Chapter 9

6.8K 220 18
                                    

Chapter 9

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 9

Sa pagdilat ni Amber nagtataka s'ya na una n'yang nakita ang bughaw na kalangitan, bumangon s'ya sa pagkakahiga, hindi n'ya alam kong bakit at pa'no s'ya napunta sa kapatagan ng mga bulaklak na kulay lilac.

Sobrang pagtataka rin n'ya kong bakit nakasuot s'ya ng asul na bistida, animoy tube-gown, nadesinyuhan ito ng bulaklak na asul sa itaas na bahagi at sa palda ng bistida, may ilang raffle design sa paligid ng palda.

Dahan-dahan s'yang tumayo, nakita n'ya ang isang babaeng nakatalikod sa kanya, hindi n'ya maaninag ang mukha nito ngunit sa ayos at suot nitong itim na bistida alam ni Amber na babae 'yon.

"Pasensya na pero hindi ko alam kong na saan ako?"

"Hindi aksidente ang pagkakapasok mo sa Eribus, binibining Amber."

Nagulat ang dalaga nang bangitin ng estrangherong babae ang pangalan n'ya.

"Anong sabi mo, pa'no mo nalaman ang ngalan ko?"

"Hindi sila nagkamaling dalhin ka nila rito, tadhana ang gumawa ng paraan para dalhin ka sa mundong 'to."

"Hindi kita maintindihan, ano bang pinagsasabi mo?"

Napansin ni Amber na paharap ang babae sa kanya ngunit bigla na lamang naghalo ang lahat.

~*~

Napadilat si Amber at nagising mula sa kakaibang panaginip, wala na ang bughaw na kalangitan at napalitan ng puting kisame, silid kong saan s'ya dinala para suriin, pagkatapos nu'n nakatulog na s'ya.

"Amber," pamilyar na boses ang kanyang narinig.

Dahan-dahan s'yang umupo sa kama, nakapagpalit na rin s'ya ng damit ngunit ramdam pa rin n'ya ang lamig sa tubig ng ilog.

Nakita n'yang nakamasid sa kanya si Edward.

"Bakit hindi ka pa bumalik sa kasiyahan? Kanina ka pa ba rito?" Tanong ni Amber.

"Gusto ko lang masigurong ayos kana, hindi rin ako natutuwa sa labas kaya minabuti ko na lang na bantayan ka."

Bahagyang nahiya si Amber sa nalaman n'ya.

"Pinabibigay sayo ni prinsesa Thalia may sulat ding nakalagay sa basket," wika ni Edward.

Kinuha ni Amber ang inabot sa kanyang basket na may lasong rosas sa hawakan nito, binuklat n'ya ang telang puting ginawang pang takip sa laman ng basket, mga prutas, tsokolate at tinapay, kinuha n'ya ang sulat at binasa.

Kinuha ni Amber ang inabot sa kanyang basket na may lasong rosas sa hawakan nito, binuklat n'ya ang telang puting ginawang pang takip sa laman ng basket, mga prutas, tsokolate at tinapay, kinuha n'ya ang sulat at binasa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now