Chapter 7

1.8K 77 9
                                    

Chapter 7

"Pwede na nga nating pag-usapan ang tungkol sa kasal." Dagdag pa niya.

Ngumisi si Cristobal, "maari nating pag-usapan 'yan sa loob ng limang araw sa pananatili namin rito at gusto naming makita kong ano nga ba ang mapapala natin sa kondisyon na 'to."

Naikuyom ni Aero ang kanyang palad sa ilalim ng lamesa dahil tunog arogante ang dating ng hari ngunit nagpapakita pa rin siya ng kalmadosa mga bisita. "Mabuti kong gano'n at sinisiguro kong hindi kayo magsisisi sa pakikipag-ugnayan sa amin."

"At gusto kong gano'n din ang gawin mo pagkatapos ng pagbisita namin ditto ikaw din ay kailangan magbisita sa Nurlin." Dagdag pa ng hari.

Hindi niya inaasahan 'yon, "kong 'yon ang gusto ninyo."

"Magkakaroon ng taonang laro sa Nurlin."

Napasulyap naman ang sila sa nagsalitang dalaga, si Helena. Napakunot-noo naman si Aero hindi niya kasing inaasahan na iimik ito sa pag-uusap. Kabaliktaran ni Cristobal si Helena, kong ang hari nitong kapatid ay may pagka-arogante si Helena'y tama lang at halatang nag-iisip bago magbitaw ng salita.

"Tama, meron nga, kamahalan." Pagsang-ayon ni Cristobal.

"Isang buwan magaganap ang palaro at pagdiriwang para sa pista ng Nurlin. Ang mga matatalino at magagaling sa pakikipaglaban ay pwedeng sumali. Halos lahat ng ilang kalapit na kaharian ditto sa inyo'y sumasali para sa malaking parangal." Paliwanag ni Helena habang hinihiwa ang karne ng manok sa kanyang plato.

"Pag-iisipan ko kong sino ang pwedeng maisali galing sa amin ngunit sisiguraduhin kong makadadalo ako sa pista ninyo." Wika ni Aero.

Natapos ang kanilang munting salo-salo nang maihatid nila ang mga bisita sa kanilang mga kanya-kanyang silid at mga ilang oras na pamamahinga mag-uumpisa na ang paglilibot nila kasama siya sa buong Atohollo. Bumalik siya sa kanyang silid-aklatan para asikasuhin ang ilang bagay nang sandali siyang napasulyap sa bintana at makitang umuulan sa labas.

Nawala ang atensyon niya sa bintana nang makarinig ng katok mula sa pintuan. Napataas ang isang kilay niya at napaisip dahil wala siyang inaasahang bisita sa mga oras na 'yon.

Binitawan niya ang mga hawak na papel at umalis sa kanyang puwesto. Naglakad papalapit sa pintuan, pinihit niya ng bahagya ang busol (doorknob) at nang mabuksan ang pintuan bahagya siyang nagulat ng makitang naroon si Helena. Tuluyan niyang binuksan ang pintuan para sa dalaga at nakatingin lang ang maamo nitong mukha sa kanya.

"Anong kailangan mo mahal na prinsesa?"

Hindi na nito suot ang sombrero ngunit hindi pa ito nakakapagbihis at nanatiling suot pa rin ang puti niyang bistida na may mahabang manggas. Naroon na naman ang pagtataka niya sa kanyang sarili na si Amber pa rin ang nakikita niya kay Helena na siyang pinagtataka niya. Binasa niya ang mga labi bago muli nagsalita.

"May problema ba?"

"Pwede ba tayo mag-usap kahit sandali." May halong pagmamakaawa sa boses ng dalaga.

Hindi na siya nagdalawang isip pa, "sige kong 'yon ang gusto mo, pwede kang pumasok."

"Maraming salamat," utas ng dalaga bago siya tuluyang pumasok sa silid-aklatan.

Sinara ni Aero ang pintuan at sinulyapan ang mapanuring dalaga. Nililibot ang tingin dalaga at para bang sinusuri ang buong silid-aklatan. Naglakad si Aero palapit sa kanyang upuan, "pwede kang maupo, prinsesa."

Sumunod naman si Helena sa upuang malapit sa lamesa niya sa may kanan niya.

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa gusto ko sanang makausap ka tungkol sa kasal."

Naging interesado ang binata tungkol sa bagay na 'yon hindi dahil sa kasal kong di bakit bigla itong binuksan ng dalaga sa kanya. Nanatiling tikom ang mga labi at hinintay ang susunod na sasabihin.

Huminga ng malalim ang dalaga bago siya nagpatuloy, "sana kong sakaling may hindi ka makita sa pamilya namin o sa kaharian na hindi kaaya-aya 'wag ka sanang aatras sa kasunduan."

Naningkit ang mga mata niya at bahagyang nagulat sa sinabi nito, "bakit naman? Hindi pa nag-uumpisa ang kasunduan sabi ng iyong kapatid na hari na 'wag muna masyadong magmadali."

"Oo alam ko, pero sana kahit na anong mangyari ako pa rin ang piliin mo. Kakapalan ko na ang sarili ko sa 'yo mahal na hari at ibaba ko ang sarili ko para lang mangyari ang kasal. Tulungan mo akong ilayo sa pamilya ko ko."

Hindi makaimik si Aero at hindi maintindihan ang sinasabi ng dalaga.

"Ilayo mo ko sa pamilya ko at kong hindi matuloy ang kasal natin baka ibigay nila ako at ipaasawa sa ibang hari na mas matanda pa sa ama mo. A-ayokong mapunta sa kanila, hi-hindi man kita kilala pero sigurado akong ligtas ditto at alam kong iba ka sa lahat. Ayokong ihilera sa mga sa mga naging asawa ng ilang matatandang hari sa malalayong kaharian at ayokong maging isang kalunya (kabit). Kaya sana maintindihan mo ko kong bakit ko 'to ginagawa, wala akong pakialam sa kapangyarihan at gusto ko lang makatakas sa magiging kapalaran ko. Magkaiba ang batas na meron kayo sa batas na meron kami."

Hindi alam ni Aero kong anong sasabihin niya sa dalaga at nabigla siya ng husto sa kanyang nalaman. Nakatitig siya sa mga asul nitong mga mata at saka binawi ang tingin. Napayuko siya sa mga papel na nakapatong sa kanyang lamesa.

Tumayo na ang dalaga at nakatingin pa rin sa kanya.

"Maraming salamat sa pagbibigay sa 'kin ng oras ngunit ipagdadasal ko pa rin na pag-isipan ng maayos ang pag-uusap na 'to." Dagdag pa nito bago siya talikuran at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Narinig na lamang niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Napasulyap siya sa pintuang kakasara pa lang at para bang naiwan sa kanyang isipan ang mga sinabi ng dalaga.

***

Nakahiga sa itim na damo si Santino at Amber habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan.

"Halatang nag-aalala ka pa rin sa kamahalan," bulong ni Santino sa kanyang tabi.

Hindi siya umimik at alam naman niya kong anong isasagot sa sinabi nito.

"Kong sakaling pagbibigyan ka ng isa pang pagkakataon, babalik ka ba sa kanya?" Muling tanong ni Santino.

"Oo naman..."

"Paano kong may pagkakataon nga na makalabas ditto?"

Napakunot-noo ang dalaga at napasulyap sa gawi ng binata dahil napukaw nito ang atensyon sa tanong.

"Anong ibig mong sabihin?" Saka siya na upo at nakatingin pa rin sa binata. Seryoso ang ekspresyon ni Santino at para bang malalim ang iniisip.

Napasulyap ang binata at nagtama ang mga mata nila, "paano nga kong pwede kang makalabas ditto?"

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon