Chapter 1: Elena

534 167 476
                                    


Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap ang Chemistry titser naming na si Mrs. Ramos. Sa lahat ng titser dito sa faculty, si Mrs. Ramos ang guro na maasahan ko at lagi kong malalapitan. Malaki ang tulong na nagawa sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging guro sa'kin, kun'di naging pangalawang magulang ko na rin siya rito sa eskuwelahan.

Ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig at umupo sa tabi ko. "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?"

Uminom ako sa basong ibinigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka mayroon po kayong ma-irerekomenda na trabaho, kahit part-time lang po."

Napakunot ang kanyang noo. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Naging titser niya ang aking lola noong hayskul siya rito sa eskwelahan kung kaya't gano'n na lamang kakampanta ang pagtitiwala ni Nay Aning.

Sinalikop ko ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am. Gusto ko lang po sana makaipon po para sa kolehiyo para makatulong rin po kay Nanay Aning. " Dahil bukod kay Lola Aning, Si Mrs Ramos ang isa sa mga taong bukod tangi na pinagkakatiwalaan ko.

Napaisip si Mrs Ramos. "Hmmm. Sige, titingnan ko Elena ah. Basta kung may problema ko o may kailangan kang tulong, don't hesitate to talk to me." Ngumiti siya sa akin at hinaplos nang marahan ang aking likod.

"Maraming salamat po." Bahagyang kumurba paitaas ang aking labi.

*************************
Maagang natapos ang huling klase namin para sa araw ngayon. Mistula, nagmamadali si Mrs Ramos sa kanyang pagtuturo dahil may ibang appointment pa siyang kailangan asikasuhin. Nagmamadaling nagsi-alisin naman ang mga kaklase ko na sa kalaulan ako na lamang ang naiwan mag-isa sa classroom.

Naglinis lang saglit ang mga cleaners na kasama ko at nauna na ring umuwi dahil may kailangan pa raw silang gawin o pupuntahan.

"Mauna na muna ako, Elena. May pupuntahan pa kasi kami ng family ko," paalam ni Christina, habang nagmamadaling nagwawalis.

Tumango ako sa kanya. "Sige. Okay lang," sagot ko habang nagpupunas ng blackboard.

Kaagad niya binababa ang hawak niyang walis at tinabi sa gilid ng kabinet. "Sige thank you ah! Bawi ako sa iyo next time, promise," ukol niya sabay paalam niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang walis na iniwan niya malapit sa kabinet at sinimulan ang pagwawalis.

Bilang cleaner ngayon, hindi ko maiwanan na madumi ang classroom kung kaya't nilinis ko muna ang mga kalat sa sahig bago ko ibigay kay Mrs. Ramos ang mga test paper na iniwan niya sa akin. Hindi rin naman ako nagtagal at mga ilang minutong nakalipas ay natapos ko rin ang paglilinis ng buong classroom.

Kinuha ko ang aking bag at ang bungkas ng testpaper na nakalagay sa aking mesa. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto, sinarado ang pintuan at naglakad papunta sa faculty. Pagpasok ko sa loob, walang tao maliban kay Mrs. Ramos at sa lalaking may pulang buhok na nakaupo sa harapan ng lamesa ni Mrs. Ramos.

Papunta na sana ako ng kanyang lamesa nang bigla kong margining ang malakas na boses ni Mrs. Ramos. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa lalaking sinesermonan niya. Matangkad siya at makisig para sa kanyang edad. Base sa istruktura ng kanyang katawan tila'y aktibo siya at laging nagbubuhat. Bumantu-bantulot ako sa pagdaan sa kanila upang maiwasan na makaabala sa kanilang pag-uusap.

"Mr. Gillesania bagsak na nga ang mga grades mo, pati ba naman sa klase, late ka! Ano na ang matitira sa grado mo? May balak ka pa bang grumaduate?" saway ni Mrs. Ramos habang hawak ang kaniyang grading sheet.

Napatikhim ako at naptingin kay Mrs. Ramos upang bigayn siya ng senyales. Napataas ng kilay si Mrs Ramos na parang may pagtataka sa kanyang pagmumukha kung bakit ako nasa loob ng faculty.

Sincerely, ElenaWhere stories live. Discover now