Chapter 6: Dante

231 128 252
                                    

Nakita kong palabas ng faculty si Elena. Napayuko siya at napabilis ang lakad niya ng nakita niyang tumingin ako sa kanya. Isang linggo na ang lumipas ng mangyari iyon. Pagkatapos noon, hindi na kami nakapag-usap, bagama't nagkikita kami parati sa coridor. Madalas lang kami magkita kapag tinatawag ako ni Samantha.

To be honest, I don't know what to say to her after that day. What's there left to say, anyway? We both reconciled and everything seemed fine after that day. I apologized and she accepted it. We got no words left to say with each other. Seeing her thrilled with her friends is already enough for me. It was like, everything got back to normal where it should be at the first place.

Pagkatapos ng araw na yun, hindi na rin nagambala si Romer. Pumasok siya kinabukasan na walang imik at may pasa sa parte ng kanyang katawan at mukha. Nagtaka si coach sa kanyang mga galos, ngunit pinaliban niya ito nang magsinungaling si Romer na galing ito sa dapa. Walang naniwala sa mga kasamahan ko, ngunit hindi na rin din sila naghinala at nagtanong. Hindi na kami katulad ng dati na nag-uusap pa, naging mailap ako sa kanya at naging mainitin ang ulo niya sa akin. Noong isang araw ng praktis namin, muntik na niya akong matamaan sa mukha ng bola.

"Ay Sorry natamaan ka Gillesania," he sneered. I picked up the ball beside me, nestling on my foot. I ignored him, as I spit then run back towards the goal without even trying to take a notice of him.

It was then after our practice when he showed how mad he is. He shoved me right against the lockers. I growled as I felt the metal clips crushed the back of my skin.

His red blaring eyes flared at me as he spat, "Ano bastos ka na ngayon, Gillesania? Hindi mo na ako papansinin?"

I tried to push him back, when his arms locked on my neck. "Bakit? Nabadtrip ka sa akin dahil sa girlfriend mong malandi? Alam mo naman na siya ang unang lumapit sa amin. Hindi ako. Siya pa nga nagpaalis sa haliparot na iyon para masolo ako."

God, I hate how twisted his mind is.

"Wag na wag mo siyang gagalawin o mapapa-!" Napatigil ako sa pagsasalita. Sa sobrang galit, hindi ko na mapigilan ana maitulak siya. Bumagsak siya sa mga upuan, galit na galit. Inawat kami ng dalawa naming mga team mate. Nagtanong sila kung anung nangyari sa amin, ngunit hindi ako sumagot at umalis na lamang.

Pagkatapos noon, hindi na kami nag-usap.

Pumasok na ako sa loob ng faculty at nakita ko si Auntie, busy, nakaupo habang nagsusulat. Kinatok ko ang kanyang lamesa at sumenyales na naandito na ako. Sinabihan niya ako kaninang recess, na puntahan ko siya after ng third class ko. Maglulunch na din naman, kaya okay lang.

"Upo ka muna, tatapusin ko lang ito," wika niya.

Tumungo ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan. Nang tumunog na ang bell para sa lunch, unti-unting nagsi-alisan na ang mga teachers sa faculty. Naiwan na lang kaming dalawa ni Auntie Rizza sa loob. Naghintay ako sa kanya ng ilang minuto nang maramdaman ko ang pagsarado ng kanyang notebook.

Napalingon siya sa akin at nagtanong, "May baon ka na ba?" Sabay kuha sa kanyang wallet.

Umiling ako. "Wala pa, Auntie."

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng pera. Umupo siya sa tabi ko, nakatingin ng maigi, at mukhang seryoso.

Kinuha niya ang kamay ko at sumagot, "Dante, alam ko mahal mo ang pagsosoccer, pero hindi natin to matutuloy hangga't pababa ng pababa ang grades mo. Malapit na ang quartely exams niyo... naisip ko na--"

Sincerely, ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon