Epilogue

1K 27 10
                                    

Unedited

Epilogue

"Tres, makikipagkita ka mamaya sa anak ng kumare ko, ha?" Kaagad nagsalubong ang kilay ko sa narinig mula sa aking ina.

The hell! Meron na naman? Kailan ba ito mauubos?

"Mom, stop doing that!" Naiinis na wika ko at tumalikod na.

Lagi na lang ganito ang nangyayari at nakakasawa na rin!

Dumiretso na ako sa mall kasi rito ko tatagpuin ang anak ng kumare ni Mom. Last na 'to, tapos wala na.

Kaagad ko naman itong nakita. Masasabi kong maganda ito pero ewan, walang dating sa akin, e.

Mas maganda pa rin si...

Napailing na lang ako sa naisip.

Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin. Halos siya lang din naman ang naimik sa amin. Siya lang ang nagdadala ng usapan. Basta na nga lang ako natango at nailing kahit na hindi ko masyadong naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Lumilipad kasi ang isip ko kakaisip kay ano... basta!

"I need to go." Nakita ko ang pagbabago ng emosyon niya sa mukha pero wala akong pakialam.

Gusto ko ng umalis ngayon at para makalayo na rin dito sa anak ng kumare ni Mom. Medyo nababanas na ako, e!

Hindi ko na hinintay na makasagot pa ito. Basta na lang ako umalis. Bastos na kung bastos pero wala akong pakialam. Pasalamat pa nga siya at sinipot ko pa siya kahit na ayoko.

Dahil siguro sa pagmamadali ko ay may nakabanggaan pa ako.

Takte naman, oh! Ngayon pa talaga?!

Takte, ang malas ko naman, oh!

Sisinghalan ko na sana 'yung nakabanggaan ko nang makilala ko kung sino ito. Damn, iniisip ko pa lang siya kanina pero ngayon, heto at nasa harapan ko na siya.

Kahit mahina, narinig kong binigkas niya ang pangalan ko. Kaagad kumunot ang noo ko sa narinig. Teka, kilala niya ako? Kilala niya pala ako?

Lumuhod ako kaharap niya, nakatingin diretso sa mata niya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para tulungan siyang makatayo.

"Aray..." Pakinig kong daing nito.

Bigla tuloy akong nakonsesya kasabay ng pag-aalala ko sa kaniya.

Takte, kung alam ko lang na si Aurora ang makakabanggaan ko ng ganito, edi sana sinambot ko man lang siya.

Yeah, I know her. She is Aurora Niccola Rivero and I do prefer calling her Aurora than Niccola. Her second name is very common and I wanted to be unique so I'll call her Aurora.

And oh, I like her...

I asked her why she's here and she told me that she's with her date.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba pagkatapos ko itong marinig so I composed myself.

Mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba nang bumaba ang tingin ko sa labi niya. She was biting her lips and I was quite tempted but I need to refrain myself.

"Next time, don't bite your lips like that."

"Ha?"

"Wala, never mind."

Wala ng umimik sa amin and I hate it. I want to hear her voice. I want to hear her angelic voice!

"Lagi ka bang nakikipagdate?" She just nodded her head. "Sa pare-parehong lalaki?" This time, she shook her head. "Oh, so, magkakaiba pala. Swerte naman nila..."

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now