Chapter 61

2.2K 83 1
                                    

Chapter 61

Bago pa man malagutan ng hininga si Edward sa hanging sumasakal sa kanya biglang na may sumugod sa likuran ni Minerva para hampasin siya, dahil sa gulat ng dalaga, bahagyang nasaktan sa pagkakahampas at mawala ang atensyon kay Edward. Bumagsak ang katawan ni Edward na naghihingalo sa lupa at hinahabol ang hininga habang hinihimas ang kanyang leeg.

Humarap si Minerva kay Aero na hawak pa rin ang panghampas niya.

"Lumayo ka sa katawan niya!" Papasugod si Aero nang biglang mawala si Minerva na paranng bula. Halos mawalan siya ng balanse sa pagkabigla.

"Nandito ako."

Namilog ang mga mata ni Aero ng bumulong sa likuran niya ang dalaga. Huli na ng makakilos siya agad siyang sinakal ng dalaga gamit ang braso nito ngunit hindi nagpatalo ang binata. Inuntog niya ang ulo niya sa dalaga sa sobrang lakas no'n nasaktan din siya sa kanyang ginawa. Napaatras at napabitaw sa kanya si Minerva na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya. May galos ang mukha nito na agad ding gumaling.

Kinumpas nito ang kamay nito at lumabas ang isang sandata. Agad na tumakbo si Aero sa malapit na puno para kunin ang espadang, papalapit na sa kanya si Minerva at agad na gagamitin sa kanya. Agad niyang nahila ang espadang nakatarak sa puno at pinangharang sa paparating na atake ng dalaga. Umatras ng bahagya si Minerva at agad ding umatake. Hindi niya hinayaang magkaroon ng pagkakataon si Aero na maka-atake.

Nagkaroon ng ingay mula sa gitna ng village at biglaang pagsabog.

"Mga kalaban! Sinusugod tayo ng mga kalaban!" Sigaw ng mga lalaki sa di kalayuan.

"Maghanda kayo!

Dahan-dahan tumayo si Edward at nanghihina pa rin dahil sa nangyari. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kubo kong saan naka-imbak ang mga sandata. Umuubo siyang dinampot ang isang mahabang kahoy na may magkabilang patalim sa dulo. Papasugod siyang lumabas kahit na nanghihina ngunit gumamit ng isa pang sandata si Minerva para kalabanin si Edward.

Isa laban sa dalawa na ngayon.

Hindi nagsayang na oras si Aero at Edward para sa patuloy na pagsugod sa dalaga.

"Hindi ninyo ako matatalo!" Kasabay ng pagsigaw ang biglang malakas na hangin ang humampas ang hangin sa katawan ng dalaga dahilan para tumilapon sila.

Sabay silang bumagsak sa lupa at agad ding tumayo para kalabanin ang dalaga.

"Huli na ang lahat at mapapasakin din ang kaharian!" Parang bulang nawala ang sandata niya at inangat ang kamay sa eri.

Tila ba'y ang maaliwalas na panahon ay natabunan ng itim na ulap na para bang may nagbabadyang masamang panahon at bigla ring lumamig sa buong village. Nakarinig ng kakaibang mga ingay, pagtama ng mga metal at pagkalansing nito. Parehas napasulyap ang dalawa sa likuran nila kong na saan nang gagaling ang mga ingay. Ang mga sandata kusang umaangat sa eri. Bigla na lang nasira ang buong kubo at isang malakas na hangin na para bang sumabog ang mga sandata.

Nagsiliparan ang mga ito kong saan-saan direksyon. Namilog ang mata ng dalawang binata na may mga espadang papalapit sa kanila ngunit ilang segundo at pulgada na lamang ang layo sa kanila nang huminto ang mga sandata sa harapan nila. Para bang may enerhiyang nagpapabagal o nagpipigil sa mga sandata na tumarak sa dalawang binata. Ang bilis ng tibok ng puso nila sa mga oras na 'yon.

"Tumigil ka na Viktoria!" Napasulyap sila sa direksyon ni nanang na nakatutok ang tungkod nito sa mga binata na para bang binibigyan ng proteksyon ang mga ito laban sa mga sandata.

Nanlilisik ang mga mata ni Minerva na bigla na lang naglaho ngunit maririnig sa buong kabundukan ang kanyang mapanindig balahibong halakhak. Bigla na lang bumagsak ang mga sandata at inalis ni nanang ang proteksyon. Lumapit si nanang sa dalawang binata.

Patuloy pa rin ang ingay mula sa di kalayuan.

"Sinasabi ko na nga ba," wika ni nanang.

Muling nagdampot ng mga sandata ang dalawang binata na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Kailangan nating magmadali," dagdag ni nanang.

"Paano ang apo ninyo?" Tanong ni Edward.

"Ako ng bahala sa kanya at kailangan nating matanggal ang galit sa puso niya dahil do'n kaya siya nagamit ni Viktoria." Hingal na sagot ng matandang babae.

"Na saan na sila?" Tanong ni Aero habang papalapit sa gulo.

"Pinatuloy ko na sila ngunit..."

Natigilan si Aero at kinabahan na hindi maituloy ni nanang sasabihin.

"Ngunit ano?"

"Bigla na lang tumakbo si binibining Amber pabalik ang akala ko rito siya pupunta."

"Ano?" Natigilan si Aero at gumapang ang takot sa kanyang sistema. "Ngunit wala siya rito."

"Kailangan na nating magmadali bago pa maubos ang tauhan ko bata," utos ni nanang.

Gusto man niyang unahin ang kapakanan ni Amber ngunit wala siyang magagawa sa mga oras na 'yon.

"Ako na ang maghahanap sa kanya," biglang singit ni Edward.

"Hindi pwede," utas ni Aero.

Nagkatitigan sila sandali mas naririnig na nila ang gulo sa paligid.

"Ikaw pa rin ang hari ng Atohollo kaya mas magandang ikaw ang mamuno sa lahat. 'Wag kang mag-alala hahanapin at ibabalik ko siya ng ligtas sa 'yo."

Nag-aalinlangang man si Aero ngunit wala siyang magagawa mas kailangan niyang unahin ang responsibilidad niya.

"Kaya ko na 'to, magkita na lang tayo mamaya," saka umatras si Edward, tumakbo palayo at pabalik sa loob ng kagubatan.

Saka naman humarap si Aero sa mga tribo. May ilang kubo na bumagsak at ilang puno. Ang daming mga palasong nakatusok sa lupa. Nagulat siyang makitang may ilang kawal ng Atohollo na nakahandusay na ngayon sa lupa at ilang taga-tribo na sugatan. May sumugod na kawal mula sa Atohollo kaya agad siyang nakipaglaban. Mga walang emosyon ang mga mata nila at ang mahika ni Viktoria ang nagpapagalaw sa kanila.

***

Hingal na hingal si Amber nang huminto siya sa isang puno at napahawak doon. Kanina pa siya takbo ng takbo pabalik sa village, ang pagkakaalam niya dapat ay naroon na siya ngunit para siyang naliligaw sa loob ng kagubatan at hindi alam kong saan siya papunta. Kanina pa siya pabalik-balik sa iisang lugar.

Dumidilim ang kalangitan at may nagbabadyang masamang panahon.

Napalunok siya at nang susubukan niyang muling kumilos nakarinig siya ng kaluskos mula sa mga halamanan. Agad siyang napasulyap doon. Isa pang ingay mula sa malapit na agad siyang napasulyap sa direksyon na 'yon. Habang tumatagal lalong kumakalabog ang puso niya sa kaba.

Napasulyap siya sa isa pang direksyon at napatitig sa isang malapit na puno sa kanya. Mas kinagulat niya na may isang kamay ang lumabas doon at may hawak na espada. Dahan-dahan lumabas ang katawan nito na pinagtataguan.

Namilog ang mata ni Amber ng makita ang pamilyar na mukha ng kawal. Walang emosyon ang mata nito na siyang pinagtaka niya. Nakatitig ito sa kanya habang dahan-dahan naglalakad papalapit. Lalo niyang narinig ang kaba sa puso. Bigla niyang naalala si Santino. Dahil talagang kawangis ni Santino ang kakambal nitong kawala din.

"Sebastian?"

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now