Chapter 7

692 35 4
                                    


Dedicated to: veeyanah @ms_reigna @unique @judscenario JhemmadelSuarez
Unedited

Chapter 7

I started dating and entertaining someone for almost a month now. And when I said dating and entertaining, I meant it.

Hindi ko alam kung bakit wala akong magustuhan sa kanila. Miski isa, wala talaga. Parang may hinahanap ang sistema ko at alam ko kung ano at sino ito pero hindi pwede. Hindi talaga pwede.

Kaya ko nga ginagawa ang mga ito para makalimutan ko ang kung anong umuusbong na nararamdaman ko sa kaniya. Sige, pati na rin pala siya, gusto ko na ring kalimutan para talagang mawala na 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.

Walang nakakatagal sa akin pagdating sa ganito. Pupusta ako na itong kasama ko ngayon, aalis na rin agad at hindi na babalik pa. Hindi ko rin naman sila masisisi lalo na at nasa akin din naman ang problema. Walang problema sa kanila. Nasa akin lang talaga.

Panay lang kasi ang tango at iling ko. Madalas ay tahimik lang din ako. Saka lang ako iimik kapag kinakausap ako.

I know that they find me boring that's why they always choose to leave me alone after of what-we-so-called date. It's my fault and I'm aware naman. It just that... I can't understand myself.

"Are you listening?" Natigil lang ako sa pag-iisip nang may kumulbit sa akin.

"Ha?"

I saw how he shook his head at me. Telling me that I'm not really listening on what he said to me.

"I said, are you listening?" This time, I'm the one who shook my head.

Ito rin ang rason kung bakit walang nakakatagal. Sa buong oras na may kasama ako, I always remained quiet. Not talking too much and madalas, kung ano-ano pa ang tumatakbo sa isip ko.

"Are you with me, Niccola?" Zedrick asked as his forehead creased while looking at me.

I bit my lower lip. I don't know how I'll answer his question.

"You don't need to answer that, Niccola. I already know the answer," he said as he force a smile.

"I'm sorry, Zedrick. Nothing is wrong with you, really. It is me..." I explained with an apologetic smile on my face.

"I'm sorry..."

"I am sorry, too. Maybe, you find me boring—" I cut him off.

"No, no, no. You are not boring. Wala kang kasalanan, okay? Nasa akin ang problema. Nasa akin."

He just smiled at me.

"Again, I'm sorry," hingi ko ulit ng pasensya. Damn, Niccola!

As I expected, umalis na rin ito kaya naiwan akong mag-isa ngayon dito sa pwesto naming sa may food court.

Nandito kasi kami ngayon sa mall. Dito kami nagkita para sa 'date' namin. Nagutom kami kaya dito kami kumain sa food court.

Wala naman kami masyadong ginawa. Tamang nood lang ng sine gan'yan. Like the normal date lang gano'n pero wala talaga, e. Wala talaga.

Parang siya nga lang ang nagdala ng 'date' namin ngayon.

Bumaba ang tingin ko sa kinakain ko ngayon. Parang nawalan tuloy ako ng gana dahil sa nangyari pero sayang naman 'tong binili namin. Maraming tao ang nagugutom ngayon kaya dapat ay hindi ako magsayang ng pagkain.

Unconditional Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now