Chapter 36

536 16 0
                                    

Dedicated to: eignaxx @shaibonita @chuz_bae  @ShaiBonita @FVOJDF

Unedited

Chapter 36

"Hinarap ko rin ang parents mo..." Napukaw niya ang atensyon ko kaya napatingin ako sa kaniya ng nagtatanong.

"Alam mo bang nasapak din ako ng ama mo?" Natatawang paliwanag nito. Hala! "Kagaya ng ginawa ko kina Roxanne at Jake, ipinakita ko rin sa kanila ang resulta ng imbestigasyong pinagawa ko. Gusto kong patunayan sa kanila na malinis ang intensyon ko sa'yo at wala akong balak na saktan ka. Gusto kong patunayan sa kanila na mahal na mahal talaga kita kaya hindi ko kayang saktan ka. Hindi nga nag-sorry sa akin ang ama mo roon sa ginawa niya sa akin kasi deserve ko pa rin daw 'yon lalo na at pinaiyak daw kita..." dugtong nito.

"S-Sinabi ba nila sa'yo na buntis ako?"

He shook his head. "Hindi nga, e. They stayed silent about your pregnancy, same with Roxanne. She didn't tell me that you were pregnant, e lagi namin siyang nakakasama ni Jake. Even kay Jake hindi niya rin sinabi. Imagine, boyfriend niya si Jake pero she stayed silent. Lately lang din nalaman ni Jake, kasabay nang nalaman ko. We were both shocked that time."

"Again, I am sorry..." Muling hingi ko ng tawad sa kaniya.

"You are already forgiven, baby. Kahit hindi ka pa humingi ng tawad, napatawad na kita. After all, you did great, baby. Look at Uno, he's so sweet and smart kid. Sa tingin ko, napalaki mo siya ng tama kahit mag-isa ka lang and I am so proud of you baby..." Muli na namang namuo ang luha sa sulok ng mata ko nang marinig ang sinabi niya.

Damn his words. He never disappoint me with his words.

I am indeed lucky because I have him. Damn, so lucky!

"Shh..." Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala ito ngayon.

Nakapalibot ang braso nito sa leeg ko. Hindi nakakasakal ang ginagawa nito. Para nga akong hinehele, e.

"I miss you..." I whispered. I don't know if he heard it.

"I miss you more, baby..." Hinalikan ko ang braso niyang nakapalibot sa leeg ko.

Good thing hindi nagising si Uno sa ginawa naming pag-uusap ni Tres.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho naming ninanamnam ang sandaling ito.

Masasabi kong okay na ako. Wala na ang bigat sa aking dibdib. Alam kong hindi lang ako ang naliwanagan ngayon, alam kong pati siya.

Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag nailabas mo na lahat ng kinikimkim mo at kapag nalaman mo na talaga ang totoo. Na 'yung pinaniniwalaan mo rati ay hindi naman pala.

Masarap pala sa pakiramdam na hindi na nakakulong ang sarili mo sa masakit na nakaraan mo.

"So..." I trailed off.

"What?" Malat na tanong nito.

Nasa pagitan na ng leeg at balikat ko ang ulo niya. Nakabaon ito rito kaya ramdam na ramdam ko ang hininga siya.

Nakaupo na naman ito sa likod ko kaya sumandal na ako sa kaniya. Umayos siya ng upo. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Talagang ikinukulong niya ako sa bisig niya, parang takot na umalis na naman ako.

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now