Chapter 9: Elena

223 120 224
                                    

Naging madalas ang pag-uusap namain sa text pagkatapos namin magkuhaan ng cellphone numbers. Paminsan-minsan tumatawag din siya kapag may kailangan itanong o kung gusto niya ng may kausap. Sa katotohanan, mas naging malapit kami sa isa't isa simula noon.  Mas nakikilala ko siya ng maigi na bilang isang Dante na may pagkapilyo at matuwain. Nagtataka na nga minsan si Nanay Aning dahil naging madalas na ang pag-uusap namin dalawa. Kung minsan, tumutuloy siya sa aming bahay upang ipagpatuloy ang tutoring, lalo't na nung panahaon na malapit na ang exams. 

Nung isang araw, patulog na sana ako dahil exams na kinabukasan, laking gulat ko na lang ang biglang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Dante. 

"Hello," aniya.

"Hi," sagot ko. "Napatawag ka, ano 'yon?" tanong ko.

"Um, wala lang naman." Natawa siya bigla. 

"Matulog ka na." Napangiti ako at napakagat sa labi.

Napatigil siya ng sandali. "Hindi ako makatulog." 

 "Exams bukas, ready ka na ba?" Napahinga ako ng malalim.

Nagnilay-nilay siya panandalian.  "I think so. Magaling kasi ang teacher ko eh. Strikto paminsan, pero iba kung magturo."  Narinig ko ang kanyang pagtawa ng mahina sa kabilang linya. 

Napatawa ako. "Ang kulit kasi ng studyante ko, parang bata gusto lagi ng break," biro ko.

Narinig ko ang kanyang pagtawag sa likod ng cellphone. 

Hindi naman mahirap turuan si Dante. Sa totoo lang, madali siyang turuan, kung kaya't mabilis kaming nakakausad sa mga lesson. Ilang araw din kaming napapagabi ng uwi para maghanda na nalalapit na exam. At ngayon na bukas na ito, kinakabahan ako para sa kanya. 

Napangisi ako. "G-good l-luck bukas," napautal utal kong sinabi.  I cleared my throat after and moved my head sideways.

Naramdaman ko ang kanyang pagngiti sa kabilang linya. "Thanks teach. Gagalingan ko para sa iyo," aniya.

Nang marinig ko iyon,  biglang lumakas ng pintig ng puso ko.  Inilapat ko ang kamay ko sa aking dibdib at nilaro ang aking mga daliri.  "Galingan mo para sa iyo," nasabi ko ng mahina.

"Oo naman!" 

Marahan akong bumuntong-hininga. "Sige matulog ka na. Maga pa tayo bukas," paalala ko.

Narinig ko ang paglinis niya ng kanyang lalamunan. "Teka, Elena..."

"Ano yun?"

"Goodnight, Elena," malamyos niyang sagot. 

Napangiti ako ng bigla. "Sa iyo din. Goodnight...Dante."

Pagkatapos noon, ako na ang unang nagbaba ng telepono. Kinabukasan, gumising ako na tila may mga ngiti sa akin mukha. 

***************************

Kakatapos lang ng periodic exam namin noong nakaraang linggo at kasama ko ngayon si Samantha na naghihintay kay Dante sa library. Tila'y gusto niyang makapag-aral kasama namin, dahil namimiss na niya si Dante. Pumayag na ako sa kanyang hiling sa isang kondisyon na mag-aaral din siya at hindi mangungulit. Habang naghihintay kami sa kanya, tinuruan ko muna si Samantha sa kanyang algebra assignment.

Kumunot si Samantha ng kanyang ulit at kinamot ang kanyang ulo. "Ang hirap naman nito ate hindi ko maintindihan."

Napangiti ako ng makita ang sagot ni Dante habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Tinext ko si Dante na makakasama namin ngayon si Samantha. Nag-reply siya na okay lang naman daw sa kaya at walang problema. 

Sincerely, ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon