Chapter 18

5.9K 182 6
                                    

Chapter 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 18

Pagbukas ni Amber ng pintuan bumungad sa kanya ang kambal na kawal, kosang tumaas ang isang kilay nang makita n'ya ang dalawa, "anong kailangan ninyo?"

"Hinahanap po kayo ni prinsipe Aero at may importante raw kayong pag-uusapan," ngiting sagot ni Santino.

"Talaga lang ah, okay."

Na unang naglakad ang dalawa at sumunod na lamang si Amber sa dalawa.

Ilang Minuto ang makalipas nung huminto sila sa tapat ng isang pintuan, pinagbuksan s'ya ng dalawang kawal, bago s'ya tumuloy, ngayon lang s'ya nakapasok sa ga'nung uri ng silid, nakahilera, nakaayos ang mga iba't ibang armas, may iilang nakasabit, nakalatag sa lamesa, ang iba nama'y tampak sa isang kahon at mga estatwang nakasuot ng baluti, sa gitna ng silid may maluwag na espasyo kong saan nakapwesto ang upuan ni Aero at tahimik na nakaupo ro'n ang binata.

Nakapikit ang mga mata animoy nababakot sa paghihintay, naka-krus ang mga braso nito at ang likod ay nakasandal sa upuan, nakasuot din ito ng baluti n'ya.

'Ano naman ang pakulo ng isang 'to?' Sa isip-isip n'ya, naglakad s'ya papalapit sa binata, kasabay nu'n ang pagdilat ng mga mata nito at nagtama ang mga tingin nila sa isa't isa.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Tanong ni Amber sa binata.

Tumayo ang binata bago s'ya sagutin nito, "kailangan mong magsanay sa mga bagay-bagay na maaring kailanganin mo sa hinaharap."

Nagtaka ang dalaga, "anong ibig mong sabihin?"

Nilibot ni Aero ang tingin n'ya sa loob, "gusto ko lang na matuto kang gumamit ng armas at mga ilang takteka sa pakikipaglaban, para rin naman sayo 'to."

Napakunot-noo ang dalaga, "ayoko nga."

"Sa ayaw at sa gusto mo, wala kang magagawa, ako ang magiging guro mo sa araw na 'to at sa susunod pang araw," tinulak s'ya ng binata sa isang direksyon.

"Teka lang, ayaw ko! Ayaw!"

Tuluyan s'yang na itulak sa isang silid, "magbihis ka na hindi maganda na nakasuot ka ng bistida habang nag-ensayo, bilisan mo."

Narinig n'ya ang pagsara ng pintuan sa likuran n'ya, nakita n'ya ang pang babaeng baluti na nakalatag sa lamesa, huminga s'ya ng malalim bago s'ya nagbihis.

Pagkatapos n'ya magbihis at lumabas ng silid, natadnan n'yang hawak na ni Aero ang isang espada, hindi makakilos ng maayos si Amber dahil bahagyang mabigat ang baluti na suot n'ya.

Nakasimangot s'yang lumapit sa binata, "pumili ka ng sayo."

Lumapit s'ya sa lamesa na may iba't ibang hugis ng espada, kinuha n'ya ng katulad kay Aero ngunit bahagyang mabigat ito kaya kumuha s'ya ng mas maliit nitong bersyon.

Animoy na iinis si Aero habang tinitignan si Amber sa tayo nito.

Kaya binitawan n'ya ang hawak n'yang espada at lumapit kay Amber, bahagyang nagulat ang dalaga nang maramdaman n'ya sa likuran ang binata.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon