Chapter 43

819 36 12
                                    

Chapter 43

NAPABALIKWAS ng bangon si Amber mula sa pagkakahimbing ng magkaroon siya ng masamang panaginip tungkol kay Aero. Napakabilis ng pangyayari at hindi na niya naintindihan ang nangyayari sa loob ng panaginip. Para bang totoo ang lahat, sunod-sunod na panaginip ang kanyang nakikita sa tuwing pinipikit niya ang kanyang mga mata at halos tungkol ito sa binata.

Isang babae ang naghahari ngayon sa Atohollo na may masamang balak sa kaharian. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha ngunit dalawang babae ang nakikita niya at dalawang boses ang naririnig niya. Parehong may masamang binabalak. Nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng isang masamang nilalang na nang galing sa Surtar at pakiramdam niyang nakasalamuha niya kung sino man 'yon.

'Hindi kaya isa 'to sa babala ni Minerva at Kairos nong isang araw?' Tanong ni Amber sa kanyang sarili. Dahil simula nong huling nakipagkita si Helena sa kanya sa kakahuyan do'n din nag-umpisa ang sunod-sunod na babala ng dalawa. Walang bumababa mula sa bundok at walang lumalabas na taga-tribo dahil may nangyayaring masama sa bayan na hindi na dapat silang madamay pa. Ngunit halos isang linggo na silang naroroon at wala na siyang nalamang anumang balita.

Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nu'n. Pero hindi maiwasang hindi siya mag-aalala para sa binata. Natigilan siya sa pag-iisip, matagal na nilang tinapos ang sa kanila at sa binata mismo nang galing ang tungkol do'n. Hindi siya ang pinili ngunit naiinis siya na kahit sa panaginip nakikita pa rin niya ito. Alam niyang hindi madali ang lahat at mahirap kalimutan kung ano ng aba ang pinagsamahan nila. Na-miss pa rin niya ang binata katulad ng dati at sa tuwing naiisip niya ito lalo lang siyang nalulungkot.

Sinasanay pa rin niya ang sarili sa kapangyarihan na bigla niyang nakuha at sinasanay din niya ang sarili sa pagpapalabas ng kapangyarihan o ng sandata niya ngunit hindi pa siya gaanong gamay ang kakayahn kaya nakamasid sa kanya si Kairos.

Naghanda na siya para sa kanyang sarili nong umaga na 'yon at para na rin sumabay sa agahan kila Minerva. Pagkalabas niya kanyang kubo'y agad ding siyang dumiretso sa kubo kung na saan sila Minerva. Hindi pa siya nakakapasok nang makarinig siya ng dalawang boses na nagtatalo mula sa loob. Napabuntong-hininga siya nang malamang nagtatalo na naman si Kairos at Minerva. Simula nang mamalagi ang binatang taga-kabilang buhay hindi na nagkasundo ang dalawa.

"Kung ako sa 'yo lumayas ka na rito!" Sigaw ni Minerva at halatang galit na galit na naman ito. Na isip ni Amber na nag-umpisa na naman ito sa maliit na bagay katulad nong nakaraang nagtalo ang dalawa dahil lang sa plato.

"Ikaw, ang lumayas dito!" Sigaw pabalik ni Kairos, "kala mo kung sinong magaling!"

"Ako ang pinuno rito kaya ako ang may karapatan na magpalayas dito at hindi ikaw! Minamalas ang tribo simula ng dumating ka!"

"Bakit ako ba ang may kasalanan kung bakit walang malay ang lalaking yan?" Sigaw muli ni Kairos.

Nagtaka na si Amber kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawa. May ilang nasa loob ngunit hindi niya makita kung anong meron. Dahil sa pagtataka at pagtatanong sa sarili. Pumasok siya sa loob at binigyan naman siyang daan ng mga naroon. Nakaharang ang dalawa na nagtatalo pa rin sa isang binatang nakahiga sa isang papag. Biglang kinabahan si Amber nang makitang pamilyar ang suot nitong kasuotan at balote.

Wala na ang atensyon niya sa nagtatalong dalawa at dahan-dahan siyang lumapit sa lalaking nakahiga sa papag. Tuluyan siyang nakalapit at natigilan ang dalawa nang pumagitna siya sa mga 'to. Nagulat siya at hindi inaasahan na makikita si Sebastian na walang malay sa harapan niya.

"Bu-buhay pa ba siya? A-anong nangyari sa kanya?" Nanginginig na tanong ni Amber at muling sumagi sa kanyang alaala ang panaginip niya at si Aero.

"Nakita siya ng mga nagbabantay sa paligid, wala na siyang malay ng datnan siya sa labas may tama siya sa likod, nong dalhin siya dito kaninang madaling araw, tinatawag niya ang amo niya, si Aero at hanggang sa mawalan na nga siya ng malay. Hindi ka namin ginising kasi---"

Natigilan ang lahat at nagulat lalo na si Minerva sa paliwanag niya nang biglang bumangon si Sebastian. Napaatras ang tatlo at gulat na gulat na nakatitig sa binatang heneral. Hingal na hingal ito at pawisan. Nang makaramdam ng pananakit ng katawan ay agad din itong humiga uli habang nakangiwi ang bibig.

Unti-unting sumulyap si Sebastian sa kanila nang mapatitig ito kay Amber bigla nitong naalala ang lahat, "ang hari, na saan ang hari?" Bigla na lamang itong natakot sa pag-aalala.

"Na saan si Aero?" Nag-aalalang tanong ni Amber kay Sebastian.

"Papatayin siya ni Helena, baka nakuha siya, sakay siya ng kalesa, kailangan kong mahanap ang hari..." sinubukang tumayo ni Sebastian ngunit hindi niya nagawa dahil sa sugat at panghihina, "tulungan mo ko, hanapin mo ang hari," pagmamakaawa ni Sebastian kay Amber.

Hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang binata. May hindi man sila pagkakaintindihan ngunit gugustuhin pang nasa mabuting kalagayan si Aero kesa na malamang nasa panganib ito. Hindi niya maikakaila sa sariling sobra pa rin siyang nag-aalala lalo na't sa nangyayari ngayon.

"Kailangan nating mahanap si Aero," 'yon na lamang ang nasabi niya.

Tumango si Minerva, "tutulong ang tribo," sabi nito.

Isa-isa silang lumabas ng kubo. Pinigilan ni Kairos sa paglalakad kaya muli siyang humarap sa binata.

"Bakit?" Tanong niya habang nakakunot-noo.

"Nag-aalala ka pa rin ba sa kanya?" Tanong ng binata sa kanya.

Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong na 'yon. Ngunit parang alam na ng binata ang kasagutan kahit na hindi siya magsalita.

"Ang akala ko ba kakalimutan mo na siya, bakit..."

"Saka na natin 'to pag-usapan, 'pag nahanap na natin siya," sabi ni Amber at saka niya iniwanan mag-isa si Kairos doon.

GUMAWA ng kanya-kanyang grupo sila Minerva at Amber sa paghahanap kay Aero. Hindi rin sigurado kung makikita ba nila si Aero sa paligid o kung malapit lang ba ito. Pero nagbabasakali sila na mauunahan nila ang kalaban at nasa ligtas itong kalagayan. Halos isang oras na rin silang naghahanap at palayo na rin sila nang palayo sa tribo. Sakay si Amber ng kanyang kabayo na naglilibot sa kakahuyan at mahigpit din niyang hawak sa kaliwang kamay ang espada niya.

Nakarinig siya ng kaluskos at ingay ng isang kabayo sa di kalayuan. Maingat niyang pinalakad ang kabayo at sinundan ang ingay. Unti-unti siyang nakalapit sa ingay hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang nakahintong kalesa habang kumakain ng damo ang kabayong itim na nakakabit doon.

Bumaba siya sa kabayong sinasakyan niya at hinanda ang sarili sa paparating na kalaban. Palinga-linga siya at pinakiramdaman ang sarili. Maliit lamang ang kalesa at nakabukas na ito. Sinilip niya ang loob ngunit wala naman itong laman ngunit may isang piraso ng itim na sapatos na pang lalaki.

Nagulat siya at napasigaw nang may humawak sa paanan niya. Dahil sa pagkabigla agad niya itong sinipa sa braso at lumayo. Narinig niya ang singhal nang masaktan niya ito. Natauhan lang siya nang isang pamilyar na pigura ang nakadapa sa harapan niya. Gumagalaw pa ito at pilit na gustong tumayo. Gula-gulanit ang suot na damit at nababalutan ng dumi ang buong katawan.

Agad siyang lumapit nang bitawan ang espada at pinatihaya niya ito. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino ito, "Aero?" Bumaba siya at kinuha ang binata. Pinaunan niya ang ulo nito sa binti niya habang hawak ang mukha. Hindi na makadilat ang binata, namumutla, tuyo at sugatan ang labi. Mabagal ang paghinga at hindi namalayan ni Amber na pumapatak na ang luha niya sa awa.

Nawalan na lang bigla si Aero habang nasa bisig niya at pilit niyang tinatapik ang mukha nito para magising, "Aero, gi-gising, gumising ka," nanginginig na boses nito habang nagmamakaawa. Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito.

Kidnapped by MistakeWhere stories live. Discover now