Chapter 47

2.5K 88 4
                                    

Chapter 47 

Papalubog na ang araw, naghahalo ang liwanag ng araw, ang kadiliman at lalong lumalamig ang simoy ng hangin sa paligid. Hapon na ng ipahinto si Brennon sa pagbubungkal, uunat-unat itong naglakad katabi si Amber at nakasunod lang sila kay Brennon.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Amber.

"Okay naman ako binibini parang na bigla ata ang katawan ko sa pagbabanat ng buto pero magiging maayos ako, ikaw po ba kamusta na po ba kayo?"

Tumango-tango naman si Amber, "oo naman."

Nang makabalik sila sa village nag-uumpisa na silang kumain dahil tapos na silang magluto, napansin ni Amber na nagtutulungan ang lahat sa paghahanda ng pagkain at lahat ng taga-village ang mapapakain ng kanilang ginagawang pagkain. Mga prutas sa lamesa, mga inihaw na isda, karne, sabaw at tinapay.

Huminto ang binata kaya napahinto rin sila at humarap sa kanila.

"Pwede kayong makisalo sa amin at wag kayong mahiyang kumuha ng pagkain ninyo," sabi ni Brennon.

"Oo, salamat."

Lumayo na ang binatang si Brennon at naglakad papunta kila Minerva. May sinasabi ito, ilang beses itong napatango at napasulyap sa gawi nila saka muling binalik ang tingin kay Brennon.

Hindi na lang pinansin nila Amber at Santino ang dalawa.

Pumunta sila sa gilid at malayo sa umpukan para maupo sa harap ng lamesang gawa sa bato pati rin ang upuang ginamit nila.

"Mukha naman silang mabait," wika ni Santino.

Tumango-tango si Amber habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro at ang ilang kakabaihang masayang nagkwentuhan habang nag-aabot ng pagkain.

"Oo, hindi naman nila tayo sinasaktan eh." Utas ni Amber.

Napabuntong-hininga si Santino kaya napalinga ang dalaga sa kanya.

"Gutom ka na ba? Ako na lang ang kukuha ng pagkain natin."

Bahagyang napaawang ang labi ng binata, "pero binibini hindi ka naman tagapagsilbi."

Ngumiti si Amber at tumayo, "sige na, wala naman akong ginawa kanina diba mas nagpagod ka at naghirap kaya ako na lang."

"Maraming salamat po."

Ngumiti si Amber bago n'ya iwan ang binatang kawal. May ilang taga-tribo na umiilag sa kanya sa hindi malamang dahilan ngunit hindi na lamang n'ya pinansin at napasulyap sa gawi ni Yohan na papalapit sa kanya.

"Ate kain tayo dali," saka s'ya hinawakan sa kamay at hinila papalapit sa mahabang lamesa.

Binigyan ni Yohan si Amber ng platong gawa sa kawayan, "salamat."

Mas lalong natakam si Amber nang makita n'ya sa malapitan ang mga pagkain. Una s'yang kumuha ng prutas at ilang piraso ng inihaw na isda. Ngunit natigilan s'ya nang mabungo ang balikat n'ya sa katabi.

"Pase..." Nahinto s'ya ng mapansin ang nakangising binata sa kanya, si Darius.

"Ang magandang binibinibi pala 'to," wika ng binatang nakangisi sa kanya.

Masyadong mayabang ang dating ng binata sa kanya kahit magsalita o ngumiti ito sa kanya. Napataas ang isang kilay n'ya.

Magsasalita pa sana si Amber nong may sumingit sa gitna nila at hinarang si Darius. Napaatras s'ya at nakita si Brennon na may inaabot. Sinamaan ng tingin ni Darius si Brennon. Para bang may hinahanap si Brennon habang naglalagay ng pagkain sa platong kawayan at walang pakialam sa mga katabi.

"Ano bang problema mo, hindi ka ba marunong magsabi?" Inis na tanong ni Darius.

Humarap si Brennon kay Darius ng makakuha ng mansanas, "nagmamadali kasi ako gusto kasi ni Minerva."

Napaismid na lamang si Darius bago s'ya umalis. Humarap naman si Brennon kay Amber at saka nilagay ang mansanas sa plato ng dalaga. Nabigla naman si Amber.

"Teka anong ginagawa mo?"

"Kumain ka ng marami kailangan mo 'yan wala ka ng pwedeng maging dahilan para hindi ka magtrabaho at baka sabihin ng binatang kasama mo na pinapabayaan namin kayo rito."

Tumaas ang isang kilay ni Amber, "anong ibig sabihin mo na gumagawa lang ako ng dahilan?"

"Bakit hindi ba? Ang sabi nga ng kasama mo asawa ka ng hari sa malamang reyna ka at hindi sanay sa mga Gawain pero rito hindi ka reyna kong di alipin."

Nakaramdam ng inis si Amber kay Brennon, kinuha ang mansanas at binalik sa binata, "sa 'yo na lang at hindi ko kailangan 'to." Tumalikod si Amber at nilagpasan si Brennon, nakasunod naman si Yohan sa dalaga at pagkatapos ni Amber makakuha ng pagkain nagpasalamat s'ya kay Yohan.

Ngunit hindi pa rin umaalis ang binata roon at napasulyap sa dalawang plato na hawak ni Amber.

"Hindi ko alam na ang reyna na pala ang nagsisilbi sa kanyang tagapagsilbi."

Napapikit s'ya at muling idinilat ang mata. Humarap s'ya kay Brennon na nanatiling nakatingin sa kanya.

"Pwede bang wag mong pakialaman kong ano ang ginagawa mo," wika ng dalaga. Hindi na n'ya hinintay pa ang sasabihin ng binata at umalis na. Bumalik s'ya sa lamesa nila ni Santino at nakakunot-noo ang binata sa kanya.

"Anong nangyari sa 'yo binibini at parang hindi maipinta ang mukha mo?"

Padabog na ipinatong ni Amber ang plato sa lamesa na s'yang kinagulat ni Santino at napangiwi.

"Galit ka ba sa 'kin?"

Padabog na umupo si Amber, "hindi sa 'yo, sa binatang 'yon."

Napasulyap naman si Santino sa nakatayong si Brennon sa di kalayuan na panay ang sulyap din sa puwesto nila bago binalik ang tingin sa dalaga.

"Nainis ka rin naman ng ganyan noon kay Aero."

Natigilan si Amber sa sinabi ni Santino at napagtanto n'yang tama ang binatang kawal.

Pinilit n'yang ibaling sa iba ang atensyon n'ya at sinabayan na sa pagkain ang binata. Nang matapos sila agad naman nilang binalik ang pinagkainan sa mga tambak ng plato. Nakita nilang nakatayo malapit doon si Minerva at Brennon. Aalis na sana sila ngunit nagsalita si Minerva.

"Sandali lang mga alipin."

Agad silang napaharap sa dalagang walang emosyon.

"Kayo ang maglilinis at maghuhugas niyan sa ilog." Dagdag pa nito.

Napasulyap sila sa gawi ng mga tambak ng plato at mga lalagyan ng pagkain. Napaismid si Amber na sa dami nu'n mukhang hindi sila makapagpahinga ng maaga sa gabing 'yon at wala silang magagawa dahil alipin sila. Wala pang ilang minuto na dala-dala na nila ang mga kumpol ng mga plato papuntang ilog na tinuro sa kanila. Gabi na at nakaramdam ng takot si Amber sa paligid.

"Grabe naman 'to," bulong ni Santino ng mailapag sa lupa ang mga plato malapit sa ilog.

Nagkipit-balikat na lamang ang dalaga, "wala tayong magagawa eh, alipin nila tayo."

Napabuntong-hininga si Santino. Napasulyap si Amber sa paligid na puno ng mga punong-kahoy na nagtataasan at hindi makatitig ng matagal sa mga madilim na parte ng mga kagubatan.

"Binibini," tawag ni Santino sa kanya. "Hindi kaya ito na ang pagkakataon natin para makatakas tayo."

Napalingon agad si Amber kay Santino at tumayo, "pero paano natin 'yon gagawin?" Bumilis na lamang ang tibok ng puso n'ya.

Hinawakan s'ya ni Santino sa kamay, "halika na."

"Paano---"

"Basta habang wala pa sila." Hinatak na s'ya ni Santino papasok sa madilim na kagubatan.

Kidnapped by Mistakeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن