Chapter 34

821 36 17
                                    

Chapter 34

WALA nang nagawa pa si Kairos nang ikumpas ni Grant ang kamay niya sa pamamagitan ni Florence. Tumilapon siya at kamuntik na siyang lumabas sa bintana na isang malakas na enerhiya ang pumigil para hindi 'yon mangyari. Nabigla siya lalo na't makita niya si Lucian na nakatayo sa gitna ng pasilyo. Dahan-dahan siya nitong binaba habang nakatitig ng seryoso kay Grant.

"Lucian," bulalas ni Kairos habang hindi pa rin makapaniwala sa biglang pagdating ng kaibigan.

"Itigil muna 'to, Florence, pag-usapan natin 'to sa Holon," seryosong wika ni Lucian.

Ngumisi si Florence na nakasapi pa rin sa katawan ni Grant, "sa tingin mo susunod ako sa 'yo?" Sarkastikong tanong nito.

"Paano napunta rito ang mga nilalang sa kabilang buhay?" Biglang tanong ni Helena na nalilito pa rin sa mga nangyayari.

Walang nagsalita sa kanila nang biglang sumugod nasingbilis ng kidlat si Grant at hinarang ni Lucian ang sariling braso na siyang nakagawa ng isang malakas na hangin sa kanilang pagtama.

"Hindi na ako babalik do'n, manigas ka," sabi ni Grant gamit ang boses ni Florence sabay ito humugot sa hangin ng suntok, mabilis naman na umatras si Lucian para hindi siya matamaan, agad namang sumugod si Kairos para matigilan si Grant, dahil sa bilis din nito parehas silang tumama sa pader na siyang dahilan ng pagguho sa mga ito sa sobrang lakas.

Isa-isa lumabas sila Amber sa kanilang pagtataguan na inaakalang ganu'n lang matatapos ang lahat. Ilang segundo ang makalipas bago tumayo ang isa sa kanila, si Kairos na bahagya pang nahihili. Lalapit sana si Amber kay Kairos ngunit pinigilan siya ni Aero. Napasulyap ito sa direksyon nila ngunit naging kulay ginto ang mata nito. Napahawak ito sa ulo na animoy nilalaban ang pagsapi ni Florence sa kanyang katawan at pagdomina nito sa kanyang diwa.

"Labanan mo, Kairos! Hindi ka naging si Kairos kung hindi mo kayang labanan si Florence!" Sigaw ni Lucian ngunit kahit din ito'y natatakot sa posibleng mangyari.

"AHHHH!" Sigaw ni Kairos at sa muling pagdilat niya bumalik ito sa dati. Una niyang nakita ang nag-aalalang mukha ni Amber, "Amber..."

Hindi maintindihan ng dalagang si Amber kung bakit siya tinawag ng binata. Muli itong napasigaw.

'Siya pala,' bulong ni Florence kay Kairos.

"Hindi---ahhhhh!" Tuluyang nanaig si Florence sa katawan ni Kairos.

Mabilis ang pangyayari nang biglang sumugod si Kairos kay Amber at mabilis itong sinakal gamit ang isang kamay nito. Nabigla ang dalaga sa ginawa ng binata at sa higpit ng pagkakahawak nito. Unti-unti nitong inaangkat ang katawan ng dalaga. Pilit na nagpupumiglas si Amber sa pagkakahawak sa kanya ngunit hindi niya magawa at unti-unti na siyang nawawalan ng hininga.

"Tulungan ninyo siya!" Sigaw ni Aero.

Agad na sumugod si Sebastian ngunit sa isang kumpas ni Kairos agad itong tumalipon patungo sa pader, bago pa man siya bumagsak para bang nagkaroon ng buhay ang pader na bato dahan-dahan kinain ang kalahati ng katawan niya at bago ito bumalik sa normal na pader. Pilit na kumakawala si Sebastian ngunit wala na siyang nagawa.

"Sugurin ninyo siya!" Sigaw ni Helena sa sobrang kaba ngunit walang nagawa rin ang mga kawal nito nang isa-isa ring nagsiliparan sa simpleng kumpas ni Kairos.

Habang abala ang lahat nilalabas ni Lucian ang isang maliit na kahon na pwede niyang gamiting kulungan sa dalawang kaluluwa na matagal na dapat na nanahimik. Kinuha ni Aero ang sandata ng kawal sa paanan niya para tulungan si Amber ngunit mabilis itong nabaluktot. Hindi pa siya sumusugod nang tumalipon din siya. Tumama ang likod niya sa pader bago siya bumagsak sa sahig. Agad na lumapit si Helena sa kanya para tulungan siyang makabangon.

Kidnapped by MistakeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt