Chapter 12

415 28 0
                                    

Dedicated to: @flavorites @httpsaint @jiyaykay @CaraPenk diannegarcia391

Unedited

Chapter 12

"What?" I asked, almost a whisper.

"You are just so adorable, that's why..." he simply explained.

Bigla naman akong napahawak sa bandang dibdib ko. Alam ko namang laging mabilis ang tibok nito sa tuwing malapit lang siya pero ngayong oras na 'to ang masasabi kong pinakamabilis na naging tibok nito.

Hindi ko akalain na may ibibilis pa pala ito. Akala ko nang una ay hanggang doon na lang ang bilis pero nagkamali pala ako.

Takte! Anong ginagawa mo sa akin Tres?

"Anyways, you want to sit?" He asked me as if he doesn't said anything that made my heart beats faster.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang sumagot sa kaniya. Basta ang alam ko lang ngayon ay nakaupo na ako sa isang upuan dito sa isang restaurant at siya naman ay umalis muna.

Mas lalo akong nagulat sa kaniya nang bigla niya akong hinalikan sa noo ko. Parang mas lalo akong natuliro sa ginawa niya.

Damn, Tres!

Napahawak ako sa noo ko kung saan niya ako hinalikan. Kahit na mabilis lang 'yon ay pakiramdam ko ay nasa noo ko pa rin ang labi niya.

Bakit niya 'yon ginawa?

Bakit?

Marahan kong tinapik-tapik ang dibdib ko kung saan malapit ang puso ko.

Damn, heart. Kaya mo pa ba?

Anong ginagawa mo Tres?

Nahuhulog na ba ako?

Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip. Don't go there, Nic. Just don't...

Pero takte, nahuhulog na nga ata ako. Kaso kaya ko ba? Kaya ko ba ang maaaring maging kapalit nitong nararamdaman ko?

Natigil lang ako sa aking iniisip nang biglang nagkaroon ng ice cream sa tapat ng mukha ko. Napatingin ako sa taong may hawak nito at nakita kong si Tres pala ang may hawak nito. May ngiti ito sa kaniyang labi habang may hawak din siyang isa pang ice cream.

Damn, heart!

"For you..." malumanay na saad nito kaya muli akong napatingin sa hawak niya.

Kagat-labing kinuha ko ito mula sa kaniya. Pareho na kaming may hawak sa ice cream. Nakalagay ito sa isang apa.

"Stop biting your lips, Niccola..." natigil ako sa narinig ko.

"H-Ha?" Heto na naman po, tila nabingi na naman ako.

"I said, stop biting your lips..." sagot nito sa akin nang tuluyan ko nang nakuha ang ice cream mula sa kaniya.

Taliwas sa sinabi niya ang ginawa ko. Mas lalo ko pang kinagat ang labi ko. Tama lang para hindi muling magdugo ito mula sa pagkakagat ko.

"Such a tease!" Kumunot ang noo ko sa kaniya. Hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi niya kasi parang binulong niya lang ito. Hindi ako sigurado, e. Baka kasi nabingi na naman ako dahil mas naririnig ko ang tibok ng puso ko kaysa sa boses niya.

Nagulat ako nang hawakan nito ang labi ko kaya parang bigla akong nanlambot sa ginawa niya. Tinanggal niya ang pagkakakagat ko rito.

Tumingin ito sa akin habang nasa labi ko pa rin ang kamay niya. Marahan niyang hinaplos ang lower lip ko habang nakatingin siya sa akin.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon