Chapter 4

2.2K 94 30
                                    

Chapter 4

Taas-baba ang dibdib niya sa sobrang kaba at rinig na rinig niya ang kalabog ng puso. Nanginginig ang mga tuhod niya sa takot. Ilang pulgada na lamang ang layo ng tatlong aso at ipinikit ang mga mata. Pinagdadasal sa kanyang isip na wag siyang saktan ng mga nilalang na may matutulis na pangil.

'Please, wag naman po, please.'

Para na siyang mapuputlan ng hininga nang ilang segundo ng wala pa ring nangyayari. Napansin niyang parang tumahimik. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at nakita niyang nakaupo ang aso na sa paanan niya at bumalik uli sa iisang katawan habang may tatlong ulo.

Nagtaka siya at hindi alam kong bakit biglang naging maamo ito.

Muli siyang napasulyap sa unahan sa trono, kitang-kita ang pagkamangha ni Kairos habang nakatingin sa aso sa kanyang paanan at si Lucian naman matamlay pa rin ang mukha nito na para bang hindi na bago ang kinikilos ng aso niya.

"Mukhang mabait sina Bruno, Barnes at Bron sa kanya master?" Takang-taka pa rin si Kairos.

"Dahil wala naman siyang malaking kasalanang ginawa noong nasa lupa pa siya." Sagot ni Lucian.

"Inuulit ko hindi ako nababagay rito, kahit ibalik na lang ninyo ako sa tunay kong mundo at kahit na kailan hindi na ako babalik ditto." Bigla muling nag-echo ang boses ni Amber sa buong silid. May takot pa rin siyang nararamdaman dahil sa mga estrangherong kaharap at sa hindi pamilyar na lugar.

"Bakit ang kulit mo?" Tanong ni Kairos sabay ismid sa dalaga. Nakataas pa ang isang kilay nito at nakapamewang.

"Ikaw ba ang kinakausap ko, ikaw ba ang master ng lugar na 'to," sagot ni Amber habang nakataas din ang isang kilay niya, "wala kang galang, sabat ka ng sabat, wag kang epal."

Hindi makapaniwala si Kairos at agad na lumapit sa likuran ni Lucian. Umaktong parang bata, "narinig mo 'yon Lucian, inaapi niya ako, ipagtanggol mo ko sa kanya at wala pang kaluluwa na bumabastos sa 'kin ng ganito."

Bumaling si Lucian kay Kairos at sinamahan ng tingin.

Napaatras naman si Kairos at napalunok. "Sabi ko nga tatahimik na lang ako."

Muling humarap si Lucian kay Amber, "hindi nga maari binibini dahil namatay sa mismong mundo ng Erebus kaya mapupunta talaga ang kaluluwa mo rito. 'Wag mo nang ipilit ang gusto mo at makinig ka na lang sa amin. Ngayon..."

Tumayo si Lucian at kinumpas ang kamay nang biglang lumabas sa ibabaw ng kanang kamay nito ang makapal na libro, Kosang bumukas at huminto sa gitnang parte ng pahina.

"Kailangan mong isulat at lumagda ang pangalan mo rito sa libro." May diin ang mga salita nito na para bang sa palitan ang utos.

Umiling siya, "hindi ako lalagda dyan, ilang beses ko ba sasabihin na ayaw ko."

Kinumpas ni Lucian ang kamay at kosang nawala ang libro. Napapikit ang mga mata na para bang pinapakalma ang sarili at huminga ng malalim bago siya tuluyang idinilat ang mga mata.

"Tawagin ang mga kawal at dalhin siya sa ilang preso na sumaway sa batas natin." Utos ni Lucian.

Napangiti at para bang na excite si Kairos. Proud itong ngumiti sa gawi ni Amber, "mga kawal pakikuha ang pasaway na binibini na 'to."

Namilog ang mga mata ng dalaga lalo na nang makita tatlong kalansay na kawal na lumabas sa may kanang pasilyo. Napaatras siya at lumayo naman ang asong itim sa paanan niya. Mabilis na nakalapit sa kanya ang tatlo at agad na hinawakan ang magkabila niyang braso. Nagtaasan ang balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang kakaibang pagdikit ng mga buto nito sa balat niya.

"AHHHHHHH BITAWAN NINYO AKO!" Pagpupumiglas niya ngunit parang mga bingi at hindi siya pinakingan. Nagpadausdos ang mga paa niya sa madulas na sahig habang hinihila siya.

"Wag ninyong gawin sa 'kin 'to, pakawalan ninyo ako!" Sigaw niyang muli ngunit naglakad na palayo si Lucian sa may kanan. Kumaway-kaway naman si Kairos habang nakangisi sa kanyang pag-alis.

Napasulyap siya sa papasukan nilang pasilyo na sobrang dilim. Napasigaw siya nang tuluyang pumasok doon at nilamon ng dilim.

Pakiramdam niya pumikit siya ng ilang segundo dahil paglabas nila sa pasilyong 'yon lumabas sila sa isang lugara. Katulad ng lugar na nakita niya nong magising siya. Pero ang pagkakaiba nito maraming puno na puros may violet na dahon. May iilan lamang na roon at nilibot ang tingin.

Halos ang lahat ng mga ito'y malungkot at para bang miserable ang buhay nila ro'n.

Binitawan siya ng tatlong kawal na kalansay at nang maglakad ito sa madilim na parte ng lugar na 'yon bigla na lamang nawala ng parang bula. Huminto ang tingin niya sa binatang pamilyar sa kanya. Naningkit ang mga mata at naglakad ng kaunti para tingin kong tama ba ang kanyang nakikita. Nakayuko ito at malungkot ang mukha na nakatitig sa itim na damong kinauupuan nito.

"Santino?"

Nang tawagin niya ang pangalan nito agad din namang napalingon sa direksyon niya.

***

Kasalakuyan...

Nagising si Aero na mabigat ang kanyang pakiramdam, pinagpapawisan ng malamig ang kanyang mukha at ang itaas na bahagi ng katawan dahil wala siyang pang itaas na saplot. Ang lakas ng kabog ng puso niya dahil sa masamang panaginip.

Paulit-ulit at gabi-gabi niyang napapaginipan ang sinaryo kong saan napatay niya si Amber.

"Amber," bulong niya bago siya tuluyang bumangon.

Tuwing umaga, nagigising na lamang siyang ganito. Matamlay, takot sa kanyang puso, pagsisisi at pagod.

Napasulyap siya sa pintuan nang may kumatok doon.

"Mahal na hari, pinapatawag po kayo ng amang hari?"

Huminga muli siya ng malalim, "susunod ako," sagot niya bago siya umalis sa kanyang kama. Kinuha niya ang robang kulay maroon, sinuot ito at tinali sa may bewang. Paglabas niya ng silid wala na ro'n ang tagapagsilbing tumawag sa kanya. Naglakad siya sa may kanang pasilyo para makarating sa silid ng kanyang ama.

Simula rin ng digmaan laban kay Viktoria, maraming nagbago sa palasyo at pakiramdam niya mas naging malungkot ito. Marami nang nagbago sa Atohollo at patuloy pa rin niyang inaangat ang ekonomiya nito dahil sa gulong nangyari.

Ilang minuto lang nang makarating siya sa tapat ng silid ng ama. Hindi na siya kumatok, pinihit ang doorknob para mabuksan ang pintuan at tinulak papasok. Isa pa sa kinalulungkot niya na makitang unti-unting nakikita ang amang nakaratay sa kama na nanghihina.

May dalawang tagapagsilbing babae ang tumutulong at nagpapakain sa matandang lalaki.

Lumapit siya sa ama at bahagyang umatras ang dalawa para iwan silang dalawa.

"Umagang-umaga ama, anong kailangan ninyo?"

Hindi na gaanong maidilat ng mga matanda ng kanyang ama.

"Nagkaroon ako ng pangitain sa panaginip ko," garalgal nitong boses.

Dahan-dahan siyang naupo sa paanan ng ama, "lahat naman tayo ama nagkakaroon ng pangitain sa panaginip."

"Ngunit masama ang isang 'to kaya sana makinig ka, iligtas ang palasyo at ang kaharian."

Mas lalo niyang ikinabigla ang sunod nitong sinabi.

"Kailangan mo nang humanap ng bagong reyna at tutulong sa 'yo sa paghalili sa trono."

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now