Chapter 14

433 22 0
                                    

Dedicated to: @iamw_04  @mwelbs @aleah_regacho @DONYAESTEFANYA ShindieLuna

Unedited

Chapter 14

Masyadong naging mabilis or should I say, naging mabilis talaga ang mga pangyayari lalong-lalo na sa amin ni Tres. Parang kailan lang sinabi niya sa akin na liligawan niya ako pero ngayon, kami na.

Kahit naman gustong-gusto ko 'yung tao, hindi ko kaagad ito sinagot 'no. Syempre, hindi porket gusto ko 'yung tao ay hindi na ako magpapaligaw. Kailangang maranansan ko rin na maligawan kahit papaano. Though, halos wala pang isang buwan na nanliligaw siya ay sinagot ko na rin naman.

Okay, ako na nga po 'yung marupok.

Lahat naman ng mga nakakaalam ay masaya nang ibalita namin na kami na maliban nga lang sa isa. Pinapakita naman niya sa amin na masaya siya pero ewan ko ba at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mayroong parte sa akin na hindi naniniwala sa kasiyahang ipinapakita niya sa relasyon namin ni Tres.

Si Monica —  kababata ni Tres tapos close friend ng family nina Tres and family nina Monica that's why kilala siya ng family nina Tres, same thing din sa family nina Monica.

Nakwento sa akin ni Tres na pabirong pinu-push sila ng mga ina nila pero hindi naman daw siya sang-ayon. Besides, sinabi rin daw sa kaniya ng Mom niya na biro lang daw 'yon kaya huwag masyadong seryosohin. Okay daw sa kaniya kahit sinong babae ang magustuhan ni Tres as long na mahal ang isa't-isa at siguraduhin daw na ipapakilala sa kaniya.

Parang nagdududa ako na ewan. Feeling ko ay may gusto 'yung si Monica kay Tres. May feeling talaga ako, e kaso wala naman akong sapat na ebidensya para patunayan 'yon kaya hindi ko na lang masyadong pinansin.

Ah, bahala siya! Basta ako, masaya na ako kasi sa wakas, nagustuhan na ako ni Tres. At hindi lang 'yon, boyfriend ko na siya ngayon hihihi.

"Gusto kang ma-meet nina Mom ngayon, baby..." pinalobo ko tuloy ang pisnge ko sa narinig ko sa kaniya. "Why? Is there a problem?" Pinaharap niya ako sa kaniya at hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko na pinalobo ko.

Nawala na ang pagkakalobo ng pisnge ko dahil sa bahagyang paghaplos niya rito gamit ang kamay niyang nakahawak dito. Medyo nakikiliti kasi ako kaya ngumuso na lang ako bago tumingin sa kaniya.

He caressed my lower lip with his thumb while looking at me. "What?" He arched a brow.

Simpleng gesture pa lang ang ginagawa ni Tres, pero grabe na agad ang tibok ng puso ko. Parang bumabalik ako sa simula, e. Kung saan niya unang ginagawa ang mga bagay na ganito.

"I'm kinda nervous, you know..." kinakabahan talaga ako. What if hindi nila ako gusto? Paano na?

Ayokong makipaghiwalay kay Tres, not even in my dreams. I want to be with him, forever if possible.

He chuckled that made my brows furrowed. "Why are you laughing?" He shook his head. "Then why?" I asked, kinda irritated.

"Nothing..." he replied with a half smile.

"Anong wala ka diyan!"

"You are just so cute, adorable and pretty that's why."

"Ang dami naman niyan!"

"Well, it's not my fault," he shrugged.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang sinabi niya. Gusto raw ako ma-meet ng parents niya. Parang biglang mas dumoble ang nararamdaman kong kaba ngayon.

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now