Chapter 19: Elena

164 55 147
                                    

Hawak-hawak ko ang kamay ni Nanay Aning habang nakahiga siya sa kama ng ospital. Naka-ilang araw na rin kami rito at tila gano'n pa rin ang kanyang kalagayan. Nanghihina pero lumalaban. Sabi daw nang doktor malala na daw ang kanyang kalagayan. 

Sa tatlong araw na pamamalagi namin rito, mabilis na ang pagkalat nang cancer cells sa kanyang katawan na mismong hindi na kaya nang kanyang katawan na mag-chemotherapy dahil na rin sa kanyang katandaan. Subalit, kahit gayunpaman ang kalagayan, naniniwala ako na kaya pa rin gumaling ni nanay. Hindi ako nawawalan nang pag-asa dahil alam ko nariyan ang Diyos upang tulungan siya. 

Salit-salitan kami ni Tita Soledad sa pagbantay sa kanya. Kapag may pasok ako siya ang nagbabantay, at pagkatapos naman nang aking klase, ako naman. Kasama rin niya ang kanyang mga anak papunta rito, maliban sa kanyang asawa na hindi niya alam kung saan pumupunta. Matagal na ang problema niya ukol sa kanyang asawa, ngunit kahit gano'n man siya niloloko nito, patuloy pa rin ang pagtanggap niya rito. Hindi ko nga alam kung bakit gano'n na lang niya kamahal ang asawa niyang sira-ulo. 

Kagagaling ko lamang ng school nang minadali kong pumunta rito. Pansamantalang hindi muna natuloy ang amin tutoring ni Dante dahil nga sa biglaan pangyayari. Buti na lamang at naintindihan ito ni Mrs. Ramos nang bumisita siya rito kahapon kasama si Dante.

 Si Dante naman paminsan-minsan ay bumibisita rito pagkatapos nang kanyang praktis, subalit hindi rin siya nakakatagal dahil sa curfew hours nang visitation nang ospital. Hindi ko alam kung pupunta siya ngayon, pero mabuti na rin iyon dahil ayoko rin makaabala sa kanya lalo't na sa upcoming na game nila ngayong linggo. 

"Nak?" Napalingon ako kay Nanay Aning nang makita kong nakamulat ang kanyang mga mata. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Lumapit ako rito at dinama ang kanyang nakakabalisang haplos na tila na-mimiss ko. 

"Nay, gising na po pala kayo." Lumingon ako nang maramdaman ko ang pagsimula nang pagtulo nang aking mga luha. Naglakad ako papuntang lamesa at kumuha ng mansananas. "Gusto niyo po ba nang masanas? Gutom na po ba kayo, nay?" tanong ko sa kanya habang inaabala ko ang sarili ko sa pagkuha nang plato at kutsilyo. 

Tumango lang siya sa akin ang ngumiti nang mahina. Nang makita kong inaangat ang kanyang sarili sa kama, kaagad ko siyang inalalayan.  "Nay, huwag po muna kayo masyadong gumalaw, kailangan niyo po nang pahinga. Sabihin ninyo po sa akin kung kailangan niyo po nang tulong," saad ko sa kanya habang nilapag ko ang hawak kong mansanas, kutsilyo at plato sa bakanteng lamesa. 

"Ay nako anak. Okay lang ako. Gusto ko rin gumalaw-galaw lalo't na ilang araw din akong nakahiga rito sa kama," sagot niya sa akin habang nakamasid siyang nagbabalat ako nang mansanas. 

"Makulit ka talaga nanay, kahit kailan kaya ka napapagalitan nang doktor," wika ko sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng manasanas.

Hinaplos niya ang aking ulo at tumawa, "Ito talagang apo ko! Ang laki na at pinapagalitan na ako." Pinisil niya ang aking pisngi at tinapik ito pagkatapos. 

"Kailangan niyo pong magpalakas nay at magpagaling para makauwi na po kayo..." sambit ko habang nakayuko. Ramdam ko ang kaonting tulo nang aking luha kung kaya't kaagad ko itong pinunasan nang hindi niya mapansin. 

Hinawakan niya ang aking hawak na mansanas at kinuha niya ito sa akin. Niyapos niya ang aking mukha at inilapit sa kanya, "Anak, 'wag kang mag-alala kay lola. Okay pa naman ako. Basta tandaan mo na alagaan mo rin ang sarili mo, ha? Magpakalakas ka at magpatatag  para kahit na wala ako rito, kaya mo na ang sarili mo. Tandaan mo iyon ha?" 

Hindi ko mapigilan mapaiyak sa kanyang sinabi. Pinunasan niya ang akin luha at pinagpatuloy ang pagbabalat sa mansanas na aking sinimulan. 

"Nay wag niyo pong sabihin na mawawala po kayo. Hindi ko po iyon makakaya. Kailangan niyo pa pong gumaling para makita pa po akong grumaduate. Marami pa po akong plano sa atin. Diba nanay, prinamis ko pa po na papagawan ko po kayo nang bahay?" hikbi ko habang nakayakap sa kanyang kandungan. 

Sincerely, ElenaWhere stories live. Discover now