Chapter 38

846 39 19
                                    

Chapter 38

GABI ng unang kasal nila Helena at Aero ngunit wala sa tabi ng dalaga ang bagong kabiyak. Nakasuot pa rin siya ng puting bistida, gusto niyang mismong si Aero ang maghuhubad nu'n sa kanya sa unang gabi nila, halos isang buwan ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng binata sa kanya kahit pa wala na si Amber at kahit nasa hukay na ito hindi niya akalaing magiging kahati pa rin niya sa atensyon ang binata.

Maraming nangyari sa loob ng mga panahon na 'yon at nagkaroon sila ng kasunduan kaya napapayag niya ang binata na ikasal sa kanya. Dahil ilang beses ng umayaw ito. Ngunit sa barahang hawak niya, siya ang nanalo at nakaalis na siya sa puder ng pamilya niya. Bagong reyna na siya ng Atohollo at bagong asawa ni Aero. Wala ng makakapagpabago nu'n.

Nanatili siyang nakaupo sa dulo ng kapa at nakatapat ito sa pinto ng silid nila. Bumukas ito at pumasok si Aero. Napatayo siya para salubungin ang binata ngunit tumigil siya ng makitang may pasa ito sa gilid ng labi at sa pisngi. Gulo-gulo ang damit nito at buhok na para bang nakipag-away.

"Lasing ka ba? Anong nangyari sa 'yo at ganyang itsura mo?" Nag-aalala niyang tanong sa binata.

Hindi siya pinansin ng binata at dumiretso ito sa tapat ng kabinet. Isa-isa niyang inalis ang butones ng damit nito. Pinagmasdan lang niya ang bawat kilos ng binata.

"Hindi ka ba magpapahinga, gabi na, aalis ka pa ba?" Sunod-sunod niyang tanong ng mapansin niyang nagbibihis ng damit ang binata. Tatalikuran sana siya nito ng hilahin niya ang braso nito para mapaharap siya. Agad ding bumitaw ang binata na para bang napapaso ito sa mga hawak niya. "Ma-may problema ba?" Tanong ng dalaga uli kay Aero.

Walang emosyong nakatitig sa kanya ang binata at malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.

"Unang gabi ng kasal natin, kailangan kasama mo ko, asawa mo na ako, hindi mo ba alam?" Hindi gustong mainis ni Helena ngunit 'yon ang nararamdaman niya kung paano siya tratuhin ni Aero. Malaki ang tiwala niyang magbabago ang pakikitungo ng binata sa kanya. "Mahal kita, ako ang nandito pero parang sa malayo ka nakatingin, naghihintay ka sa hindi naman darating."

"Hindi ikaw si Amber."

Parang sinampal ng katotohanan ang sinabi ni Aero sa kanya ng harap-harapan.

"May kasunduan tayo, tumupad lang ako sa kasunduan natin, mag-asawa man tayo sa mata ng lahat pero hindi kita tatangapin kong asawa at alam mo 'yan." Wika pa ni Aero.

Para bang dahan-dahan siyang tinutusok ng libo-libong karayom sa kanyang mga narinig mula sa binata.

"Hindi kitang kayang mahalin, Helena."

Napatulala si Helena sa kinatatayuan niya at dahan-dahan na ikuyom ang mga palad sa magkabilang gilid dahil sa pagtitimpi. Tuluyan siyang iniwan ng binata na hindi man lang nagpapaalam.

"Sabi mo mamahalin niya ako 'pag ginawa ko 'yon," sabi niya ng mapansing may pigura sa loob ng salamin sa gilid niya.

Isang naaagnas na babae at nakangising nakatitig sa kanya. Sunog ang balat nito sa buong katawan at halos luluwa na ang isang mata nito. Kitang bungo sa gilid ng mukha dahil sobrang pagkalapnos ng mukha. Wala na rin itong buhok sa ulo. May mga dugo na binabahayan ng uod. Bigla na lang lumakas ang hangin, isa-isang dumating ang mga kaluluwa na galing sa Surtar at Holon sa likuran ni Helena.

"Maari ka pang gumawa ng paraan, Helena," wika ng pigura ng babae sa loob ng salamin.

Sumulyap siya ro'n sa salamin at sa mga biglaang bisita. Kinakabahan siya na baka makasama ang anumang kilos niya sa mga bisita at baka kung anong gawin sa kanya.

"Gawin mo na ang sunod na hakbang, walang lugar ang mga lalaki, mas malaki pa ang pangarap mo kesa ang makuha ng pusong bato ng hari na 'yon, magtiwala ka, mas magaling ka kung ikaw ang mamahala sa buong kaharian," karagalgal na wika ng pigura.

Muling bumalik sa alaala ni Helena, ang balak at plano niya. "Tama ka," pagsasang-ayon ng dalaga.

***

TAHIMIK na nakahiga si Amber sa papag habang sunusuri siya ng manggagamot sa tribo nila Minerva sa kubo niya. Bigla na lang nagsialisan ang mga kalaban. Naroroon na rin si Kairos para hintayin ang resulta. Lahat sila'y nagtataka ngunit mas nagtataka si Amber sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwalang nagawa 'yon at hindi niya lubos maisip na kung paano nangyari 'yon.

Dumilat ang manggagamot na 'yon at bumitaw sa pagkakahawak kay Amber. Nabigla rin ang dalaga sa biglang pagbitaw nito sa kanyang kamay. Kinabahan siya dahil gulat na gulat ang manggagamot at animoy na para bang may nalaman itong kakaiba.

"Ano pong balita?" Kinakabahang tanong ng dalaga.

"Hindi ka mortal, hindi ka rin ordinaryong immortal."

Nagulat ang lahat ng nasa silid na 'yon sa pag-aanunsyo ng manggagamot.

"Sinasabi ko na nga ba," bulong ni Kairos sa kanyang sarili. Ilang beses ng napabalik-balik si Amber sa Holon. Sa kanilang paniniwala lalo na kay Lucian. Ang mga nilalang na nang gagaling do'n ay nakakaroon ng kakaibang kakayahan. Hindi iba ro'n si Amber lalo na't makailang beses itong nang galing sa Holon.

"Hindi na mababago ang tadhana dahil dati ng nakaukit sa mga palad mo at nakaguhit sa tala ang mangyayari sa iyo," dagdag pa ng manggagamot.

"Maraming salamat po," wika ni Minerva bago niya tuluyang paalisin ang manggagamot para sila na lang ang matira.

"Ano ng mangyayari sa 'kin?" Tanong ni Amber sa dalawa.

"Hindi ko alam, sa tingin ko sanayin mo na ang sarili mo dahil wala ng mababago, nangyari na ang dapat mangyari," sagot ni Minerva, "katulad ng sinabi kanina ni tanda, nakatadhana na ang lahat, hindi mo na 'yon mababago at ang tadhana mimso'y hinihintay ka para mapunta ka sa pangyayari na 'to."

"Kailangan kong iulat ito kay Lucian," parehas napasulyap ang dalaga ng magsalita si Kairos.

"Aalis na muna ako, babalik na lang ako kung may kailangan kayo," saka tuluyang lisanin ni Minerva ang silid.

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila bago tuluyang nagsalita si Kairos.

"Aalis na rin ako," anya.

Napakunot-noo ang dalaga, "iniiwasan mo ba ako?"

Natigilan ang binata at muling humarap kay Amber, "hi-hindi," bigla na lang nakaramdam ng kaba si Kairos sa hindi malamang dahilan at hindi rin niya matitigan ng diretso sa mga mata si Amber.

"Pero, bakit aalis ka agad?"

"Kailangan kong bumalik sa Holon, marami pa kaming aasikasuhin," tatalikod na sana si Kairos ng huminto muli siya, dahan-dahan siyang humarap kay Amber naroon pa rin sa papag. "Gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyari, hindi ko sinasadya---"

Hindi na siya pinatapos pa ni Amber, "iniisip mo ata na sinisisi kita sa lahat ng nangyari kaya ka nagkakaganyan? Hindi siya sumagi sa isipan ko."

Huminga ng malalim si Kairos, "kung hindi dahil sa 'kin, nakabalik ka na sana kay Aero, ikaw sana ang ikinasal sa kanya, hindi ka dapat naririto, kaya kahit na sabihin mong wala akong kasalanan, napakalaki ng ambag ko para hindi mangyari yung pangako sa 'yo ni Lucian, wala ka dapat dito at nagsisisi ako sa nangyari..."

Hindi nakaimik si Amber at nanatili siyang nakatitig kay Kairos na puno ng lungkot ang mga mata.

"...Kailangan kong pagsisihan ang nangyari sa 'yo. Pero siguro, matagal ko ng natanggap yung parusa." Makahulugang wika ng binata.

---

Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento

P.S. Kung nagandahan ka sa story na 'to, kung pwede pa-share rin sa mga friends mo para happy tayong lahat or by sharing it on social media account ninyo, char lang. Salamat.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now