Chapter 33

511 21 0
                                    

Dedicated to: GlaizelAnneAlagon @EliahEscalada @cloudiceya amirascarlet @appleflame

P. S. Curious tuloy ako kung may nagbabasa ba nito. Pansin ko naman na mayroon dahil sa reads. Gusto ko tuloy kayong makilala, pakilala naman po kayo sa akin hihihi.

Unedited

Chapter 33

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Tres habang naglalakad kami. Katabi niyang naglalakad si Uno. Hawak niya ang kamay nito habang ako, nandito sa likod nila.

Nakasunod lang ako sa kanila. Habang naglalakad, iginagala ko ang paningin ko. May ilang mga tao na napapatingin sa direksyon namin pero sigurado ako na hindi naman sa akin kung hindi sa taong nasa unahan ko lang.

Pupusta ako, si Tres ang tinitingnan nila. Tapos kung makatingin pa, halatang-halata na humahanga sila kay Tres.

Sabagay, hindi na rin naman nakakapagtaka 'yon lalo na at masasabing 'gwapo' ito. Kung gwapo na ito rati, noong kami pa, pwes ngayon mas lalo.

Mas nahulma ang kagwapuhan nito ngayon sa totoo lang. Mas nadepina ang mga features nila sa mukha lalo na sa katawan nito. Hindi rin naman ito nagpapahuli pagdating sa katawan.

Magandang tingnan ang katawan nito sa kaniya. Talagang bumagay sa kaniya.

Mas naging matured siyang tingnan ngayon. Gano'n talaga siguro kapag nadadagdagan ang edad.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na baka may abs na ito ngayon. Siguro naman mayroon. Siguro lang.

Malay naman natin diba hihihi.

Nahiya tuloy ako sumunod sa kaniya lalo na at ganitong atensyon ang ibinibigay sa kaniya ng mga tao. Mukha namang wala siyang pakialam, e. Mukha ngang sanay na 'to. Pwes ako, hindi at hinding-hindi ata ako masasanay sa ganito.

Bahagya kong binigyan ng kaunting distansiya ang posisyon namin pero nakasunod pa rin ako sa kanila.

Mabuti na lang pala at saktong ganito ang suot ko. Hindi hassle kung tutuusin.

Baka kasi ako naman ang tingnan nila tapos, baka i-bash pa ako kasi ako ang kasama ng taong hinahangaan nila.

Sa itsura kong 'to, sigurado na may mamba-bash lalo na sa panahon ngayon.

Doon naman sila magaling, ang mam-bash ng kapwa nila.

"Bakit ka nandiyan sa likod?" Napatingin tuloy ako sa paligid namin. Baka kasi nakatingin na sila sa akin at tama nga ang hinala ko, nakatingin na sila sa akin.

Ano ba naman 'yan!

"Basta maglakad ka na lang. Bilisan mo!" Utos ko rito pero hindi naman ako nito sinunod.

"Bakit ka ba nandiyan?" Nakaharap na ito sa akin. Nakatingala naman sa akin si Uno.

Bahagya akong yumuko para matakpan kahit papaano ang mukha ko.

"Basta, 'wag ka ng tanong nang tanong diyan!" Mas lalong kumunot ang noo nito sa akin.

Ang libreng kamay niya ay nasa may bewang na niya.

Takte, bakit parang ang hot niya tingnan sa itsura niya ngayon?

Damn...

"Aurora..."

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now