Chapter 56

2.5K 107 25
                                    

Chapter 56

Nang dalhin ang binatang natagpuan nila ni Yohan sa ilog agad naman itong pinasok sa kubo ng nanang n'ya. Nag-aalala s'ya para sa binata lalo na't makitang naghihingalo at namumutla ang itsura ng balat. Inabot n'ya sa nanang ang hinihingi nitong tubig na pinakuluan ng halamang gamot para sa binata at pati na rin ang pamunas nito.

"Magiging ayos po ba s'ya nanang?" Tanong ni Minerva sa kanyang lola habang pinapanood ang matanda na pinupunasan ang kamay ng binata at braso.

"May itim na mahikang bumabalot sa kanya." Narinig n'ya ang garalgal na boses ng matandang babae.

Matagal ng may mahika at marunong sa panggagamot ang nanang n'ya gamit ang mga elemento sa paligid. Marunong bumasa ng hangin at sa paligid mga bagay na hindi n'ya nakuha.

"Taga-saan po ba s'ya at mukha s'yang maharlika? Alam ninyo po ba?"

"Apo, mukhang galing s'ya sa malayong lugar ngunit nararamdaman kong maharlika nga s'ya. Nararamdaman ko ring may kinalaman si Viktoria kong bakit nandito ang binatang 'to sa atin."

Natigilan si Minerva at naalala ang kwento sa kanyang mga magulang at nanang n'ya tungkol sa salamangkirang si Viktoria. Isang ambisyosang babae na kapatid ng kanyang nanang na sanang mamumuno noon sa tribo nila ngunit hindi ito ang pinili, naggalit ito sa tribo nila at nagpakalayo-layo. Ang pagkakaalam n'ya si Viktoria rin ang may kasalanan, nilalason ang isip ng mga taong nakapaligid sa kanya para sugurin ang tribo nila at gawing masama sa mata ng lahat. Matindi ang galit ni Viktoria lalo na sa nanang n'ya dahil na rin sa ingit. Si Viktoria rin ang may kasalanan kong bakit namatay ang mga magulang n'ya at naiwan sa kanya si Yohan.

Sabi ng kanyang nanang sa oras na makakuha s'ya ng mapapangasawa maaring maipasa sa kanya ang trono bilang lider ng tribo kahit na wala s'yang kakahayan sa mahika ngunit wala pa s'yang napipiling binata na hahalili sa kanya.

Muli s'yang napasulyap sa binatang wala pa ring malay, pumasok sa kanyang isipan na bakit hindi na lang ang binata ang pakasalan n'ya para makuha n'ya ang trono sa tribo at pamunuan ang lahat?

"Kailangan natin s'yang pangalagaan habang nandito s'ya sa atin at malaki ang magiging ambag n'ya sa tribo natin. Isang malapit sa kanya ang maaring magbalik at mailigtas s'ya sa kapahamakan ng itim na mahikang bumabalot sa kanya."

Hindi n'ya maintindihan ang sinasabi ng kanyang nanang isa lang din ang gusto n'yang mangyari ang maging ligtas ang binata.

Ilang araw nilang inalagaan ang binata hanggang sa magising na s'ya mismo ang nagbabantay.

Kakatapos lang n'yang punasan ang binata ng mapansing nakadilat na ito at nakatingin sa kisame ng kubo. "Gising ka na," wika ni Minerva.

Napansin n'ya ang takot sa mukha ng binata at normal sa isang nilalang na hindi alam kong na saan s'ya.

"Sino ka?" Sabay linga sa paligid ng loob ng kubo, "na saan ako?" Halata sa boses ng binata ang panghihina.

Napakunot-noo ang dalagang si Minerva dahil para bang batang paslit na walang maalala ang binata at sumagi sa kanyang isipan na maaring dahil ito sa itim na mahikang bumabalot sa binata, 'yon ang pagkakasabi ng nanang n'ya sa kanya.

"Bago kita sagutin sa mga katanungan mo ginoo, sino ka muna?" Gusto n'yang subukan kong totoo nga wala itong maalala.

Naningkit ang mga mata ng binata at bumabalik na rin ang tunay nitong kulay. Animoy para bang napaisip ang binata sa tanong na 'yon.

"Sino ako?"

Mabilis na sumagot si Minerva, "ikaw si Brennon," umaksyon s'ya sa bagay na hindi humihingi ng pahintulot sa kanyang nanang.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now