Chapter 13: Elena

218 98 196
                                    

Napatitig ako sa kanyang mga mapupungay na mata habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Palubog na ang araw at palalim na an gabi. Mataimtim na ang lugar sa daan na animo'y ugong ng hangin na humahampas sa mga puno ang tanging naririnig. Tumingala ako sa kanya at pinagmasdan siya ng matagal. Tila bakas sa kanyang mukha ang kaba.

Pagkapatapos ng araw nang kanyang pag-amin, madalang na kaming mag-usap. Tila ang isang bukas na pintuan sa amin gitna ay nasarado ulit. Hindi ko rin alam kung paano siya kakausapan o haharapin. Sa totoo lang, laking kaba sa akin na ipagpatuloy ang amin tutoring sessions. I don't know how to react or what to tell him. Paano nga ba gumalaw sa taong umamin sa'yo? Paano nga ba harapin ang taong nahuhulog ka na rin. Paano nga ba sasabihin sa kanya ang rason kung bakit hindi pwede?

Marami akong katanungan na hindi masagot. Sa tuwing nakikita ko siya, ramdam ko ang kirot sa aking bumabagabag na puso.

Lumihis ang aking paningin at dumaan sa kanyang mga labi. Napalunok ako ng malalim nang maalala ko ang alalaang hinalikan niya ako. Napahawak ako sa aking mga labi at napakagat. Binaling ko ang tingin sa kanya at humarap sa aking dinadaanan.

Nagsimula ng mabalutan ng dilim ang kapaligiran. Napahawak ako sa aking bag ng mahigpit at napalakad ng mabilis at hinabol ang kanyang mabilis na yabag.

"Madilim na,"bigla kong napasabi.

Lumingon siya sa akin at sumagot, "Bakit pala walang streetlights sa inyong lugar? Lalo't na nakakatakot dito 'pag gabi."

Kumunot ang aking noo. "Sa aking pagkakaalam, matagal na talagang walang ilaw ang mga streetlights namin dito. Hindi ko alam kung bakit hindi nila binibigyan pansin lalo't na na pwedeng maraming madisgrasya dahil dito."

"Marami bang naaksidente?" tanong niya na may pagtataka.

"Mayroon. Si Tatay Nicanor." Tinuro ko ang bahay sa kaing kaliwa na malapit lang sa amin. "Pauwi na raw siya no'n gabi na nang biglang may lumikong motor at nabangga siya."

"Anong nangyari sa kanila? Parehas ba silang nasugatan?"

Tumungo ako. "Oo eh. Pero mas grabe lang ang natamo ni Tatay Nicanor kasi napilay siya. Nakakaawa nga dahil meron pa siyang anak na babaeng pinapaaral," malungkot kong na-ikwento.

"At ngayon ano'ng trabaho niya?"

"Nagtitinda ng kung ano-ano para mapa-aral si Maricris. Ang mabuti na lang kamo ay nabigyan sustento sila ng nakabangga sa kaniya," dagdag ko.

"Kasing edad ba natin 'yong anak niya?" tanong niya ulit.

"Hindi mas matanda tayo ng tatlong taon," sagot ko.

Napakunot siya ng kanyang noo, "Alam mo medyo matagal na tayo magkakilala ngunit hindi ko alam kung ilan taon ka na. Magkasing edad ba tayo?" bigla niyang tinanong.

"Sixteen, ikaw?"

Ngumisi siya, " So I guess, kuya mo ako? Seventeen." Napatingin ako sa kanya at bakas sa kanyang mukha ang tuwa.

Nag-aglahi ako. "Nope. Magkasing-year lang tayo," depensa ko.

"But it doesn't change the fact that im older than you." Ngumisi siya ng pilyo. "Ano nga ba yung term ng mga koreano sa older brother? hey, you should call me that," tuwang-tuwa niyang asar sa akin.

Excuse me? Natawa lang ako sa kanya. "Hindi kita tatawaging oppa," ipinaggiitan ko.

Napaligtik siya ng kanyang daliri. "Ayun, yun ayung term na hinahanap ko. Eh di ba it means older brother."

Sincerely, Elenaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن