Chapter 18: Elena & Dante

174 62 102
                                    

Elena

Bumaba kami ng tricycle nang tumigil ito malapi sa aming bahay. Mga gabi na rin kami nakauwi kagagaling roon. Maitim na ang langit at tila mas tumingkad ang mga bituin sa kalangitan. Wala nang masyadong tao sa labas, tahimik na ang lahat at tanging maririnig na lamang ay ang malamig na simoy ng hangin. Buti na lamang, nakauwi kami kaagad bago mapansin ako ni Nanay Aning na wala sa bahay.

Nang umalis na ang tricycle, nakatayo kaming dalawa sa harapan nang aming bahay na magkahawak ang aming kamay. Habang hawak ang mga Camella sa aking kamay, ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Maraming Salamat sa prom na ibinigay mo. Hindi ko ito inaasahan."

"Wala 'yon. I intended to do it for you Elena. You don't have to thank me." Ngumiti siya sa akin at binitawan ang aking kamay.

Nagtagpo ang aming mata panandalian. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi nang mapansin kong lumapit siya sa akin. Humilig siya ng bahagya at hinawakan ang aking pisngi. Naramdaman ko ang marahan na pagdikit ng kanyang labi sa akin noo. Napapikit ako sa sandaling iyon at nadama ko ang init na dumadaloy sa aking buong katawan.

"Goodnight, Elena," saad niya nang humiwalay siya sa akin.

"Goodnight din, Dante." Napangiti ako sa kanya.

Ipinasok niya ang kamay niya sa kanyang bulsa at napatikhim. "Um, sige..." Kinumpas niya ang kanyang kamay at tinuro papunta sa daan. "Alis na ako. Para makatulog ka na rin."

Napatungo ako. Sinukbit ko ang hibla nang aking buhok sa likod nang aking tenga. "Sige. Um, ingat ka pauwi ah..." paalala ko sa kanya.

lumiko siya palikod sa akin at nagsimulang maglakad habang patuloy ang pagsulyap-sulyap niya ng tingin. Kumaway ako sa kanya habang pinagmamasadan siyang palayo sa aking paningin. Nang mawala na siya sa aking paningin, pumasok na ako sa loob ng aming bahay.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang, madilim ang lugar at patay ang mga ilaw. Panigurado siguro tulog na si Nanay Aning. Dumeretso ako sa aking kwarto habang mahinang yumayabag papunta rito. Binuksan ko ang aking ilaw, at pumunta sa aking kabinet at diretso na nagbihis ng pantulog.

Bago ako humiga sa kama, napagpasyahan ko na puntahan si Nanay Aning sa kanyang kwarto. Lumabas ako rito at tinahak ang daan papunta sa kanyang kwarto. Pagpasok ko sa loob, napansin ko na bukas pa ang kanyang ilaw na malamitan patay kapag siya ay natutulog. Humakbang ako ng mahinahon, at napamasid sa loob nito, hinahanap ang aking tulog na lola.

"Nay, gising pa po kayo?" tanong ko habang minasid ang kwarto papunta sa kanyang kama.

Walang sumagot sa akin kung kaya't inulit ko ang tanong. "Nay, naandiyan po ba kayo?"

Lumibot ang aking paningin sa kanyang kama. Nanlaki ang aking mata at napaluhod sa sahig. Naramdaman ko ang bilis nang tibok nang aking puso nang makita kong nakahilata si Nanay Aning sa sahig ng kanyang kwarto na walang malay.

"Nay..." sambit ko ulit habang kinalong ang kanyang ulo sa aking mga hita. Hinawakan ko ang kanyang pisnga at tinapik. "Nay! Gising po kayo! Nay!" sigaw ko habang nanginginig ang aking buong katawan sa pangamba at takot.

"Nanay! nanay! Gising po!" paulit-ulit kong sinabi subalit wala sagot mula sa kanyang walang malay na katawan. Inurong ko ang kanyang katawan at kinandong sa akin akin. Yinakap ko ang kanyang walang malay na katawan sa akin habang patuloy ang pag-agos nang aking mga luha.

"Nay, si Elena po ito..." daing ko. Unti-unti ko siyang ibinuhat sa kanyang kama hangga't makahiga siya rito. Kaagad naman akong tumakbo sa aking kwarto at kinuha ang telepono. Si Dante ang una kong naisip tawagan nang maisip ko na baka hindi pa siya nakakalayo parito sa amin. Alam ko siya ang una kong madali kong makokontact, lalo't na hindi ako sigurado kung gising pa si Tita Soledad nang ganitong oras.

Sincerely, ElenaWhere stories live. Discover now