Chapter 49

2.4K 93 15
                                    

Chapter 49

"Aray! Magdahan-dahan naman kayo sa 'kin!" Bulyaw ni Santino ng itulak sila papasok ni Amber muli sa silda at narinig nila ang pagsara sa pintuan.

Hindi pa rin makapaniwala si Amber sa nangyari kanina. Hindi n'ya alam kong ilang segundo o minuto ba nagtagal ang yakap ng binata sa kanya. Bumitaw lang ito ng dumating sila Minerva at dala-dala na rin si Santino kasama ang ilang ka-tribo nila. Galit na galit si Minerva sa kanilang pagtakas ngunit hindi ro'n nakatuon ang atensyon ni Amber kong di kay Brennon.

'Bakit n'ya ginawa 'yon? Anong ibig sabihin n'ya?' Mga tanong na gumugulo sa isip ni Amber.

"Ayos ka lang?"

Natigilan si Amber at napasulyap sa nag-aalalang si Santino. Umiling s'ya, naupo sa tabi ng mga dayami at tumabi rin sa kanya ang binata.

"Paumahin binibini, hindi tayo nakaalis sa bwisit na lugar na 'to." Narinig ni Amber ang reklamo ng binata sa tabi n'ya habang pinagdidiskitahang paglaruan ang umpok ng mga dayami.

Hindi sumagot ang dalaga at may gumugulo pa rin sa kanyang isipan.

"Nong tumakbo ka palayo ang akala ko lalapain na ako ng aso pero dumating naman sila Minerva hindi mo kong gaano s'ya kagaling makipaglaban. Ano ba ang nangyari sa 'yo? Mabuti na lang nakuha agad ni Brennon. Mabibilis ang mga kilos nila at agad nilang nalaman na nasa panganib tayo." Patuloy pa rin sa pagkwento si Santino saka lang napagdesisyunan ng binata na tumigil nong mapansing hindi naman nakikinig ang dalaga sa kanya. Nahiga na lamang s'ya at pinikit ang mga mata.

Ilang minutong nag-iisip si Amber bago s'ya dalawin ng antok.

Kinaumagahan, nagising na lamang si Amber sa mahihinang takip sa kanyang mukha at yugyog sa kanyang katawan. Dahan-dahan n'yang idinilat ang mga at nakita si Santinong nakadungaw sa kanya.

"Binibini."

"Ano 'yon?"

Dahan-dahan umupo si Amber at saka naman umusog si Santino para bigyang espasyo s'ya. Nakangiwi ang binata sa kanya at halatang bagong gising din katulad n'ya.

"Nasa labas na sila naghihintay at simula na naman para maging alipin nila."

Mabigat pa ang pakiramdam ni Amber at tumayo na lamang kahit labag sa kalooban n'ya. Tinaas n'ya ng bahagya ang palda ng bistida para mapunasan ang mukha n'ya bago sila tuluyang lumabas. Paglabas nila natagpuan n'yang nakikipag-usap si Brennon kay Minerva. Nagkakangitian at nagbibiruan habang naghihintay sa kanila. Natigilan si Brennon at napasulyap sa gawi n'ya. Nawala ang ngiti sa labi nito at naging seryoso.

Muli na namang nag-echo sa isip n'ya ang huling sinabi ni Brennon sa kanya kagabi.

Napabuntong-hininga si Amber habang papalapit sila kila Minerva. Nawala rin ang ngiti ng dalaga at nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin kay Amber.

"Kailangan ninyong magtrabaho bago kayo makapag-agahan," wika ni Minerva.

Napasulyap naman si Amber sa di kalayuan na nagkukumpulan ang mga tribo para mag-almusal samantalang sila kailangan pang magtrabaho pa ro'n.

"Nakikita ninyo 'yon," turo ni Minerva sa kaliwa nila. Parehas naman napasulyap doon sila Santino sa taniman ng mga prutas. "Kailangan niyong punuin ang apat na kahon ng ubas para sa gagawing alak at kailangan ninyong gawin 'yan dahil may trabaho pa kayong kailangan sundin."

Napangiwi naman si Amber hindi n'ya akalain na gano'n katuso ang dalaga. Napabaling naman s'ya kay Brennon na kanina pa nakatitig sa kanya.

"Si Brennon muli ang magbabantay sa inyo at wag na wag kayong gagawa ng bagay na ikakasama ninyo." Huli nitong bilin bago sila iwan.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now