Chapter 54

2.5K 85 9
                                    

Chapter 54

Sa inis sa mga kawal naglakad s'ya at iniwan ang mga ito na nasa sahig pa rin ng bulwagan. Nagpupuyos s'ya sa galit dahil naibalik ang anak n'yang si Edward. Bigla s'yang nakaramdam ng takot na baka mabawi na naman ang kapangyarihan at pamumuno na dapat sa kanila ng anak n'ya. Napailing at hindi makapaniwala na baka bumalik s'ya sa lupa kong saan s'ya nang galing.

"Ngunit mahal na reyna, nakita namin si haring Aero kasama ang mga bandido."

Natigilan s'ya sinabi ng heneral at hindi s'ya makapaniwala na mapapadpad ang binatang 'yon sa tribong iniiwasan n'ya. Humarap s'ya sa mga kawal, "wag kayong mag-uulat ng kahit na ano sa konseho o sa amang hari na may nakita kayong kawangis ng namayapang hari kong ayaw ninyong magkagulo sa kaharian natin."

Hindi na n'ya hinintay pa ang sasabihin ng mga kawal lalo na ng heneral ng magpatuloy na s'ya sa paglalakad palabas ng bulwagan.

"Hindi pwede," bulong n'ya sa kanyang sarili, "kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan bumalik ni Edward ng ligtas," wala sa sariling napangisi. Lumuko s'ya ng nilalakaran at diretsong pumasok sa silid nilang mag-asawa. Natigil s'ya at napasulyap sa nahihimbing na asawa. Matanda na ang amang hari at nadagdagan pa ang panghihina nito nang malamang patay na ang anak nito.

Kailangan n'yang panatilihin ang paniniwala na 'yon sa lahat at kong hindi baka bumalik ang lahat sa kanya. Tatlong araw na ring nakaratay ang amang hari sa kanyang higaan, nanghihina at unti-unti ng binabawian ng lakas ng katawan sa bawat araw na nagdaan.

Para sa kanyang magandang pangitain 'yon at lubos ng mapapasailalim ang kaharian sa kanyang pamamahala ngunit hindi n'ya 'yon magagawa kong wala ang hari, ang kanyang anak. Sumagi sa kanyang alaala kong paano nga ba nag-umpisa ang lahat.

***

Nasa harapan n'ya ang isang nakayukong tagapagsilbing babae at ramdam n'ya ang takot nito. Sino nga ba ang hindi matatakot sa tusong inang reynang katulad n'ya?

"Magagawa mo ba ang ipinag-uutos ko?" Tanong n'ya sa nakayukong babae at sila lang dalawa ang nasa loob ng sikretong silid.

Hindi sumagot ang babae at natatakot na baka magkamali.

"Narinig kong naghihirap ang pamilya mo sa bayan at kailangan ninyong mabayaran ang buwis na hindi pa ninyo nababayaran sa tatlong buwan. Kong gagawin mo ng maayos ang ipapagawa ko sa 'yo pwede kong gawing libre ang buwis ninyo habang buhay para hindi ka magkaroon pa ng problema."

Namilog ang mga mata ng dalaga at napasulyap sa kanya nakaawang pa ang bibig dahil sa kanyang sinabi.

Ngumisi s'ya, "tama ka ng narinig, ngayon magagawa mo ba ang ipag-uutos ko sa 'yo?"

"A-ano po 'yon inang reyna?"

Napangisi s'ya lalo, 'ang babaw ng mga mahihina gagawin ang lahat para gawin sa isang bagay na wala sila,' bulong ng kanyang isipan.

Kinumpas n'ya ang kamay n'ya at lumabas do'n ang isang botelya na may lamang itim na likido. Hindi makapaniwala ang dalaga sa kanyang nasaksihan at muling humarap sa gulat na dalaga. Inabot n'ya ang botelyong may laman ng lason at maingat namang kinuha ng tagapagsilbi. Hindi makapaniwala na ang inang reyna nila ay may kakayahang gumamit ng itim na mahika. Isang bagay na ipinagbabawal sa kaharian nila.

"Maingat mong gawin ang trabaho mo, ilagay mo 'yan sa inumin ng hari mamayang gabi sa seremonya ng kasal at itago mo sa silid ng bago n'yang asawa ang mahal na reyna. Wag kang mag-alala tutulungan kita na hindi ka nila mahuli." Utas ng inang reyna habang hindi naalis ang ngisi sa kanyang labi.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now