Chapter 19

5.3K 183 8
                                    

Chapter 19

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 19

Matapos makapagpahinga ni Amber agad s'yang bumalik sa silid kong saan s'ya nagsasanay na humawak ng mga armas ngunit bahagya s'yang nagulat nang matadnan n'yang naroon din sila Edward at Claire, kapwa nakasuot din ng baluti, tahimik lang na nakaupo si Aero animoy hinihintay ang pagdating n'ya.

Napasulyap ang tatlo sa pagdating n'ya, mababakas sa mukha ni Claire na hindi gusto ang presensya n'ya, ga'nun din naman s'ya sa dalaga, iba ang pakikitungo nito.

Tumayo si Aero habang papalapit s'ya sa binata.

"Nabalitaan kong marunong ka pa lang humawak ng armas at iilang kaalaman tungkol sa pakikipaglaban," wika ni Claire.

Napasulyap naman silang lahat kay Claire na pinaglalaruan ang hawak niting espada.

"Bakit hindi natin subukan ang galing n'ya?" Muling giit ng dalaga.

Biglang kinabahan si Amber, napasulyap s'ya sa binata animoy nagtatanong sa mga mata.

"Hindi pa s'ya ganoong kagaling, alam naman nating matatalo lang s'ya laban sayo dahil may husto kang kaalaman tungkol sa pakikipaglaban," komento ni Edward.

Wala nang nagsalita sa kanila, gustong pasalamatan ni Amber ang binata.

Lumayo si Aero sa kanya para kunin ang sandata para sa kanya ngunit mabilis na kumilos si Claire, sinipa s'ya nito sa likuran para madapa't matumba s'ya, napasinghal s'ya sa sakit nang pagkakabagsak dahil hindi n'ya 'yon inaasahan.

"Claire!" Parehas na nagulat ang magkapatid.

Pinang tungkod ni Amber ang mga braso para makatayo, ang sama nang tingin n'ya sa dalaga habang ito'y nakangisi sa kanya, bago pa man s'ya nakalayo, isang bilog na harang ang pumalibot sa kanila.

"Claire itigil mo 'to!" Sigaw ni Aero.

"Mawawala lang ang harang kong makikipaglaban s'ya!" Habang hinahanda nito ang sandata n'ya.

Napalunok si Amber at hindi alam ang gagawin sa mga oras na 'yon, sinubukan n'yang lumusot sa bilog na harang na animoy gawa sa tubig ngunit nasaktan at napaso s'ya.

"Bakit ba masyado kayong nag-aalala sa kanya hindi naman s'ya mamamatay sa pakikipaglaban, kong magiging asawa s'ya ng susunod na hari at magiging susunod s'yang reyna dapat matapang at kaya n'yang makipaglaban! Subukan natin ang galing n'ya!"

"Hindi sa ganitong paraan!" Sigaw ni Edward, wala silang magawa, kahit din ang kapangyarihan ni Edward at hindi n'ya magamit sa mga oras na 'yon laban sa kapangyarihan ni Claire.

Sa loob ng palasyo, iilan lang ang may mga mahika at may kapangyarihan. Ngunit walang kapangyarihan o kahit na anong mahika ang dalagang si Claire.

Binato ni Claire ang espada sa paanan ni Amber, walang magagawa ang dalaga kailangan n'yang pagbigyan ang kagustuhan nito.

Kinuha n'ya ang espada, hindi pa s'ya nakakatayo nang umatake na si Claire, pinang harang n'ya ang espada, halata sa mga nag-aapoy na mga mata ng dalaga ang galit nito kay Amber.

Sinipa n'ya ang paa nito para mapaatras ang dalaga at lumayo sa kanya, sinubukan n'yang umatake ngunit mabilis na nakakailag si Claire, mas may alam si Claire sa pakikipaglaban at taktekang gagawin kesa sa kanya.

Nanlaki ang mata n'ya nang biglang nawala si Claire sa harapan n'ya.

Naramdaman n'ya ang presensya nang dalaga sa likuran n'ya haharap sana s'ya nang matamaan s'ya sa kaliwang braso, nabitawan n'ya ang hawak na espada.

Animoy nabingi s'ya sa mga oras na 'yon, hindi n'ya maintindihan ang nasa paligid n'ya.

"Claire!"

Para bang bumagal ang takbo nang oras.

Hindi n'ya agad na protektahan ang sarili n'ya, mukhang handa s'yang patayin ng dalaga basi sa mga mata nito nanlilisik sa kanya.

Muli n'yang naramdaman ang sakit nang dumapo ang kamao nito sa pisngi n'ya, bumagsak s'ya sa sahig, nagpupumilit nang makapasok sila Edward at Aero dahil sa nangyayari.

Biglang nagbago ang anyo ni Claire sa paningin ni Amber, hindi n'ya alam kong dahil ba sa pagod at pagkahilo, ngunit parang malinaw ang lahat, hindi si Claire ang nakalaban n'ya kong di ang bandedong nakaharap n'ya noon sa palasyo ng Dathelyn.

Ang lakas ng tibok ng puso n'ya, bigla na lamang pumatong ito sa kanya at agad na pinisil ang sugat n'ya sa braso.

"AHHHHHH!" Kakaibang sakit at hapdi ang nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yon, ginigising nang sakit na 'yon ang diwa n'ya, parang gusto na n'yang mamamatay at hindi pa maramdaman pa ang sakit na 'yon.

Ngumisi ang binata sa kanya, "itinakda," bulong nito sa kanya.

"AHHHHHH!"

NAPABALIKWAS NANG gising si Amber habang hingal na hingal, kikilos sana s'ya nang maramdaman n'ya ang hapdi sa kanyang brasong nakabenda, sinuri n'ya ang braso, "hindi panaginip ang lahat," bulong n'ya.

Mas lalong nagulat nang makita n'yang nakaupo sa kama n'ya si Aero, nakabihis na ang binata, ayon sa basa nitong buhok parang bagong ligo si Aero, mula sa madilim na silid, na iilawan ng sinag nang liwanag mula sa labas ng balkonahe.

Nasa silid na s'ya at nakabihis na rin ang damit.

Nakatingin ang binata sa kanya animoy nangungusap.

Kaya s'ya na mimso ang bumasag sa katahimikan, "anong ginagawa mo rito?"

"Binabantayan ka, paalis na rin ako."

Tumayo na ang binata, handang aalis na 'to nang pigilan s'ya ni Amber, "anong nangyari?" Malinaw pa sa kanyang alala ang lahat sa nangyari kanina lang sa ensayo.

"Hindi ko rin alam, para bang sinapian si binibining Claire at nagawa n'ya 'yon, ipagpaumanhin mo na lang s'ya, pagkatapos din ng nangyari, s'ya nawalan din nang malay katulad mo pagkatapos nang lahat."

"Kailangan ko bang matuwa?" Sarkastikong tanong n'ya.

"Hindi mo kailangan matuwa, ang kailangan mo magpahinga."

"Gusto ko nang bumalik sa'min, sa mundo ko, habang tumatagal ako rito lalo akong napapahamak, gustong-gusto ko na bumalik sa'min, kaya ko naman kalimutan ang lahat na nakarating ako rito," pagmamakaawa ni Amber.

"Pero hindi pa nga 'to ang tamang panahon, patawarin mo 'ko sa nangyari, hindi ko rin 'to inaasahan."

"Kong sa una pa lang hindi ninyo ako kinuha, hindi 'to mangyayari sa'kin, walang ganitong mangyayari sa'kin," natatakot na s'ya sa seguridad n'ya at baka hindi na s'ya makabalik nang buhay.

"Ibig mo bang sabihin na ako ang may kasalanan nito?"

"Bakit mo tinatanong sa'kin 'yan alam mo rin naman ang sagot diba."

Magsasalita pa sana si Aero nang pinigilan nito ang sarili n'ya at lumabas nang silid.

Sa paglabas ng binata, bigla na lamang tumulo ang luha n'ya, muli na naman n'yang naalala ang bandedong binata, bigla s'yang nakaramdam nang kakaibang sakit sa sugat nang braso n'ya para mapahawak s'ya ro'n.

'Anong ibig sabihin n'ya sa itinakda?' Sa isip-isip n'ya. 

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now