Chapter 9

556 29 0
                                    

Dedicated to: @aaavbellz  @Claireeyyyy_9 @clumxei @ashurimarie @aemycire

Unedited

Chapter 9

Hindi na ata ako nagkaroon ng matinong tulog simula nang araw na nakausap ko si Tres ng gano'ng kalapitan. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa ring parang nasa malapit lang siya, e isang linggo na ang nakakaraan nang araw na nangyari 'yon.

Normal pa ba ang ganito?

O, nababaliw na ako?

"Tara na, Nic! Male-late na tayo sa date niyo ni Tres este sa date pala namin ni Jake."

"Alam mo ikaw, panira ka talaga ng moment!" Asik ko rito.

I saw how she rolled her eyes at me. "Anong moment, e wala naman talaga, ah! Wala kayong moment, Nic! Huwag masyadong feeling at baka lalong masaktan, ha." Tiningnan ko naman ito ng masama dahil sa mga sinabi niya. "Ay sorry, pasmado!" Dagdag nito at binelatan pa ako.

Pinsan ko ba talaga 'to?

"Huwag masyadong magfeeling mamaya, Nic. Baka akala mo ikaw ang may date mamaya, ha. Papaalala ko lang na ako ang may date mamaya."

"Inaasar mo ba ako?" Asar na tanong ko rito.

"Bakit? Naaasar ka na ba?"

"Paano kung sabihin kong oo?"

"Edi congrats pala sa akin!" She even clapped her hands in front of me.

Parang gusto kong manabunot na lang bigla ng buhok kapag mas lalo pa akong naasar.

"Oh, chill chill, Niccola. Parang binibiro lang, e!"

"Ah, binibiro mo ako?" She nodded. "E, bakit hindi ako natawa?"

"Hindi ko alam sa'yo."

I just rolled my eyes at her. Galing talagang mang-asar.

"I'm so excited, Nic!"

"Mukha nga!" Tanging nasabi ko na lang habang nakatingin sa kaniya.

Grabeng pagpapaganda ang ginawa nito para lang sa araw na 'to. Nang sinabi ko sa kaniya 'yung sinabi sa akin ni Tres tungkol doon sa kanila ni Jake ay grabe kung maka-react ito.

'Destiny' na raw gan'yan.

Pero syempre, hindi ko kinuwento sa kaniya na kaya masakit ang bandang pwet ko ay dahil kay Tres. Hindi ko na rin sinama 'yung pinunasan nito ang labi ko.

Ah basta! Akin na lang 'yon! Alangan namang pati gano'n ay ikwento ko rin sa kaniya. Baka lalo lang akong masaktan kapag naikwento ko pa. Grabe pa man din kung maka-react ang isang 'to.

"Hindi ka pa ba tapos diyan, Rox?" Medyo naiinip na tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako habang may hawak na lipstick. "Wait lang, Nic at nagpapaganda pa ako. Huwag kang masyadong excited diyan at ako ang may date..."

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis kaya napunta ang ilang hibla nito sa mukha ko. I annoyingly blew it upward.

Bibinggo ka na talaga sa akin, Rox. Kaunti na lang talaga. Kaunting-kaunti na lang talaga.

"Okay. Sabi mo, e," sinabayan ko pa ito ng pagkibit-balikat ko.

Sanay na ako sa gan'yang ugali niya. Nang-aasar lang 'yan kasi may naaasar at naaasar siya sa akin kaya nilulubos na niya. Minsan nakakapikon na rin kasi talagang sumasapol sa akin.

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now