Chapter 16: Elena & Dante

198 66 159
                                    

Dedicating this chapter to @crescentic_ . I wanna thank you for reading my stories! Salamat never thought na may nagbabasa pa pala nito.

***************************

Elena

Ano ba itong ginagawa ko? Tama ba 'to?

Iyon ang tanong na naging palaisipan ko pagkatapos nang araw na yaon. Hindi ko pa naransan magkaroon ng karelasyon o may iniintiding ibang tao. Paano nga ba? Dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang maayos na walang awkwardness na nagaganap.

Kung tutuusin, hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin, gayon pa rin naman tulad nang dati. Ang pagkakaiba nga lang ngayon alam na niyang may gusto ako sa kanya at gano'n rin naman sa akin. Okay, siguro kaonti lang, mas naging palabiro na siya at pala-asar. Ngunit, gayunpaman, siya pa rin ang Dante nakilala ko at nagustuhan ko.

Nagkaayos na kami ni Dante at hindi na rin natuloy ang paglisan ko sa pagtuturo sa kanya. Kung tutuusin, mas naging magaan na ang pakiramdam ko sa kanya sa t'wing kasama ko siya. Tila ba napawi ang malaking bigat na laging kong dinadala kapag naandiyan siya sa akin tabi. Hindi tulad dati na may pag-aatubili pa akong nararamdaman.

Sa ngayon, minarapat muna namin na itago muna ito sa lahat, hangga't sa maging maayos na ang lahat. Lalo't na ayokong masama siya sa gulong kinasangkutan ko kasama si Romer. Mabuti na lamang hindi na masyadong napag-uusupan ang patungkol dito. Tila, nawala na lang ang balitang ito na aking picture kasama siya na parang bula.

Gayunpaman, sa kabila nang kasiyahan na aking nararamdaman, naandiyan pa rin ang pag-aalinlangan na nakabinbin sa akin utak lalo't na hindi pa alam ni Samantha. Alam ko na nagsinungaling ako sa kanya tungkol sa akin nararamdaman kay Dante. I had no excuses to say nor even a lie to create. At tanging magagawa ko lang ay humingi ng tawad sa kanya. Sana lang ay matanggap niya ito nang maayos.

Kasama ko ngayon si Melai na naglalakad papunta sa aming table. Umupo ako sa kanyang harapan, kung saan parati ang pwesto ko. Hindi ko pa naikwekwento ang tungkol sa amin ni Dante. Alam kong hindi ko ito matatago sa kanya ng matagal. kung kaya't napagpasyahan ko na sabihin na rin sa kanya, hangga't maaga pa. Binaba naman niya ang kanyang lalagyanan nang pagkain habang patuloy na ng pagkwekwento tungkol sa napanood niyang magandang Chinese na palabas.

"Ang ganda talaga Elena! Sana gano'n din ang love story ko. Nako kung napanood mo lang. Promise next time kapag pumunta ako sa bahay niyo, panonoorin natin," masaya niyang kwento sa akin.

Napaisip ako sandali. Matagal na rin palang hindi nakabisita sa amin si Melai. "Oo nga, matagal ka rin palang hindi nakapunta sa amin. Kailan mo balak?" tanong ko sa kanya.

"Hmm... siguro kapag tapos na ang monthly test natin. Alam mo na hindi ako papayagan ni mama na lumabas ng bahay kapag malapit na ang exams," paliwanag nito sa akin. 

Dahil sa daming nang nangyari, nakalimutan ko na na palapit na pala ang aming monthly exams. Kaya ko naman itong habulin at mapag-aralan nang isang gabihan lang, ang pinoproblema ko lang ay paano si Dante, lalo't na marami siyang hahabulin na lessons.

Nabaling ang attensyon ko sa aking iniisip nang marinig ko ang boses niya malapit sa aking kinauupuan. Napatingin ako sa aking kaliwa, at nakita ko si Dante na may hawak-hawak na tray ng pagkain. Nanlaki ang mata ko at napamasid sa buong paligid. Napansin ko ang mga ngisi nang kanyang mga kaibigan sa bandang kanan ng kanilang kinauupuan.

Sincerely, ElenaWhere stories live. Discover now