Chapter 3

993 47 0
                                    



Chapter 3

Unti-unti akong nagising nang may maramdaman akong init na tumatama sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko na ang init na tumatama sa aking mukha ay nagmumula sa may bintana.

Noong una ay kinabahan ako sapagkat ibang paligid ang bumungad sa akin. Ngunit, unti-unting nagbalik sa aking ala-ala na nasa silid ako ng aking kwarto rito sa Pilipinas.

At last, nakabalik na rin ako.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Napangiti ako dahil sa wakas, nakabalik na rin ako. Muli akong nagbalik kung saan ba talaga ako nagmula.

Bahagyang gumalaw ang nasa aking tabi.

"Good morning, Niccola..."

"Good morning din Rox!"

Pagkatapos ng batian namin ay pareho na kaming bumangon. Nagpaalam ito sa akin na sa may baba na raw siya magbabanyo kaya dumiretso ako sa banyo rito sa loob ng aking silid.

_

Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na rin ako at nagdiretso sa may dining area. Naabutan ko si Roxanne na maganang kumakain.

Iba talaga kapag nasa harapan ito ng pagkain.

"Iha, you're finally back!" Buong galak na bati sa akin ni Mom. Hindi namin sila naabutan kagabi kasi nasa may bakasyon sila. Marahil ay kanina lang madaling araw sila nakabalik dito sa bahay.

Lumapit ako kay Mom at bumeso. Ganoon din ang ginawa ko kay Dad.

"Hi, Dad!" Bati ko kay Dad.

They both hugged me.

Umupo na ako sa tabi ni Roxanne na masaganang kumakain. She smiled at me. Habang naglalagay ako ng aking pagkain sa aking plato ay kinukumusta naman ako nina Mom at Dad.

"So, are you staying here for good, iha?" Napatigil ako sa aking narinig.

"Niccola?" that was Mom. She really wanted me to stay here for good.

"You know the answer, Mom..." medyo may kahinaan na sagot ko.

Bakit parang nawalan agad ako ng gana kahit wala pa akong nakakain miski isa?

Pinilit kong kumain kahit nararamdaman kong nawawalan na ako ng gana.

"So, how long are you staying?" Basag ni Dad sa katahimikan.

"I don't know po Dad. I still don't have any plans yet," paliwanag ko.

After that conversation, iba na ang pinag-usapan namin. Minsan, nakikisali rin ako sa usapan to catch up some things noong mga panahong wala ako pero most of the time ay nakikinig lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami ni Roxanne sa may labas. We decided na lumabas muna kami while Mom and Dad stay at home. Magpapahinga raw muna sila.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon