Chapter 11: Elena

214 109 150
                                    

I dedicate this chapter to @AngeJust_17. Thank thank you sa patuloy na pagbasa. Sana magustuhan mo. :)

**********************

Hawak-hawak ko ang aking lunchbox habang naglalakad papuntang cafeteria. Kasama ko lang ngayon at si Melai, dahil may kinailangan gawin si Samantha kasama ng kanyang mga kaklase. Naglakad kami papuntang pintuan. Hinila ko ito at pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, binungad ako ng mga malalakas na sari-saring boses ng mga studyante. Pinatuloy ko ang paglalakad na tila wala lang. Gayunpaman, napansin ko na napatigil ang ilan ng makita ako habang hawak hawak ang kanilang mga cellphone.

Lumingon ako kay Melai at nagtanong na may pagtataka, "Anung meron bakit nakatingin sila sa atin?" bulong ko sa kanya.

Minasid niya ang paligid. "Friend..." wika niya. "Sa tingin ko sa iyo sila nakatingin sila," mahina niyang inamin. Napatigil ako sa paglalakad. I felt my whole body trembled. Bakit sila nakatingin sa akin? Anong meron? Huminga ako ng malalim habang dahan-dahan na naglalakad sa pasilyo.

"Anung meron?" napatanong ako ulit kay Melai.

Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko din alam, pero sige tatanungin ko yung may nakakaalam." Napatigil siya sa pagsasalita at tinapik niya ako habang nililibot ko ang buong cafeteria. "Teka muna ah, pipila muna ako...Baka may nakakaalam,"dagdag niya.

Tumango ako kaagad sa kanya. "S-sige maghahanap lang ako ng table."

Walking slowly, I tucked my hair behind my ear. Narinig ko ang kanilang mga pabulong na salita tungkol sa akin habang ako naghahanap ng mauupuan.

"Siya ba yun? OMG." Narinig ko sa isang babae.

"So may nagyare sa kanila? What a slut!"

"Iba talaga si pare, nakapatos ng maganda."

"I didn't know she's like that pala..." mahinang sinabi ng babae.

Pinatuloy ko ang paglalakad na parang wala akong napapansin na kakaiba. Subalit, habang palapit ng palapit ako sa mga upuan, naramdaman ko unti-unting nanghihina ang akin mga paa. Kinulot ko ang aking mga kamay at napahigpit ang hawak ko sa aking lunchbox. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung bakit nila ako sinasabihan ng mga ganyang mga marahas na salita.

May nagawa ba ako? Ano ba ang nagawa ko? Litong-lito ako sa pangyayari na animo'y nagbibigay pagkabagabag sa akin.

Yumuko ako ng mapatingin ako sa table nila Dante nang masilayan ko ito. Dali-dali na nag martsa papunta sa bakanteng table malayo sa kanila. Hinayaan ko ang kanilang mga daing sa akin. Nilapag ko ang aking pagkain sa lamesa at tinukod ang aking braso dito. Kinuha ko ang aking mga kubyertos na tila walang pakialam.

Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko ang isang mnangungutyang boses sa kanan ko.

"Masarap ba?" asar ng isang lalaki sa katabing table namaon habang tumatawa.

"Gago pre, wag kang maingay," sambit ng kanyang kaibigan.

"Totoo naman. nagpapanggap pa siyang tuod, eh sa totoo lang mas masahol pa siya sa haliparot," angil niya.

Pinigilan kong hindi magalit, hindi maiinis at hind maiyak. Lumunok ako ng malalim at napapikit ng sandali. Hindi ko pinansin ang lalaki at nagpatuloy lamang ako sa pagkain. I felt the gut in my stomach curled up as I heard blatant degradation from them. I don't know where did that came from. However, I knew now that they are all talking about me.

Mukhang galit na galit, nakita ko si Melai papunta sa aming table. Binaba nya kaagad ang kanyang tray sa lamesa at umupo sa harapan ko.

"Ano 'to?" galit na galit niyang ipinamukha ang litrato sa kanyang cellphone. Kumulot ang aking mga mata at tiningnan ng maigi ang litratong iniharap niya sa akin.

Sincerely, ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon