Chapter 22

463 21 2
                                    

Dedicated to: @Liaannnaaaa @itsmeangelxchu @mikomine @its_brilliant @Thea_Nicola

P. S. natuwa lang talaga ulit ako hehehez. 💛

Unedited

Chapter 22


Pagkarating ko sa lugar na sinabi sa akin ni Jake ay agad na akong bumaba sa kotse. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nitong lugar.

Saktong may dumaan sa harap ko kaya agad ko itong tinawag.

"Yes, Ma'am?"

"Uh...nasaan si Tres?"

"Si Engineer Bautista po?" I nodded. Sinabi nito sa akin na nasa loob daw kaya nagpasalamat ako rito.

Pumasok ako sa loob at agad siyang hinanap. Nakita ko naman siya at may kausap siyang isang babae.

Nakita ko kung paano hagurin ng tingin nang babae si Tres pero mukhang wala ata itong pakialam sa ginagawa ng kaharap.

Babae pa man din siya tapos gano'n kung umasta sa harap ng lalaki.

Psh.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Hindi naman ako nagkamali at nakuha ko nga ang atensyon nila. Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mata ni Tres dala ng gulat pero hindi naman ito nagtagal. Samantalang 'yung babae ay tinaasan lang ako ng kilay.

Halata namang drawing lang naman ang kilay, hmp!

Nagpaalam muna ito sa babaeng kaharap bago pumunta sa akin. Nakita kong ngumiti ito kay Tres tapos sinamaan ako ng tingin.

"What are you doing here?" Malamig na salubong nito sa akin.

Wala man lang 'hi' o 'hello'.

"I'm here to talk to you." Iginala ko ang paningin ko. Hindi ko matagalan ang intensidad ng tingin na ipinupukol niya sa akin.

Kulang na lang ay magsuot ako ng jacket ngayon dahil sa lamig ng tingin niya sa akin.

"I said, I'm busy," nagtitimping wika nito sa akin.

Aba at bakit parang galit siya sa akin? Wala naman akong ginagawa, ah!

"I know..."

"Alam mo naman pala, e!"

"Oo nga."

"Oh, e ano pang ginagawa mo rito? Bakit ka pa nagpunta rito?"

"Ikaw lang naman ang busy at hindi ako kaya pinuntahan na lang kita rito." Naglakad-lakad ako sa kabuuan nitong loob.

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now