangyaring gulo.

Pinunasan nito ang labi na may sugat gamit ang likod ng palad nito bago hinarap siya.

"Ang agresibo naman ng ginoong 'yon, wala pa nga akong ginagawa kong makangawa 'kala mo naman inagawan na siya paano pa kaya kong meron," pagmamayabang ni Kairos.

"Tumigil ka nga," saway ni Amber.

Sandaling natigilan si Kairos at napatitig sa dalaga, "siya ba?"

Hindi sumagot si Amber tama na siguro ang pananahimik niya para masabing 'yon nga ang binatang ipinaglalaban niya kong bakit siya nakabalik sa mundong ibabaw.

"Sinasabi ko sa 'yo at ipinapaalala ko lang na misyon mo na bago ang lahat." Dagdag pa ni Kairos. Huminga ng malalim ang binata, "nawala na akong sandali tapos mangyayari na 'to. May plano na akong nabuo kong paano natin matrabaho ang ipinag-uutos ni amo na dapat ikaw mismo ang gagawa pero dahil ang swerte ko sa 'yo kailangan ko pang maisama rito." Sarkastikong wika ng binata.

"Anong plano?"

"Naisip ko 'to kaya masasabi kong napakatalino ko."

Napairap ng wala sa oras si Amber, wala siyang magagawa kailangan niyang makinig at pakisamahan ang binata.

"Sabi ni amo nandito lang 'yong taong hinahanap natin."

"Talaga?" Bahagyang nagulat si Amber.

Bumagsak ang balikat ni Kairos at nagkukunwaring pagod sa pagpapaliwanag, "kailangan ko pa bang ulitin?"

Hindi naman pinansin ni Amber ang pagiging pilosopo ng binata.

May nilabas naman si Kairos mula sa kanyang balabal, isang mahaba at parisukat na hugis na kulay kayumanggi at ginto. May mga nakasulat do'n na hindi gaanong naiintindihan ni Amber.

"Ito," sabay abot sa kanya ng binata kaya kinuha niya. Do'n niya napagtantong isang card at alam niyang hindi ito ordinaryong card lang. "Iyan ang magsisilbing susi at kong paano mo siya mahuhuli. Sa tuwing makakalapit ka sa kanya o makakausap mo siya. Iilaw 'yan, indikasyon na siya 'yon at sa oras na malaman mong siya 'yon."

"Anong ibig mong sabihin?" Saka dahan-dahan na tumingin si Amber kay Kairos na may seryosong mukha.

"Dahil sumapi siya sa katawan ng ibang nilalang, nanghihiram lang siya, palipat-lipat, kaya hindi natin malalaman kong sino sa kanila ang totoong Grant na hinahanap natin bago pa tayo maunahan ni Irene." Huminga ng malalim si Kairos bago siya nagpatuloy, "nandito lang siya sa palasyo na 'to sa huling pagkakaalam ko na sinabi ni amo. Kaya kailangan nating sumali, magpanggap at makilahok sa palaro rito sa palasyo habang hinahanap natin si Grant."

Napataas ang isang kilay ni Amber, "pero hindi tayo magaling sa kahit na anong larangan."

"Wala tayong magagawa, 'yon lang ang tanging paraan para tuluyan tayong makapasok sa palasyo at para malaman natin kong sino si Grant." Dagdag pa ni Kairos.

Ang daming posibilidad na pwedeng mangyari sa kanila sa loob dahil sa plano, pero wala siyang magagawa tinanggap niya ang misyon. Tumango-tango siya sa binata. Natatakot man ngunit kailangan niyang gawin.

"Magbubukas ang palaro ngayon mismo at lahat ay pwedeng sumali." Wika ni Kairos.

Isa pa ang na iisip niya, makikita niya ng malapitan si Aero, isang malaking bagay na 'yon sa kanya kahit hindi pa niya pwedeng makausap o mahawakan ang binata. Kailangan niya pa ring mapanggap na ibang tao siya at hindi niya ito kilala.

Dumating ang oras na pinakahihintay nila ni Kairos ang pagbubukas ang pagpapalista ng mga sasali sa palaro ng Nurlin. Mas lalong umingay at mas maraming dumami ang tao sa paligid, sa labas man o sa loob ng palasyo. Pero sa oras na 'yon kailangan nilang pumasok sa palasyo. Nang makapagpalista, mabigyan sila ng susi at numero para sa pananatili sa palaro sa loob ng palasyo.

Nakapasok din sila sa loob ng palasyo at dumiretso sa bulwagan. Hindi mabilang ang makalahok. Kasabay ng malakas na dagundong ng mga tambol dahil sa tugtugin, sumasabay ang malakas na kalabog ng dibdib ni Amber sa kaba. Nanatili siyang nakahawak sa kapa ni Kairos para hindi siya mawala sa kumpulan ng mga tao.

Nang makapasok sa bulwagan, agad silang humanap ng mauupuan, kasabay ng ilang kalahok sa iba't ibang kaharian. May ilang grupo, may solo at may ilang dalawa lang ang kakampi ang sasali katulad nila.

Nag-uumpisa na ang anunsyo, pagpapaliwanag ng magiging takbo ng bawat laro at kong saan sila pwedeng sumali at ang magiging patimpalak.

"...gusto ko rin ianunsyo sa araw na 'to na ikakasal na sila haring Aero ng Atohollo at ang aking kapatid na si prinsesa Helena..."

Natigilan si Amber sa kanyang kinauupuan dahil sa anunsyo ng hari.

----

Note: Hello guys, gusto ko lang sabihin na nagka-dengue po ako kaya ako nawala ng ilang araw kaya wala ring update. Maraming salamat sa naghintay. Hindi pa po ako gaanong magaling at bawal pa talaga sa 'kin ang humarap sa gadgets, pilitin ko lang ngayon para sa inyo. Balik pa rin sa MWF ang update.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now