Chapter 39

2.6K 104 18
                                    

Chapter 39

Nakatulala si Amber sa sariling repleksyon n'ya sa harap ng salamin. Nakasuot s'ya ng kulay asul na bistida na may makapal na palda at short sleeve. Napapalumitian ito ng mga diyamante at bulaklak na maliliit sa ibaba. Hanggang sahig ang haba nito, hindi s'ya makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal s'ya at sa mismong kapatid pa ni Aero. Hindi n'ya mabasa ang sarili n'yang eskpresyon at hindi na rin n'ya maintindihan ang kanyang sarili sa mga nangyayari.

Kahit na tapos na s'yang ayusan at lagyan ng kulay sa kanyang mukha hindi n'ya maiwasang maging emosyunal. Ngayong gabi magaganap ang pagkorona sa bagong hari at pagkatapos nito ang kasal nila ni Edward.

Humingi s'ya ng tulong kila Santino dahil ito lamang ang karamay n'ya sa loob ng palasyo ngunit wala rin itong magagawa sa naging pasya ng lahat lalo na ng konseho. Walang kapangyarihan ang binata at isa lamang hamak na kawal sa palasyo.

May kumatok sa pintuan ngunit hindi sumagot si Amber.

"Mahal na reyna, mag-uumpisa na po ang siremonya, kailangan na ninyong lumabas," wika ni Santino mula sa labas ngunit hindi s'ya sumagot sa tawag ng binata.

Dahan-dahan n'yang pinunasan ang luha para hindi masira ang ayos sa mukha. Dahan-dahan s'yang tumayo at pumunta sa pintuan. Binuksan n'ya ito at nakita n'ya ang kambal na kawal na naghihintay sa labas. Ngumiti si Santino sa kanya ngunit may lungkot sa mga mata nito.

"A-ang ganda po ninyo mahal na reyna," papuri ng binata sa kanya.

Hindi n'ya magawang ngumiti o tumawa sa sinabi ng binata. Kong normal na araw lamang ito baka matuwa s'ya at isiping binibiro lamang s'ya ng binata. Nawala ang ngiti sa labi ng binata at napayuko.

"Patawad po at wala akong nagawa para tulungan kayo."

Umuling si Amber, "ayos lang."

"Bakit hindi na lang natin s'ya itakas?"

Napasulyap si Amber kay Sebastian na minsan lang magsalita at ito muli ang pagkakataon na marinig ang boses ng binata. Kahit ang kakambal nito'y nagulat sa suwestyon n'ya.

"Hindi na kailangan, maraming salamat, hindi pwedeng mapahamak kayo dahil sa 'kin, ngayong wala na si Aero, kayo na lang ang meron ako, kaya ayos na lang na bantayan ninyo ako."

"Maghihintay uli tayo ng pagbukas ng lagusan at gagawa tayo ng paraan para makauwi na po kayo sa inyo, mahal na reyna," wika ni Santino.

Hindi alam ni Amber kong makakauwi pa ba s'ya ng buhay sa kanila, tumango na lamang s'ya sa dalawa. Saka lang sila naglakad pababa at pumunta sa bulwagan. Maraming naging panauhin ng koronasyon sa gabing 'yon kahit na may nangyayaring suliranin sa labas. Mga ilang hari at matataas na kilala sa iba't ibang kaharian ng buong Erebus ang dumalo.

Nong hudyat na dumating at makompleto ang lahat nag-umpisa na ang siremonya. Nakasuot ng eleganteng kasuotan si Edward at kitang-kita ang sigla sa mukha nito sa mga ngiti na binibigay n'ya sa lahat lalo na ang inang reyna. Nagkaroon ng basbas bago s'ya sinuotan ng kappa sa likuran at sinuot ang korona sa kanyang ulo. Isang masigapong palakpakan ang narinig sa buong bulwagan nang isigaw ang pangalan ng bagong hari.

"Ang bagong hari ng Atohollo, si haring Edward!"

"Mabuhay si haring Edward ng Atohollo!"

Sumunod na pagdiriwang ang magiging kasal nila Amber at bagong hari. Gustong tumakbo at tumakas Amber kahit napapalibutan sila ng mga kawal. Kaharap ang isang pare para sa pagbabasbas ng kanilang sagradong pag-iisang dibdib hindi magawang ngumiti ni Amber, hindi ganito ang pakiramdam n'ya nong kinasal s'ya noon kay Aero kahit na hindi pa sila noon nagkakaintindihan. Nanginginig ang mga kamay n'ya at gustong maiyak ngunit pinipigilan n'ya.

"Wag mong subukan na ipahiya ako," bulong ni Edward sa kanya nang matapos ang basbas at isigaw ang anunsyo sa lahat na sila'y bagong kasal.

Sinamaan n'ya ng tingin ang binatang nanunood na nakangiti sa lahat. Hindi s'ya makapaniwala na ito pala ang tunay na ugali ng binata.

"Nakakasuklam 'yang pag-uugali mo," bulong ni Amber habang nanggigigil sa kanyang kinauupuan.

Hindi s'ya pinansin ng binata at napasulyap s'ya baba kong na saan si Santino na nagbabantay para sa kanya. Nakakuyom ang mga kamao nito habang nakatingin sa bagong hari ng masama.

"Kailangan mo nang matulog sa silid kasama ako simula ngayong gabi."

Nagulat s'ya sa sinabi ng binata, "a-ano?" Habang nanglalaki ang mga mata nito.

"Kong hindi ninyo nagawa ni Aero na magkaroon ng anak para sa susunod na tagapagmana pwes kailangan nating gawin 'yon para sa ikakaganda ng palasyo at kaharian."

"Ayoko," nanggigigil na wika ng dalaga.

May ilang nakakapansin na bisita kong paano sila mag-usap ng binata at ilang pinag-uusapan sila.

"Sumunod ka na lang sa 'kin kong ayaw mong ilabas ko ang baho mo sa lahat." Dagdag pa ng binata.

Ang bilis ng tibok ng puso n'ya at nagpupuyos s'ya ng galit sa binata.

Natapos ang kasiyahan, dumiretso si Amber sa kanyang silid para magpahinga at para rin magtago sa binata. Ayaw n'yang sumunod sa gustong mangyari ni Edward. Ngunit kakatapos lamang n'ya magbihis at maglinis ng katawan nang makarinig s'ya ng katok mula sa labas.

Hindi na s'ya nagdalawang isip at pinagbuksan kong sino 'yon. Laking gulat n'ya na si Edward ang nasa labas at nakasuot na ito nang pantulog. Hindi n'ya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito nang bigla na lamang s'ya hilahin sa kamay palabas ng silid n'ya.

Nagulat s'ya sa ginawa ng binata at halos matumba s'ya sa pagkakahila ngunit nakabalanse s'ya.

"Ano ba, bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!"

Mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanya.

"Ano bang sinabi ko sa 'yo kanina? Ang sabi ko sa silid ko ikaw matutulog simula ngayong gabi!"

"Hindi ako matutulog kasama mo sa iisang kama! Ano ba bitawan mo ko!"

Binitawan s'ya ni Edward at humarap sa kanya na nanlilisik ang mga mata.

"Asawa na kita at hindi si Aero kaya susunod ka kong anong gusto ko!"

Dahil sa galit hindi na n'ya napigilang sampalin ang binata.

Napabaling ng bahagya ang ulo ng binata sa ginawa n'ya at nagulat sa nangyari. Saka lang s'ya natauhan sa ginawa n'ya at nanglalaki ang mga mata n'yang nakatingin sa binata. Muling binalik ng binata ang mga titig sa kanya.

"Pa-patawad," umiiling s'ya, "hi-hindi ko sinasadya," sabay kagat n'ya sa ibabang labi.

Hinihimas ng binata ang mukhang pinagsampalan n'ya. Ramdam din ni Amber na para bang kumapal ang balat n'ya sa kanan n'yang palad sa pagkakasampal sa binata.

"Bigyan mo man lang respeto ang pagkatao ko," nanginginig na wika ni Amber.

Taas-baba ang balikat ng binata na para bang nagpipigil ng galit, "hindi ko alam na kahit patay na s'ya mahihirapan pa rin pala akong kunin ka sa kanya," makahulugang wika ng binata.

Umiling si Amber, "kong ano man 'yang meron sa 'yo, kahit na kailan walang pwedeng pumalit kay Aero sa puso ko," sabay sa pagbagsak ng luha ni Amber.

Nakaramdam ng konsensya si Edward sa kanyang ginawa at para bang gusto n'yang patahanin ang dalaga dahil sa kanyang ginawa ngunit minabuti n'yang iwan muna ito.

Kidnapped by MistakeМесто, где живут истории. Откройте их для себя