Chapter 21: Elena

143 42 86
                                    

A/N: At last we are here at the last chapter of book one! I'm so happy dahil malapit na tayong pumunta sa book two, which is by the way my favorite part. I hope magustuhan ninyo ang dulo nito.

***********************

Elena

Napatigil sa pagsasalita si Principal Ramos nang may narinig siyang katok mula sa pintuan. Mismo kami rin ay nagulat at napatingin sa taong nagsimula nang tunog nang ito. Nang bumukas ang pintuan, nanlaki ang mata ko nang makita ko bigla si Samantha nakatayo kasama ang kaklase ko na si Wenna sa kanyang likuran. Napatayo ako kaagad sa akin upuan at at biglang napasalita. 

"Samantha? Wenna?" Lumingon ako at napansin ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Kassandra.

"Ano ang ginagawa mo rito Ms Tucson at Ms. Garcia?" saad ni Principal Ramos na may diin sa kanyang boses.

 Nakita kong napatingin nang halo-halong reaksyon si Romer sa kanilang dalawa. Napaayos siya sa kanyang upuan at napalunok ng malalim. Napansin ko ang pag-igting nang kanyang panga at ang paghapit ng kanyang mukha.

Napatikhim si Samantha. Ramdam ko ang kanyang kaba sa dibdib nang binuksan niya ang kanyang bibig. "May kailangan po kayo malaman ma'am," ukol nito sabay napaupo sila sa bakanteng upuan sa na nakasandal sa pader.

"At ano iyon, Ms. Tucson? Ano pa ang dapat kong malaman bukod sa nakasulat dito sa article? Totoo ba ang lahat nang inisaad ni Ms. Payton sa artikulong ito?" tanong ni Principal Santos na may panunuri.

Napatingin kami lahat sa kanyang sagot. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang kamao na nakatukod sa kanyang kandungan. Lumunok siya nang malalim bago magsalita. 

"Opo. Totoo po ang lahat nang nakasaad po sa article. Si Wenna po mismo ang magpapatunay. Nalaman ko po na naroon po siya sa panahon nang pangyayari pong iyon," nanginginig at mahina niyang paliwanag habang nakayuko sa amin.

Napataas ng kilay si Principal Santos, "May kinalaman ka ba dito Ms. Garcia?"

Tumingala si Wenna sa kanya at napakagat sa kanyang labi. Napansin ko ang kanyang kaba sa pagkulot nang kanyang mga daliri. Tumungo siya kay Principal Santos. "Meron po. Ssa--ak-in p-po galing ang litrato na kumalat po...ma'am," nauutal niyang sinabi.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon sa kanya. Si Wenna? ang seatmate ko ang nagkalat nang litrato namin ni Romer? Pero paano? Laking tanong ko sa aking sarili na tila umiikot sa aking utak. Tila hindi pa rin ako makapaniwal na may kinalaman siya rito.

Biglang tumahimik ang paligid at tanging ang aircon mula sa pader ang naririnig lamang. Humalukipkip si Principal Ramos at napatukod sa kanyang lamesa. "Ikaw ba ang nagpakalat nang litrato, Ms. Garcia?"

Umiling si Wenna. Mas lalong kumunot ang kanyang mga kamao. "Hindi po."

"Kung gano'n Ms Garcia. Kilala mo ba kung sino?" tanong ulit ni Principal Santos na naghihintay ng sagot.

Napalingon ako kay Romer at napansin ko ang pag-igting ulit ng kanyang panga. Hindi siya tumingin kay Wenna at nakayuko lang sa kanyang upuan habang nakasalikop ang kanyang mga kamay.

Napalingon si Wenna kay Romer at kay Samantha. Napansin ko ang pagtungo niyo rito. Lumingon muli siya kay Principal Santos at saka bumalik muli kay Romer. Unti-unti niyang iminuwestra ang kanyang braso at tinuro niya parito sa lalaking nakaupo sa aking harapan. "Siya po...ma'am. Si Romer po ang nagkalat. Napansin niya po ang litrato nila ni Elena nang kausap ko po ang kaibigan ko po sa corridor. Lumapit po siya sa amin at bigla na lang pong nagalit. Umalis po siya pagkatapos noon at iniwan niya po kaming dalawa na gulat na gulat sa kanyang ginawa. " Napalunok siya.

Sincerely, ElenaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang