Chapter 60

2.4K 81 5
                                    

Chapter 60

Sa naging plano ng umaga na 'yon na kailangan magkaroon ng pag-eensayo ang mg aka-tribo, kailangan ilipat sa lalong madaling panahon ang mga bata, mga babae at ilang matatatandang maaring madamay sa biglaang pagsugod ng mga kaaway dahil alam na nilang mangyayari 'yon. Busy sa pag-aayos ang lahat may ilang nag-aayos ng mga sandata para lalo pang patalasin at hindi masira sa pakikipaglaban.

Ang mga babae naman ay nag-iimpake dahil dadalhin sila ni nanang sa ligtas na lugar na malayo sa kapahamakan. Pumayag si nanang gamitin ang mga tribo kahit pa ikakabawas ito ng bilang nila ngunit sabi nga sa plano kailan nilang masugpo si Viktoria.

Nag-uumpisa na ang ensayo at pinangungunahan ito ni Aero.

Tanging mga lalaki lang ang maiiwan sa village kaya kailangan sumama ni Amber sa mga babaeng aalis. Huminga ng malalim si Amber habang pinagmamasdan si Aero na inaayos ang ilang gamit at babaoning pagkain para sa kanya.

"Pwede naman akong magpaiwan ditto alam ko namang makakatulong ako," wika ni Amber.

Huminto si Aero sa kanyang ginagawa at napasulyap sa kanya. Lumapit ito sa kanya at saka inabot ang mukha niya para mahawakan. Hindi man nagsasalita si Aero ngunit hindi maalis ang pangamba nito na nakikita sa mga mata. Ang lakas ng kabog ng puso ni Amber habang tumatagal ang oras para bang nararamdaman niyang papalapit na rin ang panganib.

"Mas magandang sumama ka sa kanila hangga't hindi 'to natatapos. Malapit na ang pagbubukas ng lagusan kailangan mong bumalik ng ligtas sa mundo mo."

Natigilan si Amber at ngayon na lang niya uli naalala ang bagay na 'yon.

"Tumingin ka sa mga mata ko," bulong ni Aero na agad naman niyang sinunod. Nagtama ang mga tingin nila.

"Masyado ng marami kang sinakripisyo para sa 'kin at ako naman ang gagawa para sa 'yo. Sana maintindihan mo ko, mahal na mahal kita Amber at kahit malayo ka na sa 'kin ikaw pa rin ang reyna ko."

Bigla na lang tumulo ang luha ni Amber hindi niya alam kong matutuwa ba siya na sinabi Aero na mahal siya nito o malulungkot na para bang ito na 'yong huli nilang pagkikita. Naramdaman niyang pinupunasan ni Aero ang mga luha niya.

Pinilit ni Aero na ngumiti, "wag kang umiiyak hindi mo alam na ikaw ang kahinaan ko, pwede bang palakasin mo ko?"

Gustong ngumiti ni Amber ngunit hindi niya magawa dahil mas mabigat ang nararamdaman niyang lungkot. Dahan-dahan siyang tumango. Bumaba ang mukha ni Aero sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo. Napapikit siya sa ginawa ng binata. Dahan-dahan bumaba ang mga kamay ni Aero at yinakap siya ng sobrang higpit na para bang ayaw na siyang bitawan.

"Mag-iingat ka," bulong nito sa kanya.

"O-oo mag-iingat ako," bulong pabalik ni Amber. Gusto niyang sabihin pabalik kong gaano rin nagsusumamo ang nararamdaman niya sa binata ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa bitawan na siya ni Aero. Hinawakan siya sa kamay nito at hinila papalapit sa lamesa kong saan nakapatong ang supot para sa kanya saka inabot na siya ring kinuha ng dalaga.

Lumabas sila ng kubo at halos papaalis na ang lahat. May mga lungkot sa mga mukha nito lalo na ang mga asawang lalaki na maiiwan para makipaglaban. Lumapit si nanang sa kanila.

"Babalik ako agad para tumulong kong sakaling magkaroon ng problema at kailangan kong unahin ang mga tao ko," wika nito.

Tumango si Aero, "masusunod po," napalingon siya sa dalaga, "sumama ka na sa kanila."

Dahan-dahan silang bumitaw sa isa't isa at isa na ata 'to sa pinakamasakit na ginawa ni Amber. Sumunod siya kay nanang hanggang sa nakisabay na rin siya sa ilang mga babae ro'n at tahimik na naglalakad palayo sa binata ni hindi man lang niya nagawang lumingon pa.

Habang humahakbang siya papalayo lalong bumibigat ang nararamdaman niya at para bang patamlay siya ng patamlay. Napatingala siya at napatingin sa kanyang paligid. Nariring niya ang iyak ng ilang bata dahil maiiwan ang kanilang ama sa village at ilang babae dahil hindi sila makapaniwala na mangyayari 'yon sa kanila.

Halos nakalayo na rin sila ng kaunti sa village nang mapansin niya si Minerva na palinga-linga sa paligid at para bang may binubulong sa eri. Napakunot-noo siya at hindi maintindihana ng kakaibang kinikilos ng dalaga. Hanggang sa huminto ito habang nalalagpasan na siya ng lahat kaya napahinto rin siya dahil sa pagtataka kay Minerva.

Hanggang sa makapansin din si nanang dahil nawala sa tabi niya ang kanyang apo. Hinayaan niyang mauna ang mga kasama at napasulyap sa kanyang apo na nanatiling nakatayo sa tabi ng puno. Saka siya naglakad palapit sa dalaga, dahil do'n nahinto rin ang lahat at napasulyap sa kanila.

Napasulyap si Minerva kay Amber ngunit nababalutan ng kulay itim ang buong mata ng dalaga na siyang kinagulat ni Amber at may ngising sumilay sa labi nito.

Nagulat din si nanang at agad niyang naramdaman ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa kanyang apo.

"Viktoria?"

Mas lalong nagulat si Amber sa binanggit ni nanang at bigla naman bumalot ang takot sa lahat ng mga kasama nila dahil sa nangyayari.

"Lumayo ka sa apo ko!" Sabay tutok ni nanang sa tungkod na hawak niya sa dalaga.

Sumulyap si Minerva sa kanyang nanang na nasapian ni Viktoria, "wala ka nang magagawa tanda," wika ni Minerva na may boses ni Viktoria at saka ito biglang naglaho kasabay ng malakas na hangin na dumaan sa kanila.

Nanlaki ang mata ni Amber ng maalala ang tribo, bigla na lang niyang binitawan ang dala at agad na tumakbo pabalik.

"Amber bumalik ka rito!" Tawag sa kanya ni nanang ngunit hindi niya ito pinansin.

Humarap si nanang sa kanyang mga kasama, "dumiretso kayo sa asul na bundok, dalian ninyo!" Utos ni nanang sa mga kasama hanggang sa nagmadali ang lahat na makakaalis sa lugar. Naglakad naman sa ibang direksyon si nanang pabalik.

***

Nang makakuha si Edward ng baluti at sandata agad siyang lumabas ng silid ng mga imbakan ng mga sandata. Paglabas niya agad niyang nakita si Minerva na naglalakad papalapit sa kanya. Bahagya siyang nagtaka kong bakit na roon pa ang dalaga.

"Bakit nandito ka pa diba dapat kasama ka sa mga aalis?"

Hindi sumagot ang dalaga ngunit napansin niya ang kakaibang aura na bumabalot sa dalaga at ang pag-iitim ng mga mata nito. Namilog ang mga mata niya ng maramdaman niya ang pamilyar na aura na bumabalot sa dalaga.

"Ina?"

Ngumisi ang dalaga ngunit hindi na si Minerva ang tingin niya rito, "sabi na nga ba at makikilala mo ko," wika nita ngunit boses ng kanyang ina ang kanyang naririnig at hindi boses ni Minerva, "nandito ako para kunin ka at bulbusin ang mga kalaban."

Napailing si Edward at agad na hinanda ang sandata na siyang kinagulat ni Minerva na sinapian ng kanyang ina. Buo na ang desisyon niya simula pa kagabi nong mag-usap sila ni Amber na lalaban siya para sa tama at alam niyang sumosobra na ang kanyang ina.

"Tama na ina, itigil muna 'to!"

Nawala ang ngisi sa mukha ng dalaga at naging seryoso. "Kong hindi ka kakampi sa 'kin mas mabuting iligpit din kita kasama ng lahat."

Kinumpas ni Minerva ang kanyang kamay at tumilapon ang sandata ni Edward sa puno na agad na tumarak doon. Nanlaki ang mata ni Edward at hindi agad nakalayo sa kalaban. Sa pag-angat ng kamay ng dalaga ang dahan-dahan ding pag-angat niya sa eri. Hindi siya makahinga at napahawak sa leeg na para bang may sumasakal sa kanya.

"Ack!" Gustong humingi ng tulong ni Edward ngunit hindi niya magawa dahil sa sakal sa kanyang leeg. Nagpupumiglas ang paa niya at naghahanap ng mapapatungan. Tuluyang napaangat ang kanyang katawan sa lupa. Hindi niya akalain na gagawin din ito sa kanyang ina. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya at hindi na makahinga.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now