Chapter 27

507 18 0
                                    

Dedicated to: -gabriellewrites- @reah-ssi @Animhaze @azherayne yagirlcoleen 

Unedited

Chapter 27

Ilang minuto na ang lumipas ngunit nanatiling tahimik lang si Tres habang nakatingin pa rin kay Uno.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan ngayon lalo na at ganito ang naging reaksyon niya. Inaasahan ko na 'to.

Inaasahan ko na rin na maaaring magpa-DNA sila ni Uno para mapatunayan na anak niya talaga si Uno. Hindi naman ako kokontra roon lalo na kung 'yon ang naiisip na paraan ni Tres para mapatunayan na sa kaniya talaga si Uno.

Kung ano ang makakapagpatahimik sa loob niya ay gagawin ko. Sa gano'ng paraan lang ako makakabawi sa mga panahon na ipinagkait ko sa kanilang mag-ama.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi na naman isipin na baka... baka mali talaga ang nagawa kong desisyon na pag-alis.

"S-seryoso ka?" Sa wakas ay nagsalita na rin ito pagkaraan ng ilang minutong pananahimik niya.

"Oo. Seryoso ako sa sinabi ko." Kailangan kong tatagan ang loob ko. Kailangan kong mas tatagan pa. Para sa anak ko kaya ko ito ginagawa.

Sana lang talaga ay matanggap niya si Uno dahil ayoko talagang makita na nasasaktan si Uno. Tanging kasiyahan niya lang ang nais ko at ang pagpapakilala sa kanilang mag-ama ang mas magpapasaya kay Uno. Para mas mabuo ang pagkatao niya.

"Pero bakit..." Siguro ay labis pa itong naguguluhan ngayon. Wala pang mahanap na mga salita at naiintindihan ko naman 'yon.

Handa akong sagutin lahat ng mga tanong niya pero sa tingin ko ay kailangan munang ipagpaliban ito. May mga susunod pa namang mga araw para magkausap kami sa kung ano ba talagang nangyari sa aming nakaraan.

Ang mas mahalaga ngayon ay si Uno. Sabik na sabik na si Uno na makasama ang ama niya—  si Tres kaya ito ang mas pagtutuunan ko ng pansin.

Ngumiti muna ako sa kaniya kahit na mas nananaig ang kabang nadarama ko sa loob. "Huwag kang mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang mga tanong mo sa akin. Ipunin mo muna ang mga ito at sasagutin ko ito kapag mag-uusap na talaga tayo..."

"Kaya... kaya ba gusto mo ako kausapin no'ng pinuntahan mo ako sa Batangas?"

"Actually, yes. That was my reason."

"Fuck..." napasabunot ito sa buhok niya. Tila roon ibinubuhos ang kaniyang nadarama.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mga taong nasa paligid namin. Mabuti na lang at wala masyadong nakakapansin sa ginagawa niya. Nakakahiya kapag nagkataon. Birthday ngayon tapos ganito.

"Can we talk now?" I shook my head. "But why?" His forehead creased.

Ipinakita ko sa kaniya si Uno. "Look, makakapag-usap tayo anytime kung gugustuhin natin pero itong anak ko ay hindi na makapaghintay sa'yo..."

"Anak natin, Aurora. Anak natin..." he corrected me. Tila nabingi ako nang marinig ko ang sinabi niya.

Did I heard it right? Tinawag niyang 'anak natin' so, ibig ba sabihin nito ay tanggap niya ang anak ko? Namin pala? Tanggap niya si Uno?

Sa isiping 'yon ay hindi maiwasang hindi umusbong ang saya at galak sa aking sistema.

At tinawag niya rin ulit akong 'Aurora'. Ito ang pangalawang beses na tinawag niya ako sa gano'ng pangalan ko simula nang umalis ako.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon