Chapter 5: Elena

273 136 262
                                    

A/N: Here is chapter 5.  Warning, some scenes in this chapter contains mature content that involves psychological trauma. Read at your own risk. Enjoy reading!

***********************

Pagsarado ko ng pintuan, sa bahay nakasalubong ko si Nanay Aning nakaupo sa sala, mukhang galit na galit. Naalala ko na hindi ako kaagad nakapagtext sa kanya kanina. Dumapo ang aking paningin sa kanyang mga mata animo'y kalamado ngunit nanlilisik. Napalunok ako nang malalim, at dali-daling dumertso sa kanya.

"Mano po, nay," ukol ko, sabay mano kay lola. Umupo ako sa bakanteng upuan, dahil alam ko na pagsasabihan ako ni nanay. Napatingin ako sa mga kamay ko at tinago ko ang isang kamay na may galos sa aking uniporme.

Tinaas niya ang kanyang kilay. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Hindi ka man lang nagtext sakin at ilang beses akong tumatawag sa iyo, Elena."

Lumakas ang kutob ng puso ko. Minsan lang akong tawagin ni Nanay na Elena, at kapag tinawag niya ako nito, alam ko na galit siya o pagsasabihan niya ako. Yumuko at sa kanya at sumagot, " Sorry po nay, nagka-akss-ide-nte po kaya hindi po ako nakapagtext o nakatawag po sa inyo."

Nagbuntong hininga si Nanay Aning. Inimuwestra niya ang kanyang mga kamay sa dibdib. "Dapat man lang tumawag ka. Matagal akong dito naghihintay sa iyo kakaisip kung may nangyari sa iyo. Muntikan ko na ngang tawagan si Mrs. Ramos," paliwanag niya.

Napalunon ako. Naramdaman kong nanginig ang buong kalamnan ko sa loob. Inilapit ko ang dalawa kong binti sa akin, at inipit sa akin palda.

Hinawakan ko ng mahigpit ang ang aking kamay at sinabi kay nanay, "W-wala naman pong n-nang-y-yari nay."

Tumikhim ako at tinuloy ang pagsasalita, "Nagka-problem lang po kami sa pagrelease ng newspaper kaya po ako natagalan umuwi. Inayos pa po kasi namin. Sorry po kung hindi po ako nakapagpaalam sa inyo," sagot ko sa kanya, na pilit kong pinipigilan ang sarili ko na umiyak.

Tiningnan ko si Naynay Aning. Nakita kong biglang gumaan ang kanyang mukha ng sabihin ko iyon. Tumayo siya sa kanyang upuan at sinabihan ako, "Basta sa susunod anak magpaalam ka sa akin, anak, kung uuwi ka ng late na."

Tumungo ako sa kanya ang ngumiti ng pilit. " Opo, nay. Pasok lang po ako sa kwarto. Magbibihis lang po ako," sabay sabi ko.

Dumeretso ako sa kwarto at sinarado ang pintuan. Pumunta ako sa banyo, nagtanggal ng damit, at pumasok sa loob ng shower. Pagbukas ko ng shower, dumanak ng malakas ang malamig na tubig. Naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan habang niyayakap ako nito sa kanyang malamig na agos.

 Pagkatapos nito, inikot ko ang kontrapsiyon sa heater. Unti-unting naramdaman ko ang init nito nang mga ilang sandali pagkatapos kong kumuha ng sabon. Kinuskos ko ang aking katawan nang maigi hanggang sa maramdaman ko ang sakit at hapdi nang marahas ko na paghilod rito. Animo'y parte nang aking katawan ay gustong alisin ang mga natitirang alala ng kanyang mga hawak sa akin. 

Biglang dumulas ang sabon na hawak ko at nahulog. Nang pagkakuha ko dito, nadulas ako sa sahig at napa-upo, umiiyak. Sumandal ako sa pader at naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. Tinklop ko ang aking mga paa at inikot ko ang aking mga braso sa aking sarili. Nasusuka ako sa tuwing naalala ko ito. Wari'y ramadam ko ang pagkadiri ko sa aking sarili. 

Gusto kong sumigaw. 

Gusto kong magalit. 

Ngunit, alam kong hindi ko magawa. Iniyuko ko ang aking ulo hangga't naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagbuwal ng mainit na tubig. Kinuha ko ulit ang sabon sa sahig at kinuskos ko sa aking katawan.Nagsilakbo ang aking mga luha na tila'y walang humpay sa pagbagsak nito tulad ng pagbuhos ng galit na mga ulan. Naramdaman ko ang pag-init at pagnginig ng aking buong katawan sa init at sa lamig ng tubig. Yinakap ko ang sarili ko ng mahigpit at humagulgol ng malakas.

Sincerely, ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon